Alice Dixson copes with mother's death by keeping busy with MariMar

In GMA-7's remake of MariMar, Alice Dixson is cast as Lupita Aldama, the mother of Megan Young's character. In the 2007 version, Lupita was originally played by Rita Avila.



Kasama sa malaking cast ng remake ng MariMar sa GMA Network si Alice Dixson.

Gaganap siya bilang si Lupita Aldama. Ang karakter niya ang ina ni Marimar, na gagampanan naman ni Megan Young.

Sa naunang 2007 version, ang original na Lupita ay ginampanan ni Rita Avila.

Natapos na ang kontrata ni Alice sa TV5 at ngayon ay nagbabalik siya sa bakuran ng Kapuso network.

Mula 2002 hanggang 2004 ay gumawa ng mga teleserye si Alice sa GMA-7. Ito ay ang Ang Iibigin Ay Ikaw, Ang Iibigin Ay Ikaw Pa Rin, at Hanggang Kailan.

Nagkaroon din siya ng guest role sa Dyesebel in 2005 bilang si Dyangga.

Pahayag ni Alice sa panayam sa kanya ng 24 Oras, “Being with a new group, a new director, it was a little… hindi naman nerve-wracking, I didn’t know what to expect.

“But after our morning meeting and then nakapag-tape na rin kami, I felt more back at home.”


REUNION WITH MEGAN. Sa bagong version na ito ng MariMar, gaganap sa title role si Megan Young at si Tom Rodriguez naman ang gaganap bilang si Sergio Santibanez.

Nag-first taping day na sila kahapon, Huwebes, July 16.

Lahad ni Alice, “I am happy to be part of the cast and we started principal photography already.

“Third week of August na maipapalabas ang pilot kaya suportahan n’yo po kami.”

Nag-post si Alice sa kanyang Instagram account ng first day taping niya kasama ang kanilang direktor na si Dominic Zapata at co-stars na sina Ina Raymundo at Zoren Legaspi.

Heto ang caption ni Alice: “ur first day on the set; Castmates @inaraymundo95 @zoren_legaspi And my new director #DominicZapata for #Marimar2015 on #GMA7 Wna know more? Watch #24Oras tonight 6:30 PM”



(L-R) Alice Dixson, Ina Raymundo, Direk Dominic Zapata and Zoren Legaspi


Ikinatutuwa rin ni Alice ang pagkakataong makatrabaho niya ulit si Megan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkatrabaho na sila noon sa TV5 teleserye na Never Say Goodbye bago pa tanghaling Miss World 2013 si Megan.

Dagdag ni Alice, pinipilit pa nila noon si Megan na sumali sa beauty contest.

“Yung mga kasamahan namin sa set, we were convincing her na sumali siya.

“And then, wala pang one year, nanalo siya.”

Nanalo rin si Alice bilang Bb. Pilipinas-International noong 1986.


RECOVERING. Sabi pa ni Alice, tama lang ang pagdating ng project na MariMar sa kanya dahil ito ang ginagawa niyang therapy.

Kasalukuyang nagre-recover ang aktres sa malungkot na pangyayari sa kanyang buhay.

Sumakabilang-buhay ang pinakamamahal na ina ni Alice na si Mrs. Socorro Celones-Dixson noong May 2015.

“Mabilis ang mga pangyayari…”

Simula noong magbalik-showbiz si Alice in 2011 ay kinontrata na siya ng TV5.

Ginawa niya ang mga teleserye na Babaeng Hampaslupa, Isang Dakot Na Luha, Glamorosa, Enchanted Garden, Never Say Goodbye, Undercover and For Love Or Money.

Lumabas din siya sa mga sitcom ng TV5 na Confessions of a Torpe and 21/2 Daddies.

Kailan lang ay naging host si Alice sa nakaraang FHM 100 Sexiest Women victory party na ginanap sa SMX Convention Center in Pasay City lasy July 11 lamang.

Noong 2012 ay ginawa ni Alice ang pelikulang Just One Summer na pinagbidahan nila Julie Anne San Jose and Elmo Magalona for GMA Films.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN