Tom Rodriguez on comparisons with Dingdong Dantes in Marimar: "I welcome that as a challenge..."

Tom Rodriguez (left) on comparisons with Dingdong Dantes (right) in the 2015 version of Marimar: “Hindi natin maiiwasan yun and I welcome that as a challenge to myself na rin as well. I’d like to think din na I will learn something from it and I will draw something from it."



“Bumlangko yung utak ko.”

Ito raw ang naging reaksiyon ni Tom Rodriguez nang nalaman niyang siya ang gaganap bilang Sergio Santibanez sa remake ng Marimar sa GMA Network. Kapareha niya dito ang Miss World 2013 na si Megan Young.

“Hindi ako makapaniwala.

"And at that time pa naman, parang sobrang iyon yung panahon na after Bench, sabi ko, pahinga muna ako."

Rumampa kasi si Tom sa naturang underwear show na naka-briefs lamang, kaya maganda ang katawan niya nang mga panahong iyon.

“Hindi ako nag-workout. Kain lang ako nang kain, lalo na napasarap ako sa four cheese.”

Biniro namin si Tom na naisingit niya ang promo ng Burger King product na iniendorso niya.

“Hindi, totoo yun!

"Alam mo yung nagpapa-deliver ako ng dalawang burger tapos… nagdo-drawing ako, my parents were here.

"Tapos, biglang tumawag sa akin si Popoy [Caritativo, Tom’s manager].

“Kumakain ako ng Double Dutch na ice cream, isang tub!

“I gained so much, I lost all my muscles. Tapos, I gained a lot of weight.

“Tumawag sa akin si Popoy. Sabi, bumalik [ako] dito sa GMA. We would have to show up, Megan and I for Marimar.

“Iyon yung una kong narinig.

"Wala man lang na, ‘Tom, ikaw si Sergio, by the way.’

“Parang sinabi lang, ‘Bukas may ano pala kayo sa GMA, it’s for the marketers. Tapos, Megan will be promoting Marimar, kasi other shows din will be promoting [it].'

“Parang in passing [lang]. Kaya sabi ko, ‘Teka, teka, anong Marimar?’

“Biglang [sinabing], ‘Ikaw si Sergio.’”

Hindi na raw naituloy ni Tom ang pagkain niya ng ice cream.

“Tapos, parang namutla ako.

"Siguro, tumakbo sa utak ko, ‘Paano yun? kailangan mag-start, ang iksi ng oras.’

“Baka mangyari yung sa MHL [My Husband’s Lover] na nag-promise ako kay Direk Dom [Dominic Zapata] sa audition na, ‘Kaya 'yan, Direk, maghahanda ako!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos, one week pala yung preparation. Nag-presscon na yung MHL, medyo ang lusog ko.”


BACK TO TRAINING. Nang nalaman niyang siya si Sergio, tinawagan daw agad ni Tom ang trainer niya at dire-diretsong nag-train for two months para bumalik sa magandang porma ang kanyang katawan.

“Every day, nagdyi-gym ako, nagba-boxing.

"Kanina lang, actually, after ng The Ryzza Mae Show guesting namin kanina, nag-boxing ako, eight rounds.”

Nahirapan ba siyang magpalabas ng six-pack abs niya?

“Hindi naman. Kasi yung ginagawa namin, gusto namin muscle gain.

"Kasi yung losing weight, mas easy.

"Kasi yung sa Bench, idinaan namin sa todo diet.

“But it was very unhealthy, yung crash diet na ganun.

"So, this time, I wanna do it gradually, I wanna do it right.

“So gusto ko, mauna muna yung pahinugin yung muscles ko, kasi yung pagbabawas, madali na lang, e.”

So, lalabas din nang todo ang mga 'pandesal' o abs niya?

Natatawang sagot ni Tom, “Lalabas! Actually mahiyain lang siya pero kung igaganun mo, nandiyan na siya.”


COMPARISON WITH DINGDONG. Handa ba si Tom na maikumpara kay Dingdong Dantes, na gumanap bilang Sergio sa unang Pinoy remake ng GMA-7?

Aniya, “Hindi natin maiiwasan yun and I welcome that as a challenge to myself na rin as well.

"Kasi, it’s such a beloved character that had different itinerations, and it’s been done by very exceptional people.

“I’d like to think din na I will learn something from it and I will draw something from it.

“Iyon yung challenge, e.

"This role was given to me, it was entrusted to me.

"The best I can do is really do my best and take on the challenge.

“And try to be as positive as possible and try to do my best lang talaga.”

Nakausap na raw ni Tom si Dingdong tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento niya, “I saw him dun sa Belo 25th anniversary. Nagbigay-pugay ako.

"And I’m very glad na dun pa lang, he expressed his support."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN