Grae Fernandez gets comfy with KathNiel in Pangako Sa 'Yo

A teleserye, a movie and a boy band, Grae Fernandez at 13 years old is making hay. He says, "Siguro po ang masasabi ko lang po ay very thankful talaga ako kay God. ‘Tsaka sana po, wish ko na magustuhan po ng mga tao yung nagagawa kong projects para sa kanila.”


Aminado si Grae Fernandez na matinding kaba ang kanyang naramdaman nang nalamang magiging bahagi siya ng primetime series na Pangako Sa ‘Yo.

Bukod daw kasi na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang mga bida sa seryeng ito, star-studded din ang naturang TV series ng Kapamilya network.

“Kinabahan po ako noong una, nang sinabi na, ‘Grae, kasama ka dito sa Pangako Sa ‘Yo.'

“Kasi hindi ko pa po actually nami-meet si Kuya Daniel at saka si Ate Kath kaya sobrang kinabahan ako noon.

“Kasi, parang grabe! At saka po hindi ko po kasi alam yung mga personalities nila, kung mabait ba sila.

“Pero noong nakilala ko na po sila, sobrang welcoming po sila at sobrang bait.

"Kaya sa set ay nawala na po yung kaba ko,” pahayag ni Grae sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).


THANKFUL. Sinabi rin ni Grae na sobra siyang natutuwa dahil pagkatapos ng Bagito ay nabigyan siya ng isa pang regular show sa ABS-CBN.

Aniya, “Sobrang happy po at sobrang thankful kay God, kasi sobrang iconic po talaga yung Pangako Sa ‘Yo.

“At para mapabilang sa isa sa cast, sobrang thankful po talaga ako.

“Plus, ang dami pong sikat sa cast, ang dami po talaga.

“Kumbaga, star-studded cast ito tapos ay nasali ako doon.

“Kaya sobrang thankful po ako,” nakangiting wika pa ng binatilyo ni Mark Anthony Fernandez.

Dagdag pa ni Grae, “After Bagito, ito po yung second regular show ko. Kaya sobrang happy ko po talaga.

“Tapos yung mga location po rito, sobrang exotic compared dito sa Manila.

“Kasi po, ang taping namin ay sa bandang Zambales… minsan po, kapag pack-up na ang taping, I go to the beaches.

“Kaya sobrang saya ko po talaga kasi ang lapit ko lang talaga sa mga beach, ang daming beaches na magaganda po rito, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


KATHNIEL. Kamusta naman nang nakaeksena niya na sina Daniel at Kathryn?

Sabi ni Grae, “Kasi, hindi ko pa po nakakaeksena si Kuya Daniel, si Ate Kath pa lang.

“Na-meet ko lang po siya [Daniel] sa taping at very welcoming siya, tapos very humble din.

“Pero si Ate Kath, nakasama ko na po sa mga ilang scenes, kaya medyo mas close na po kami.

“May isang scene na parang we’re gonna go swimming in the lawa, sa lawa po… tinutulungan ko po siya.

“If she’s gonna go somewhere, nandoon po kami [ni Juan Karlos], parang mga ganoon po yung scenes namin.”

Hanga rin daw si Gae kay Kathryn at Daniel sa kabaitan at magandang pakikisama ng dalawa sa lahat ng tao at katrabaho.

“Kahit sobrang sikat po nila, parang hindi mo po mapi-feel, e, kasi sobrang kakausapin ka palagi.

“Tapos kung ano ang mga tanong mo about acting, about this, about the cast, about them… a-answer-in ka nila.

“Kahit anong mga… kung anong mga gimicks lang, ie-entertain ka nila.”

Ikinuwento rin ng 13-year-old actor ang role niya sa Pangako Sa ‘Yo.

“Ang pangalan po ng character ko ay Jonathan, parang mag-best friend po kami ni Ate Yna or si Ate Kath.

"Seminarian po ako rito na gustong magpari... magkakaroon po ako ng ka-loveteam dito bale.”

Ano ang masasabi niya sa lakas ng teleserye nila?

“Sobrang ano po, yung buong cast and crew, sobrang thankful po talaga kami kay God

“And nagpapasalamat po kami sa lahat ng nanonood dahil sobrang well received po talaga yung show.

“Malaki po yung expectations ng ibang tao from the past show [original version ng Pangako Sa ‘Yo].

“Kaya sobrang thankful po na medyo nasapat naman po yung napanood nila at nagustuhan nila ito.”


FIRST MOVIE. Ibinalita rin ni Grae na ginagawa na niya ngayon ang pelikulang Crossroads na tinatampukan nina Richard Gomez at Dawn Zulueta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako po yung youngest son nina Tito Richard and Tita Dawn at ako po yung pinaka-energetic.

“Ako po yung palaging nagpapatawa, ako po yung parang pinaka-full of energy sa family.”

Dahil first movie niya ito, sa tingin niya ba ay magmamarka siya sa pelikulang ito?

Sagot ni Grae, “Opo, sa tingin ko po kasi may ibang scenes na mas tatatak po ako.

“Kaya sobrang thankful po talaga ako na eto yung first movie ko, na ganito yung pagpasok ko sa movie.”

Sinabi rin niyang nagpapasalamat siya sa pagiging supportive sa kanya nina Richard at Dawn.

“Sobrang bait po talaga nila, kasi kahit mga sobrang ang sisikat na po nilang mga artista.

“Kapag sa set po ay ang dami pong nabibigay nilang advice sa akin.

“Especially ‘pag ganoong sobrang dami ang years ng experience nila sa showbiz, sobrang dami ko pong natutunan sa kanila.”

May teleserye siya ngayon at ginagawa na rin niya ang first movie mo, ito na kaya ang year para umarangkada ang career niya?

“Tungkol po sa bagay na iyan, siguro po ang masasabi ko lang po ay very thankful talaga ako kay God.

“Kasi ang dami kong nakukuhang blessings mula sa Kanya.

“‘Tsaka sana po, wish ko na magustuhan po ng mga tao ‘yung nagagawa kong projects para sa kanila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN