Perci Intalan assures proper handling of shooting Parang Normal Activity in Baguio

IMAGE Noel Orsal / Rachelle Siazon (inset)

Director-producer Perci Intalan (left frame) answers regional press's queries about the correlation between TV production taping and certain environmental concerns in Baguio: "This applies to wherever we go, whether it's here in Baguio [or in Batanes]. Ang pinakahuling naiiwan yung batalyon ng utility at production design team na ang trabaho is mag-clean up. Importante yun, e."

Inset photo shows Direk Perci (rightmost) together with the cast mem



“Maganda lang, it’s not a lesson learned for one team, but a lesson learned for the industry.”

Ito ang pahayag ng director/producer na si Perci Intalan tungkol sa pangangalaga ng tourist destinations sa bansa na ginagamit na shooting/taping venue para sa mga teleserye at pelikula.

Sa ginanap na TV5 media junket sa Baguio noong Sabado, August 1, hindi maiwasang maungkat ang isyu tungkol sa biglaang pagtaas ng daloy ng trapiko, pagsulpot ng mga diumano’y abusadong negosyo, at environment-related concerns na kaakibat sa tuwing nabibigyan ng TV/movie exposure ang isang lugar.

Ngunit siniguro ni Direk Perci na maayos ang koordinasyon at nakaplanong mabuti ang isinagawang taping sa Baguio para sa isang episode ng Parang Normal Activity, ang weekly comedy-horror series na collaboration project ng TV5 at Ideal First Company.

“Ang filming namin we planned it very thoroughly kasi may activity today [Saturday], may filming tomorrow [Sunday]. By Monday we’re supposed to go down na [back to Manila].

“Plinano namin na very early in the morning nagsisimula na kami. Alam namin na it’s a Sunday.

“Alam na namin kung saan magta-traffic so kailangan makaalis na kami before dumating yung mga tao.

“By the time na mid-day na, we will be staying in one location na isolated na, it’s just a house,” saad ni Direk Perci.


STO. TOMAS FOREST RESERVE. Hindi pinangalanan ng regional press ng Baguio ang dating teleseryeng nadawit sa pinaglalabang environmental concern ng isang grupo ng mga residente sa Tuba, Benguet.

Ngunit minsan nang naibalita ng ABS-CBN News Online ang tungkol sa pagkansela ng thanksgiving concert ng teleseryeng Forevermore sa Sitio Pungayan, Mount Cabuyao, Tuba, Benguet noong May 10.

Bago ito ay nagpadala ng sulat ang ilang concerned citizens ng Baguio sa pamunuan ng Kapamilya Network, kung saan inihayag ng organisasyon na ang naturang venue ay bahagi ng Mt. Sto. Tomas forest reserve area.

Dito ay ipinagbabawal ang anumang activity na posibleng makasira sa lugar, alinsunod sa temporary environment protection order (TEPO) ng Supreme Court noong September 30, 2014, at kinumpirma o ginawang permanente ng Special Fifth Division ng Court of Appeals noong May 8, 2015.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gayunman, hindi nabanggit sa opisyal na pahayag ng ABS-CBN Corporate Communications kung ang pagkansela ng thanksgiving concert ay sanhi ng petition letter mula sa ilang concerned citizens ng Baguio, na nailathala sa change.org.


TEAM DEDICATED TO CLEAN UP. Sa pagpapatuloy ng panayam kay Perci, ibinahagi niya na bilang director at producer ng Ideal First Company ay hindi na bago sa kanya ang pagsasagawa ng taping sa ilang famous tourist destinations sa Pilipinas.

Tulad halimbawa sa Batanes para sa pelikulang Dementia, na pinagbidahan nina Nora Aunor at Jasmine Curtis Smith noong 2014.

Ani Direk Perci: “We were conscious about how we handled the production.

“Kasi first, when we went there, we recognized that we cannot expect na kunyari we will bring a hundred and so people at kayang ma-sustain ng supplies ng Batanes.

“So, we had to bring our own de lata, our own rice, our own food, pati mga kamatis, dala namin.

“At the same time, like kunwari dito [sa Baguio], tina-tap namin yung local caterers or anybody that we can work with na local para ma-boost mo na yung [local businesses], at para makatulong na rin sa economy kahit in a little way dun sa place.”

Sinisiguro rin umano ni Direk Perci na mapangalagaan ng kanyang production staff ang mga lugar kung saan sila nagsu-shooting o taping.

Paliwanag ni Direk Perci, “This applies to wherever we go, whether it’s here in Baguio [or in Batanes].

“Ang pinakahuling naiiwan yung batalyon ng utility at production design team na ang trabaho is mag-clean up. Importante yun, e.

“Definitely dun sa Batanes, nung nasa burol kami, rule ko talaga [na] pag-alis namin dun walang makikita dapat na any trace na nandun tayo.

“Kasi nakakahiya, may susunod na darating na turista, magpi-picture, tapos kami masisisi, ‘Bakit merong mineral bottle [na nakakalat] diyan?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Of course, may cases, na minsan mapapagalitan mo na lang, na may kalat na naiiwan.

“Pero hangga't maaari, I think all of us producers nagiging more conscious na the way we found the place, that’s the way we leave it.

“Para ang naiwan mo na lang ay yung footage mo na nakunan dun.”

Dugtong pa niya, “I think what happened to that teleserye, we heard about it, producers have heard about it, I think more and more mas nagiging conscious na yung mga producers.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN