Dingdong Dantes happy for Megan Young and Tom Rodriguez for landing Marimar

Dingdong Dantes expects a more high-tech Miramar this time around, "Kailangan mo rin siyang ihulma kung ano ang presently acceptable." Any advice for Tom Rodriguez who will play the role of Sergio? “Maganda rin naman kasi na may fresh approach siya. I don’t think na any advice from me would matter."




May mga nagsasabi na kung nagkataong hindi buntis ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, puwedeng-puwede sila pa rin ng asawang si Dingdong Dantes ang muling magbida sa panibagong remake ng Marimar, ang primetime series na una nilang pinagsamahan.

Sina Megan Young at Tom Rodriguez ang magre-remake ng unang remake nila ni Marian ng Marimar, may pitong taong ang nakalilipas mula sa orihinal na version nito na ginampanan naman nina Thalia at Eduardo Capetillo.

Natawa naman si Dingdong at saka sinabing, “Well, tama lang sigurong gawin ng isang beses yun.

“And for whatever it is, ako, happy ako for Tom and Megan dahil napunta sa kanila ang mga ganoong roles.”

Tinanong din namin ang Kapuso Primetime King kung may maipapayo ba siya sa dalawa, lalo na kay Tom na posibleng makumpara sa kanya.

“Advice? Siguro kapag nagkita na lang kami, pero ngayon, wala akong masabi,” lahad ni Dingdong.

“Maganda rin naman kasi na may fresh approach siya. I don’t think na any advice from me would matter.

“And I believe, with Direk Dominic Zapata there, si Tom and Megan, yung dedication sa trabaho [nandun]...

"And I’m sure, they will really get out their normal selves to give it their best shot.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa taping ng primetime series niyang Pari ‘Koy.

Pagbabalik-tanaw niya, “Noong ginawa namin ang Marimar coming from the original Marimar, there we’re already lots of improvement.

“Yung pag-a-adapt at pag-a-adjust according to kung papaano ang landscape at that time.

“Dati, iba naman ang pagsu-shoot nila noon, mas naging high-tech noong seven years ago, much more ngayon.

“Kailangan mo rin siyang ihulma kung ano ang presently acceptable.

“Magandang challenge yun kasi, yung mismong platform niya and framework, which is the love story of Marimar and Sergio.

“Timeless ‘yan, kumbaga parang Romeo and Juliet.”



TOO SOON? Kung pakikinggan naman ang komento ng ilan, nandiyang tila mabilis daw na niremake muli ang kaka-remake lang nila ni Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Siya ba, nabibilisan din?

“Mahirap naman sabihin ang matagal at mabilis. Palagi nating sinasabi, ang bilis ng panahon, ‘di ba?

“Yes, parang uy, ginawa pa lang natin yun seven years ago, mabilis talaga.

“Pero at least, magandang reality check na kung may gusto kang gawin, bilis-bilisan mo dahil mabilis talaga ang panahon.”

Okay lang ba sa kanya na gagawin na ito ngayon nina Tom at Megan?

“Well, number one, I’m not really in any position to give my opinion about that.

“And if it really matters, para sa akin, kung ano ang ikagaganda ng industry, ng network

“Basta maganda ang istorya, kakagatin at kakagatin ‘yan at maganda naman talagang istorya ang Marimar.”

Sa ngayon, isa sa maituturing na nga raw ni Dingdong na espesyal na karakter na ginawa niya ang Pari ‘Koy bilang si Father Kokoy sa mga primetime series niya.

Lalo pa nga’t masaya si Dingdong sa magagandang feedback na nakukuha ng serye at mga sumusubaybay rito.

Naitanong tuloy namin sa kanya kung may sarili ba siyang ideya ng susunod na karakter na gusto pa niyang magampanan.

“Actually wala pa akong maisip,” nakangiting sabi ng Kapuso Primetime King.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN