TV5's Showbiz Konek na Konek to air live episodes on its second season?

by Arniel C. Serato
Jun 23, 2015
Magkakaroon ng Season 2 ang TV5 talk show na Showbiz Konek na Konek. Inanunsiyo na ng mga hosts nitong sina (l-R) Bianca King, IC Mendoza at MJ Marfori na tuloy pa rin ang pagbibigay nila ng balitang showbiz simula July 6.


Kasalukuyang special episodes na lamang ang umeere ngayon sa timeslot ng Showbiz Konek na Konek ng TV5.

Hindi naman daw ito replay kundi mga special stories para sa season break ng show.

Nagtapos na kasi ang first season nito at sa July naman magsisimula ang second season ng nasabing morning showbiz talk ng Kapatid Network.

Pero bago pa man ma-anunsiyo na magkakaroon sila ng second season, una nang kumalat ang balitang magla-last taping day na ang show last Wednesday, June 17.


SEASON 2. Noong araw din ng Miyerkules, sinabi mismo ng mga hosts ng Showbiz Konek na Konek na sina MJ Marfori, IC Mendoza, at Bianca King na tuloy pa rin ang kanilang pagbabalita ng mga kaganapan sa showbiz sa kanilang season 2.

Continue reading below ↓

�

Eksklusibong inanunsiyo ng grupo ang pagkakaroon nila ng pangalawang season sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal, sa taping nila sa TV5 Reliance, Mandaluyong City.

Ang PEP din ang exclusive na nag-cover sa taping ng kanilang pilot episode.

Sabi ni MJ, “Very good news. Sobrang good news.

“Kasi ano naman talaga siya, e, nakikita ng management yung potential nung show.

"And nagiging consistent siya sa pagiging natural and sa pagiging magaan lang panoorin, walang nega, kung pag-uusapan man yung isang isyu hindi para yurakan yung isang tao kundi tatalakayin lang ang mismong issue.”

Kuwento naman ni IC, “Well, masayang masaya kasi ano naman kami eversince naman ang goal talaga naming ay pagandahin lang yung unang season, at kung anuman ang mangyari sa next, basta ang importante, nabigyan kami ng show. So, sobrang happy.

“And sobrang marami pang pasabog na darating for season 2.”

Ayon naman kay Bianca, “To be honest, ini-expect naman namin e… kasi alam naman naming na nag-eenjoy kami at tsaka maganda yung show.

Continue reading below ↓

"Pero, nag-doubt lang ako na mari-renew pa kami for a second season nung ayaw pang sabihin nina Miss Marge [Natividad], pero may gut-feel na ako na ito yung show, na hihigit sa isang season, yun yung tamang term.”

�

�

LIVE EPISODES? Isa daw sa mga balak ng management ang pagkakaroon ng live episodes every week para maging mas lively ang Showbiz Konek na Konek.

Sabi ni Bianca, “Actually, hindi ko pa alam so I cross the bridge when we get there.

“Pero actually, same-same lang naman siguro [kapag taped-episodes].”

Kuwento ni IC, “Ayoko pang i-confirm pero baka.”

Ani MJ, “Well, actually magmi-meeting pa lang kami. So may brainstorming pang magaganap para mas bonggang-bongga pa ang Season 2.

“Pero, as of now yung dynamics, perfect as it is. We’re really blessed with great camaraderie between the team and the hosts.”

Magsisimula ang Season 2 ng Showbiz Konek na Konek sa darating na July 6.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magkakaroon ng Season 2 ang TV5 talk show na Showbiz Konek na Konek. Inanunsiyo na ng mga hosts nitong sina (l-R) Bianca King, IC Mendoza at MJ Marfori na tuloy pa rin ang pagbibigay nila ng balitang showbiz simula July 6.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results