Boots Anson delighted to be in lead role as a techno-savvy granny in LolaBasyang.com

by Glen Sibonga
Jun 27, 2015
As with the original Lolo Basyang, Boots Anson as the techie Lola B will be telling folktales and enchanting stories, but she will reading from an iPad, not a storybook. She describes the show, “Punung-puno ng tradisyon, punung-puno ng istorya na fantasy... yung format ng kuwento nandoon din. Parang pinagtagpo at nagkaroon ng marriage between the old and the new, the traditional and the new."

Masayang-masaya si Boots Anson-Roa nang ibigay sa kanya ang title role sa bagong Kapatid show na LolaBasyang.com, sa ilalim ng produksyon ng TV5 at ng The IdeaFirst Company nina Direk Perci Intalan at Direk Jun Lana.

Sa panahon daw kasi ngayon at sa edad niyang 70, hindi na daw naiisip ng beteranang aktres na mabibigyan pa siya ng title role.

Kadalasang daw ay support roles na ang napupunta sa kanya ke importante pa ang kanyang ginagampanang karakter sa isang teleserye o pelikula.

Sabi nga niya, “Yung mga kaedad namin, mga senior stars... it’s true na mabait ang Diyos hindi kami nawawalan ng assignment.

“But I think accepted naman namin na we are invited sa mga teleserye to lend strong support sa mga buildup stars, hindi ba?

“And it’s a compliment pag sasabihan kami na kailangan namin yung mga kagaya ninyo para umangat yung bini-buildup nila.

“But then ako, hindi na ako nag-a-aspire na at my age magta-title role na ganyan.

Continue reading below ↓

“So I find it a very pleasant opportunity na maibigay sa akin yung title role dito as Lola Basyang,” sabi ni Boots.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Ms. Boots sa set visit ng LolaBasyang.com noong Hunyo 25 sa Sampaguita Gardens sa Valencia, Quezon City.

Mapapanood na ito tuwing Sabado, 7 P.M., simula sa July 11.


TECHIE LOLA BASYANG. Taong 1925 nang simulan ni Severino Reyes ang serye ng maiikling mga kuwento sa ilalim ng titulong Mga Kuwento ni Lola Basyang para sa Liwayway Magazine.

Nagkaroon ito ng bersyon sa radyo tampok si Luz Fernandez bilang si Lola Basyang.

Taong 1958 nang gawan ito ng movie adaptation ng Sampaguita Pictures na pinagbidahan nina Rosa Mia, Dolphy, Carlos Salazar, Gloria Romero, at Juancho Gutierrez.

Noong 1985 iprinodyus naman ng Regal Films ang Mga Kuwento ni Lola Basyang tampok si Chichay sa title role habang mga bida sa trilogy sina Nora Aunor, Tirso Cruz III, Gabby Concepcion, Snooky Serna, William Martinez, at Maricel Soriano.

Continue reading below ↓

Taliwas sa dating konsepto ng Lola Basyang na maputi ang buhok, nakaupo sa tumba-tumba, at hawak ang libro habang nagkukuwento sa kanyang mga batang apo, binago nina Direk Perci ang treatment kay Lola Basyang.

On-the-go at techie na raw kasi ang lola na gagampanan ni Boots.

Modern na rin ang tawag sa kanya bilang Lola B at imbes na libro, iPad na ang hawak ni Lola B.

Interesting rin na bukod sa pagiging storyteller ay isa ring blogger ang techie si Lola B., na isinusulat ang kanyang mga kuwento sa blog site na LolaBasyang.com.

“Ano nga e, I’m so fascinated by the concept.

“Nung nag-meet kami ni Jun Lana at saka ni Perci talagang agad-agad, ‘Sige, sige, gawin natin. Ayusin lang natin yung schedule.’

“Kasi nga may tinatapos din ako sa iba [network]... mabait ang Diyos, sa edad na 70 e naglalagare pa.”


CHALLENGE. Alam naman daw ni Boots na marami pa ring nakakakilala kay Lola Basyang.

Continue reading below ↓

Pero sa ginagawa nga nilang show ay ginawan nila ito ang adjustments at ina-adapt sa present time na usong-uso ang social media gayundin ang advance technology.

Iyon daw ang malaking challenge para sa veteran actress.

Aniya, “Lahat naman tayo itong edad natin dumaan naman tayo lahat kay Lola Basyang.

"Pero hindi ito yung kagaya sa radyo noon na nandiyan yung mga apo sa paligid.

“Magkukuwento pa rin siya pero high-tech si Lola, high-tech naka-iPad.”

Tatlo ang kanyang mga apo sa istorya at dalawa rito ay nasa abroad, sa Japan at sa Guam, kaya kinakausap at kinukuwentuhan niya ang mga ito sa pamamagitan ng video chat sa Skype at Face Time.

“Kaya nga challenge iyan kasi hindi ako techie, e!” sabay tawa ni Boots.

Pero umaasa naman siya na matututo rin siya, “Siguro kapag ganitong nakababad ka, matututo ka.

“Marunong naman akong mag-email, mag-Facebook. Twitter, hindi pa.

“Pero hindi ako adventurous kasi pag may napindot akong button tapos nawala, nagpa-panic na ako talaga dahil baka ma-erase.

Continue reading below ↓

“Pero marunong naman akong mag-post sa Facebook.”


THE OLD AND THE NEW. Ginawa man daw nilang modern si Lola Basyang at iba pang elemento sa show, pinanatili naman daw nila ang esensiya ng mga kuwento ni Lola Basyang na pawang Pinoy folklore at fairytale.

“I like the part na na-sustain o nananatili yung legend ni Lola Basyang, yung mga kuwento niya.

"Hindi nababago yung punung-puno ng values, Filipino values.

“Punung-puno ng tradisyon, punung-puno ng istorya na fantasy, pero rooted sa ground talaga.

“In keeping with the times, yung format ng kuwento nandoon din.

"Parang pinagtagpo at nagkaroon ng marriage between the old and the new, the traditional and the new.

“Nandiyan pa rin yung 'Maria Makiling,' yung tungkol sa mga diwata.”

Ayon kay Direk Perci, nakapag-taping na raw sila ng tatlong episodes.

“The first one yung 'Marya Makiling' starring Jasmine Curtis, Rodjun Cruz, and Carlos Agassi.

“Yung second, yung 'Plawtin ni Periking,' ang bida ay sina Vin Abrenica, Ynna Asistio, at Valeen Montenegro.

Continue reading below ↓

“Then the third one, yung 'Prinsipeng Mapaghanap,' starring yung child star na si Yogo Singh at saka si Mart Escudero."


FULL CIRCLE. Natanong din ng PEP si Boots kung ano ang pakiramdam niya na tila siya ang paboritong veteran star ngayon ng TV5 dahil hindi siya nawawalan ng proyekto rito kahit na nga gumagawa rin siya sa ibang network.

Pagkatapos kasing mamatay ang karakter niya sa Baker King, ngayon ay bida naman siya rito sa LolaBasyang.com.

“In a way, I’ve come full circle kasi in 1963, I was 18, unang- unang TV show ko was in TV5 [na dating ABC 5], yung Dance-O-Rama.

“Parang umikot-ikot lang, and very significant din ang TV5 sa akin kasi doon ko na-meet yung late husband ko, si Pete [Roa].

“He became my mentor kasi siya yung nagturo sa akin ng rudiments ng TV.

“We co-hosted yung Dance-O-Rama,” throwback na pag-alala ni Boots.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
As with the original Lolo Basyang, Boots Anson as the techie Lola B will be telling folktales and enchanting stories, but she will reading from an iPad, not a storybook. She describes the show, “Punung-puno ng tradisyon, punung-puno ng istorya na fantasy... yung format ng kuwento nandoon din. Parang pinagtagpo at nagkaroon ng marriage between the old and the new, the traditional and the new."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results