Winwyn Marquez on first acting project with mom Alma Moreno: "Nataranta ako!

by Rommel R. Llanes
Jun 5, 2015
Winwyn Marquez hopes for more dramatic roles after doing a tear-jerker in a Magpakailanman episode, "Hindi naman po ako nag-e-expect na ganun na po agad yung tingin nila sa akin. Masaya na po ako na sabihin nila na okay yung arte ko."


Sa kauna-unahang pagkakataon ay magsasama ang mag–inang Winwyn Marquez at Alma Moreno sa isang proyektong pang-drama.

Ito ay sa Magpakailanman na mapapanood sa Sabado ng gabi, June 6, sa GMA.

“First time po naming magsama sa drama,” sinabi ni Winwyn nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa telepono nuong Myerkules, June 3.

Madalas kasi ay sa mga dance production numbers sa telebisyon nagkakatrabaho ang mag-ina, bilang pareho silang mahusay sumayaw.

“Usually po, sayaw lang, yun lang, ‘tapos interviews lang, yung sa mga talk shows.

“Pero never kaming nagkaroon ng chance na yung acting talaga 'tapos heavy drama, so first time.”

Sa naturang episode ng Magpakailanman na may pamagat na "Ina, Bakit Mo Ako Pinabayaan" ay gaganap sina Winwyn at Alma bilang mag-ina.

FIRST TIME. Nang una niyang nalaman na sila ng mommy niya ang magkasama sa Magpakailanman, ano ang naging reaksyon niya?

“Actually hindi po sinabi sa akin na kasama ko si Mama, nalaman ko na lang the day before taping.

Continue reading below ↓

“Tuwang-tuwa ako siyempre, tinawagan ko si Mama, ‘Bakit hindi mo sinabi sa akin kaagad?’

“Tumawa lang siya, siya alam niya na.

“Siguro para rin surprise, para siguro hindi ako mataranta in a way… pero nataranta ako!

“Ayun natuwa lang ako, medyo kinabahan kasi yung script bago siya for me.

“First time ko na kasama talaga ako sa buong story, na sa akin umiikot yung story, sa amin ni Mama.

“First time po na parang, parang bida na role, in a way.

“At drama, so kinabahan lang ako kasi si Mama sanay na sanay na sa iyakan, sanay na sa mga heavy scenes.

“Medyo pressured lang kasi baka mamaya, mapagalitan niya ako,” at tumawa si Winwyn.

Sabi pa niya, “Baka mamaya siya yung magalit sa akin sa set na, ‘Ayusin mo ang arte mo!’

Nangyari ba na pinagalitan nga siya ng mommy niya sa taping nila ng Magpakailanman?

“Ay, hindi naman!”

Continue reading below ↓





THE STORY. Patuloy na kuwento ni Winwyn tungkol naman sa mga roles nila ni Alma sa episode na ito ng Magpakailanman.

“So bata pa lang ako pinamigay niya ako kasi hindi niya ako kayang buhayin.

“And then yung kumupkop sa akin inaapi ako at binubugbog.

“And then nakaalis ako dun sa place, bumalik ako sa nanay ko.

“Pero ang nangyari nung bumalik ako sa kanya, parang siya yung naging teenager, ‘tapos ako yung parang naging nanay niya.

“Parang sobra-sobra yung mga napagdaanan ko, naging strong ako.

“‘Tapos siya nag-enjoy siya sa life niya, parang naging teenager siya.

“Parang yung attitude niya nagbalik siya sa pagkabata, nagkaroon siya ng boyfriend na kasing-edad ko.

“So medyo iyon yung kuwento, yung kapalaran namin sa mga guys na medyo hindi pinapalad.

“Nagkaroon siya ng boyfriend na addict, ganun, something like that.”

Saang eksena siya nahirapan?

“Nag-first day kami ng shoot kahapon [Martes], yung parang confrontation namin.

Continue reading below ↓

“Yung kailangan umiyak talaga ako sa harap niya kasi nalaman ko na nabuntis ako.

“Medyo ang hirap kasi parang hindi ako masyadong nakabitiw nung una sa iyak ko.

“Kasi nanay ko yung kaharap ko,” at muling tumawa si Winwyn.

Na-conscious ba siya?

“Opo, na-conscious in a way na, yun nga po, nape-pressure ako kung tama ba yung ginagawa ko, tama ba yun?

“Pero nung nagyakapan na kami, wala, tumulo na lang talaga yung luha ko ng sobra!

“‘Tapos hindi ako nakabitiw ng mabilis dun sa iyak ko kasi nga in-imagine ko talaga na kami yun.”



NERVOUS. Sa mga past acting projects ni Winwyn ay lagi siyang kontrabida.

“Yes po nagte-teleserye po ako, lahat ng roles ko kasi kontrabida.

“Ito, mabait, ‘tapos inapi, ‘tapos puro iyak, sobrang different po sa lahat ng nagawa kong teleserye.

“Kumbaga lahat po ng ginawa ko dito first time.”

Pangatlo na ni Winwyn ang "Ina Bakit Mo Ako Pinabayaan" na episode ng Magpakailanman.

Continue reading below ↓

“Lagi akong bata na role.”

At hindi sa kanya umikot ang istorya, pero ngayon nga ay sila ng ina niyang si Alma ang bida.

“Opo.”

Aminado si Winwyn na kabado siya kung ano ang kalalabasan ng ratings ng Magpakailanman episode nila ng mommy niya.

“Siyempre kinakabahan, pero positive naman po ako sa kakalabasan.

"Kasi kumbaga lahat naman ng kaya kong ibigay ibinigay ko talaga sa episode na ito.

“So I hope they just watch and see na maganda talaga yung story kaya sana suportahan nila.

“Sana talaga subaybayan nila.”

Pagkatapos ba niyang gawin ang role niya sa Magpakailanman ay nanaisin niyang mas makilala bilang isang dramatic actress?

“Sana po, hindi naman po ako nag-e-expect na ganun na po agad yung tingin nila sa akin.

“Masaya na po ako na sabihin nila na okay yung arte ko, na na-satisfy ko naman yung viewers, okay na po sa akin yun.”

Kasama rin si Winwyn sa top-rating afternoon drama series ng GMA-7, ang The Half Sisters.




Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Winwyn Marquez hopes for more dramatic roles after doing a tear-jerker in a Magpakailanman episode, "Hindi naman po ako nag-e-expect na ganun na po agad yung tingin nila sa akin. Masaya na po ako na sabihin nila na okay yung arte ko."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results