Megan Young gives her all for Marimar: "Ayokong ma-disappoint ang production."

Megan Young and Tom Rodriguez undertook a "sensuality" workshop for their roles in Miramar, how did it go? “What happened in the workshop, stays in the workshop,” she japes.


Tinanong ng entertainment press si Megan Young kung napapa-"Awww!" rin ba siya sa excitement o nerbiyos dahil sa nalalapit na pilot showing ng Marimar na kanyang pinagbibidahan.

Ang “awww!” ang isa sa kilalang salita o ekpresyon sa Marimar mula pa sa orihinal nitong Mexican telenovela na pinagbidahan ni Thalia.

Sagot ni Megan, “Napapa-'Awww!' talaga ako sa excitement.

“Para sa akin, more on excitement siguro ang nararamdaman.

“I trust GMA, our director, the whole production and my fellow actors.

“Happy ako at kampante ako na all-out naman talaga rito ang GMA, lahat ng kasali rito.

“So, itong Marimar, hindi lang ako ang may bigat dito, lahat kami.

“Team effort talaga ‘to, itong proyektong ‘to.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Megan sa grand launch ng Marimar noong Lunes, August 17, sa Studio 7 ng GMA Annex Building.


PRESSURE. Palagi raw sinasabi ni Megan na ang pressure ng Marimar sa kanya ay katulad ng pagsali niya sa Miss World noong 2013.

Ganun katindi ang pressure ng Marimar sa kanya?

Paliwanag ng first Pinay Miss World, “It’s a big project also, ‘di ba, ibang level siya.

“And for me, since this is my passion, this is my job and this is my life, it’s important to me.

“So anything, pageant-wise or entertainment-wise, lahat ‘yan may bigat para sa akin.

“Ayokong pumasok sa isang bagay na half-baked, gusto ko, hindi lang 110 percent.

“Gusto ko 500 percent nagiging one thousand percent, lahat ng preparation na puwede naming gawin.

“I really asked a favor from production, 'Para mas maging maganda, pupuwede ba tayong mag-diving lesson?'

“Pati acting workshop, pinapahanda ko talaga.

"Gusto ko talaga, handang-handa ako, ayokong ma-disappoint ang production.

“Kasi hardworking sila, ang dami nilang oras, ang dami nilang effort na binigay para sa project na ‘to.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, kung sila, buung-buo nila pagtatrabahuhin ‘to, pati ako ganun.”


GALLANT TOM. Ang leading man ni Megan sa Marimar ay si Tom Rodriguez. Kumusta silang dalawa?

Aniya, “It’s very easy working with Tom, kasi napaka-professional niya, napakagalante niya.”

Paano naging galante si Tom kanya?

“Galante, he’s a gentleman. He thinks of the others around him bago siya.

“Kunwari, may eksena kami, lalapit siya sa akin bago kami magpunta sa set mismo.

“Sasabihin niya, ‘Okey ka lang ba sa eksenang ito, kumportable ka ba, kailangan mo ba ng tulong?’

“So, pati sa mga eksena, nagtutulungan din kami, masasabi kong galante siya.

“Sweet siya as a person, sa lahat ng katrabaho namin.

“Makikita mo talaga na parang one moment, hina-hug niya ang EP [executive producer] namin... basta laging happy siya.”

Nagkasama na sina Megan at Tom sa ABS-CBN noon, kaya expected na comfortable na sila sa isa’t isa.

Pero ayon kay Megan, “Noong una, siyempre may ilangang factor kahit na magkatrabaho kami dati.

“Kasi hindi naman kami ganito, yung characters namin, hindi naman sila in love sa isa’t isa.

“Yung working relationship namin dati, parang normal lang, friends lang, magka-work tayo.

“But now, dahil there’s so much emotional commitment dun sa characters namin.

“It’s good na magkaibigan kami, marami akong natutunan from Tom and it helps pagdating sa mga eksena ko.”


GETTING PERSONAL. Sa pagsasama nila ni Tom ngayon sa trabaho, dumating na ba sila sa puntong open na sila kanya-kanyang personal life?

Paliwanag ni Megan, “Kami ni Tom, nandun kami sa getting-to-know stage.

“When you meet somebody new, you ask about their life.

“Ako, I always ask about him, ano ba ang mga things na gusto niya, mga hobbies, yung family niya?

“Nakakatulong yun pagdating sa eksena, you know, what they care about... alam mo na, kung ano ang importanteng bagay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya pagdating sa heavy scenes, nag-uusap lang kami, 'Naaalala mo ba yung time na ganito ang nangyari?' Nakakatulong siya.”

Nagkaroon din daw sila ng sensuality workshop ni Tom.

Pero pangunguna ni Megan, “What happened in the workshop, stays in the workshop.”

Sabi pa niya, “Wala namang kiss, hindi kami umabot sa ganun, ise-save namin yun para sa scene.

“Pero nandun na yung getting-to-know stage, it became more personal.

“Pagdating sa sensuality, it doesn’t mean sensual, parang personal, very personal.”


SEXY. Bukod sa paggiling ni Marimar, kilala ito sa pagiging sexy talaga. Gaano kaseksi ang mapapanood kay Megan rito?

Aniya, “Sexy, pero para sa sarili niya, hindi niya mapapansin yun.

“Para sa kanya, kung ano siya, yun lang yun.

“Siguro nakikita, kumbaga, yung innocence niya, hindi siya aware sa mga hindi dapat o dapat gawin.

“‘Tinext niya ako, ite-text ko ba siya ng mga three hours later?’

“Wala siyang ganun, very innocent siya and, at the same time, sexy niya.”

Tiniyak din ni Megan she’s in the right shape for her role as Marimar.

Sabi niya, “Ang pag-eensanyo sa gym, walang katapusan at siyempre, ang pagkain nang tama.

“Yung healthy living, hindi ako nagda-diet, ano lang talaga, healthy eating.”

Hindi raw sinunod ni Megan ang diet niya noong sumali siya sa Miss World.

“Iba kasi talaga yun, siyempre ang nire-represent ko, yung Filipina, mga batang Filipina.

“I want them to know na hindi mo naman talaga kailangang mag-diet, basta kumain ka ng tama to keep your body healthy.

“‘Di ba, minsan yung mga kids, nagda-diet pills or kung anu-anong diet ang gustong subukan?

“Nakakatakot mag-diet, you need a trainer and a nutritionist to help you.

“Basta kumain nang tama, yun ang importante.”


NOT POSSIBLE. Si Tom daw ay pinaghandaan din nang todo ang karakter niya bilang si Sergio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakita raw ni Megan mismo ang iginanda ng katawan ni Tom.

Sabi niya, “Throughout the process yung show namin, makikita mo talaga na paganda ng paganda ang katawan niya.

“Palagi siyang nagwu-work out, natutulog na po ‘yan sa gym, ganun siya ka-committed sa gym niya.”

Posible ba siyang ma-attract physically kay Tom?

“Tom is very attractive, he’s very good-looking guy, he has an eight-pack, ‘ika nga."

Natatawang dagdag ni Megan.“Ako yata ang pasimuno ng eight-pack na ‘yan kaya napi-pressure siya!

“Kapag umaarte kami, kailangan in love, in love si Marimar, it’s easy na lang.”

Hindi pala imposibleng magka-inlaban talaga ang mga gumaganap na Marimar at Sergio, lalo pa nga’t ang mga karakter nila ay may pagka-senswal?

Pahayag ni Megan, “Well, ako kasi, I’d like to keep work where work is and my personal life where my personal life is.

“Ever since naman ganun ako and I really try my best na kapag cut, wala na talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN