Meet aspiring boy band members of To The Top (Team C)


Nilunsad na ng GMA-7 ang To The Top, ang unang boy band search sa telebisyon.

Hindi nagkaroon ng open auditions para sa reality show dahil by invitation ito. Ang best male singer mula sa iba’t ibang schools at organizations ang naimbitahan na sumali upang magkaroon ng chance na makasama sa newest boy band ng Kapuso Network.

Si Julian Trono, ang Kapuso artist na nagkaroon ng intensive training under the KPop system, ang magsisilbing host ng webisodes.

Ang main judge ng To The Top ay ang Maestro na si Mr. Ryan Cayabyab.

Vocal coaches naman sina Moy Ortiz, OJ Mariano at Sweet Plantado ng The Company; choreographers naman ang Philippine All Stars (D’ Crew) na sina Prince Paltu-Ob, Madelle Enriquez-Paltu-Ob at Jesse “Reflex” Gotangco.

Ang weekly performances ay gagabayan ng musical arranger at sound engineer Jonathan Ong kasama ang Sonic State Audio team composed of Chino David, Chris Vinzons and Brian Lotho.

Ang To The Top ay mapapanood sa Kapuso Network tuwing Sabado at Linggo simula July 25. Sa presscon nito ay nakausap namin ang 18 aspiring male singers na mga contestants ng show.


MEET TEAM C. Noong July 1, nagkaroon ng labanan nang gabing iyon sa first ever multi-platform show ng GMA sa studio 7 ng GMA Annex Building.

Nagwagi ang Team C laban sa Teams A and B.

Una naming nakapanayam ang anim na kasapi sa Group C.

Ito ay binubuo nina Lharby Policarpio, Miko Manguba, Edric Ulang, Adrian Pascual, Cholo dela Cruz at Mico Cruz.

“Kasi po kumakanta din naman po ako so sa tingin ko po kapag sumali ako dito, mas mahahasa po, e. Mas marami po akong matututunan kapag sumali ako dito, mas mahahasa yung singing na ginagawa ko,” ang bungad ni Lharby Policarpio na isa sa mga wild card contestants sa To The Top.

“Nagte-theater din po ako. Wala akong talagang training since bata ako, talagang kanta lang po ako so dito po natututo ako, ang dami kong natututunan sa kanila, sa mga kagrupo ko at sa mga coaches namin po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa sa mga male young stars sa Walang Tulugan With The Master Showman si Lharby.

“Ngayon po hindi na po kasi nakatira na po kami sa [labas].”

Aalis ba siya sa show ni German Moreno kapag nanalo siya sa To The Top?

“Kung sakali nga po, kung papayagan nila ako, okay din po sa akin kung magwa-Walang Tulugan po ako kapag may time, kapag meron po akong extra time, kung walang ginagawa yung grupo namin, kung manalo po ako.

“Kasi mahal ko po yung show, pamilya ko din po yung lugar na yun.”

Para naman kay Miko Manguba, idol niya ang singer-songwriter na si John Legend.

“Sa ngayon po, ang una pong pumasok sa isip ko si John Legend po kasi nagsimula talaga siya…parang nasa club lang, I mean nasa bar lang po na mag-isa and nag-grow po talaga siya as an artist on his own,” ang sagot naman ni Miko M kung sino ang nais niyang sundan ang mga yapak bilang performer.

“Pero for me po gusto ko rin pong magkaroon ng sariling name yung Team C and hindi po masyadong mag-depend sa inspiration ng ibang existing na boy band.”

Halimbawang hindi siya manalo, ano ang gagawin ni Miko?

“Kung hindi po ako manalo sobrang okay lang po. Tuluy-tuloy pa rin po kasi may grupo pa rin naman po ako sa La Salle.”

Miyembro siya ng De La Salle Inner Soul na premiere vocal group ng naturang unibersidad. Kumukuha ng Applied Corporate Management si Miko sa DLSU.

Mr. Pogi 2012 ng Eat Bulaga! si Edric Ulang.

“Nagkaroon naman po ako ng mga guesting like Maynila, dito po sa GMA. Then nagkakaroon naman po ako ng mga raket, mga shows out-of-town, so iyon,” ang kuwento niya tungkol sa ginawa niya matapos manalo sa naturang noontime show.

“Sumali po ako dito sa To The Top para i-challenge po yung sarili ko. “Na hindi lang po ako para kumanta. Kasi talagang singer lang po talaga ako, hindi po ako sumasayaw. Kaya tsinallenge ko po yung sarili ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi lang ako sa pagkanta kundi sa pagsasayaw din.”

Dapat raw ay sasali siya sa StarStruck this year.

“Kaya lang overage na po ako,” at tumawa ang 24-year-old na si Edric. Tapos ng Information Technology ang binata sa AMA.

“Gusto ko pong maging successful at ma-achieve lahat ng goal ko sa buhay para sa pamilya ko.”

Unang contest na sinalihan niya ang To The Top, ayon kay Adrian Pascual kaya masaya siya na pasok siya sa top 18.

“Siyempre po lahat kami sobrang saya, sobrang laki ng pasasalamat kay God.

“Gusto ko pong maging [miyembro ng ] isang sikat na boy band talaga.”

Crush ni Adrian sa showbiz si Bianca Umali.

“Kasi po before po I’m an event host. So parang ako yung nag-i-introduce sa mga artists, sa mga singers, dancers. Parang nagustuhan ko naman din, na feeling ko na parang I have the talent din naman so why not have the feeling na ako naman yung ini-introduce.

“So masarap na feeling po yun na gusto ko namang ma-experience,” ang sinabi naman ni Cholo dela Cruz na wild card sa naturang contest.

“Sobrang saya po. Kasi akala ko the journey after the fourteen po tapos na, e. And then for GMA to give us the wild card option na mag-voting, parang nakakatuwa din po kasi I learned din po na I have supporters din who want to see me more.”

Para kay Mico Cruz, maganda ang naging timing ng To The Top para sa kanya.

“Nag-aantay po ako ng [contest para sa] boy band and sakto, age ko, tapos yung contest na dumating sakto lang so tinake ko yung opportunity,” ang kuwento ni Mico.

Second year college si Mico sa kursong Marketing Management and Mass Media sa De La Salle University at pansamantala siyang huminto sa pag-aaaral para sa contest.

Crush ni Mico si Heart Evangelista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi ever since bata pa ako as in bata pa ako pinapanood ko na yung mga movies niya, teleserye, parati ko talaga siyang sinusundan and type ko yung chinita.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN