Jennylyn Mercado to serve as judge in StarStruck; will host cooking show Sarap With Family

Jennylyn Mercado is thankful that television and movie projects are coming her at this time when she needs them most. “Si Alex Jazz, he just turned seven kaya mas dumadami ang mga kailangan niya," she says, mentioning as well the expense of renovating her new house.



Labis na nagpapasalamat ang GMA-7 actress na si Jennylyn Mercado para sa lahat ng blessings na dumarating sa kanya.

Saad niya, “Lagi ko naman pinagdarasal na hindi ako mawalan ng work.

“Importante sa atin ang trabaho, lalo na sa akin because I’m a single mom.

“Si Alex Jazz, he just turned seven kaya mas dumadami ang mga kailangan niya.

“‘Tapos may nabili akong bagong house at pina-renovate ko ng konti.

“Kaya noong dumating ang mga trabaho, tuwang-tuwa ako kasi dumating sila just in time. Kaya thank you, Lord.”

Bukod sa GMA primetime teleserye na My Faithful Husband kung saan bida silang dalawa ni Dennis Trillo, uupo rin si Jen bilang judge sa pagbabalik ng Starstruck sa darating na September 2015.

Dalawang movies din ang tinatapos niya. Ito ay ang The Pre-Nup with Sam Milby at Walang Forever with JM de Guzman.

Ang Walang Forever ay Metro Manila Film Fest entry ni Jennylyn at JM sa ilalim ng direksiyon ni Dan Villegas.

(Read: MMFF 2015 entries revealed)

Dahil sa magandang pangangatawan ni Jen ngayon kaya siya kinuhang bagong celebrity endorser ng AVON intimate apparel.



RICE EATER. Pero kung may hashtag si Jen, ito raw ay #NoDiet at #LamonPaMore.

Hindi raw uso sa kanya ang mag-diet dahil kaligayahan niya ang kumain.

Kahit na itinanghal na Sexiest Woman ng FHM magazine si Jennylyn, hindi raw siya dumaan sa anumang diet para ma-achieve niya ang kanyang magandang pangangatawan.

“Hindi ako puwede sa diet kasi lagi akong napupuyat.

“Kailangan may lakas ako parati, kaya kain lang ako nang kain.

“Paborito ko kaya ang kanin!” tawa pa ni Jennylyn nang makapanayam namin siya sa press launch ng My Faithful Husband sa GMA Annex Building.

Hindi rin daw mapili sa pagkain si Jen, lalo na raw kapag gutom siya.

“Hindi naman ako choosy sa pagkain. Kahit ano ang ihain mo sa akin, kakainin ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya wala akong secret diet, normal lang ako kumain tulad ng marami,” pagmamalaki pa niya.


COOKING WITH JEN. Mahilig din daw kasing magluto si Jen kaya kapag hindi siya busy sa trabaho, nasa kusina siya parati at pinaghahanda ang anak niyang si Alex Jazz ng mga paborito nitong pagkain.

“Noon pa ako mahilig magluto.

“Mas marami pa akong natutunan noong bigyan ako ng cooking show na Sarap With Family sa GMA News TV.

“Doon kailangan ko talagang kumain kasi nandoon ang mga clients namin.

“Yung mga natutunan ko sa show, ginagawa ko rin sa bahay,” diin niya," kuwento pa ng 28-year-old actress.

Masipag lang daw sa workout si Jen kaya mabilis niyang matunaw ang kanyang mga kinakain.

Isang triathlete din ang Kapuso aktres kaya sa training pa lang daw niya ay nabu-burn na niya ang mga nakain niya.

Kaya naman healthy tingnan ang pagiging sexy ni Jen at hindi tulad ng ibang aktres na hindi kaaya-aya tingnan ang pagiging payat ng mga ito.

“Gusto ko yung tama lang ang payat pero may laman-laman pa ako ng konti.

“Ayoko naman yung sobrang payat na mukhang tuyot na. Hindi na kasi magandang tingnan iyon."

Tama lang naman daw ang timbang niya na 105 pounds, "Ayokong bumaba pa ako sa timbang na iyon."

Paliwanag niya, “Sa TV kasi, nadadagdagan ka ng ten pounds.

Kaya tama lang ang figure ko ngayon. Kapag makita mo ako sa TV, tama lang ang laki ng katawan ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN