Ai-Ai delas Alas satisfied with pilot episode of Sunday Pinasaya: "For a live show, ang linis."

Ai Ai delas Alas on feeling stressed in Sunday Pinasaya pilot show: “Ngayon lang ako nakaramdam ng gutom nung tapos na, nung nanganak na kami, woooh!"


Halos kapusin sa salita ang Philippine Queen of Comedy na si Ai-Ai delas Alas para ilarawan ang kasiyahan sa tagumpay ng first telecast ng comedy-variety show niya sa GMA Network, ang Sunday Pinasaya, noong Linggo, August 9.

Kasama ni Ai-Ai rito sina Marian Rivera, Jose Manalo, Wally Bayola, Joey Paras, Barbie Forteza, Julie Anne San Jose, Jerald Napoles, Valeen Montenegro, at Alden Richards.

Pahayag ni Ai-Ai nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanyang dressing room pagkatapos ng live show nila, “Para akong nanganak ulit!

"Parang yung tatlong anak ko, nabuhay na naman.

"Alam niyo ba, ngayon lang ako nagutom? Hindi pa ako kumakain.

"Grabe, hindi ako nagugutom!

“Ngayon lang ako nakaramdam ng gutom nung tapos na, nung nanganak na kami, woooh!”

Paano niya iri-rate ang kinalabasan ng kanilang show?

“Masaya…. masaya talaga siya, Sunday Pinasaya!”

Inasahan ba niyang magiging ganoon ka-successful ang outcome ng show?

Sabi ni Ai-Ai, “Oo, eto yun. At wala naman kaming ano, e, laban. Hindi ganoon, e.

"Kaya kami nandito para pasayahin yung buong Pilipinas and para maging happy din kami.

“Masaya kami sa nangyari. Mukha namang happy kami, ‘di ba? Makikita mo naman, e.”

CRUCIAL SEGMENTS. Ano ang masasabi niyang naaliw naman ang live audience sa ginawa nilang comedy skits, lalo na yung sa kanila ni Joey sa simula?

Ani Ai-Ai, “Hindi ko yun ini-expect, pero crucial yun, e.

"Kasi ako yung umpisa. Kailangan hatawin ko yun kasi hindi puwedeng hindi.

“Saka ano, niloloko ako ni Joey.

"Sabi ko sa kanya, ‘O, Joey, ha, ganito-ganyan ang gawin natin, ha.’ Siyempre stressed na stressed ako.

“Sabi niya, ‘Siyempre ikaw ang Comedy Queen. Ikaw ang bahala sa akin.’ Lalo na akong na-tense!

“Bakit ganoon? Ano ba?! Kaya hinataw ko nang hinataw.”

May mga kaibigan ba si Ai-Ai sa showbiz na bumati sa kanya?

“Si Willie [Revillame], unang-unang nag-text sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi niya, ‘Congratulations, ang saya-saya ng show! Iba yung ano ng show,’ sabi ni Willie.

“Saka kasi natural lahat, e. Hindi pini-fake.”


WORKING WITH MARIAN. Kumusta sila ni Marian sa una nilang pagtatrabaho sa telebisyon?

“Ay, naku, mahal na mahal namin ang isa’t isa,” sagot ni Ai-Ai.

Paano sila nag-prepare ni Marian para sa Sunday Pinasaya? Nagtulungan ba sila?

“Ilang araw kaming nag-rehearse, mga one week din.

"Kagabi [Saturday] nag-rehearse rin kami.

"Kapag kakain siya, gusto niya kasama ako.

“Pero hindi ako kumain sa stress ko, ‘Day.

"Kasi ta-tumbling ako, e. Nakita niyo naman, tumambling ako.”

Every week ba ay may mga surprise guests sila, gaya nina Maricel Soriano at Dingdong Dantes?

“Yes, iba-ibang segment. Nagpapalit-palit ang segment namin para hindi nakakasawa.

“Next week, wala akong Lady Dai, si Madame Aura naman.

"Basta ganoon lang siya... Lady Dai, Madame Aura, tapos may isa pa."

Dagdag pa ni Ai-Ai, “Hindi naman sa pag-aano, ayaw ko mang iangat ang show namin, pero ano, e, for a live show, ang linis.

"Nakita ninyo sa TV, ‘di ba? Malinis, ha.”


PRODUCTION NUMBERS. Kada Linggo rin ba ay may production number siya?

“Alternate. Kung hindi man once a month, once in three weeks, ganoon.”

Reynang-reyna si Ai-Ai sa kanyang production number. Si Vilma Santos ba ang peg niya habang ginagawa ang kanyang production numbers?

“Oo, na-miss ko rin ‘yun!” bulalas ni Ai-Ai.

"Oo, idol ko ‘yun, si Ate Vi!"

Bakit mukhang hindi siya masyadong hinihingal?

“E, kasi nagdyi-gym ako.

"Although si Ate Vi kasi, mahaba ang production number niya, e, almost always five minutes.

"Ako, five yun, pero kinut lang kasi sobrang marami kaming commercial load."

Ano ang masasabi ni Ai-Ai sa dami ng commercials ng show?

“Well, praise God! Praise God na napakabait ng Diyos.

“Ano kami, e, 40 agad, forty minutes na commercial load.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, bale ang ano lang namin, body namin [the show itself] is 1 hour and 20 minutes lang."

BACK TO COMEDY. Hindi ba masyadong taxing for her yung mga ginagawa niya sa Sunday Pinasaya?

Saad ni Ai-Ai, “Ang tagal, e, kaya nga kanina ninenerbiyos ako.

“Niloloko ako nina Jose, sabi ko, ‘Ang tagal ko kasing hindi nag-comedy.’

“Ang tagal, ha, puro soap. Ano last ko?

"Kailan ba ako nag-concert? Concert yun sa Skydome.

"Pero sa television, hindi ako nagpapatawa. Puro soap, soap, soap, sa kabila [ABS-CBN]."

Ano ang sabi nina Jose at Wally?

“Niloloko nila ako. Sabi nila.... pinagtatawanan ako kasi ang lamig ng kamay ko.”

Nasaktan ba nang husto si Wally sa ilang ulit na pagsampal sa kanya ni Maricel?

“Oo nga, e. Ang sakit, di ba?

“Oo, ako rin, naawa sa kanya. Nahilo raw siya.

"Oo, malakas talaga [sumampal] si Inay [Maricel]."

Matindi rin ang tawanan sa skit ni Ai-Ai with Marian. In-expect ba niyang magki-klik pa rin ang pagpapatawa niya on TV?

“Oo, kahapon kasi pinapanood ko sila. Parang nao-offend ako.

"Tawa sila nang tawa nung pumasok ako."

Malaking tulong ba sa show ang young Kapuso stars na sina Julie Anne, Barbie, at Alden?

“Oo, sobra!" bulalas ni Ai-Ai.


INTRIGUES. Handa ba si Ai-Ai sa mga mang-iintriga sa first telecast ng Sunday Pinasaya?

Sagot niya, “Oo naman, palagi ‘yan, e.

"Sanay na ako sa ganyan. Ako pa ba?

“Dyusko! Na-survive ko nga yung lovelife ko ng maraming beses, e.

“Ngayon pa ba ako maaapektuhan, hello?!

“Saka twenty-five years [na ako sa showbiz], maaapektuhan pa ba ako? Hindi, ‘di ba?

"Blessing yun."

Tila nagbunga naman ang paghihirap ng lahat ng bumubuo ng Sunday Pinasaya dahil mataas ang rating na nakuha ng kanilang pilot episode.

Sa Mega Manila ratings ng AGB Nielsen ay nakapagtala ito ng 22.7% kumpara sa katapat nilang programa sa ABS-CBN, ang ASAP 20, na nakakuha lamang ng 11.5%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa National ratings naman ng Kantar Media/TNS ay hindi nalalayo ang
16.1% rating ng Sunday PinaSaya sa 17.1% na nakuha ng ASAP 20.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN