Maja Salvador on falling in love again: “Naka-lock pa ang puso ko. Kalma muna tayo.”

Maja Salvador on falling in love again: “Hindi mo naman mapipigil ang pag-ibig, e. Matatanggal na lang ‘yan kapag ano, nandiyan na siya talaga.”



Grateful ang aktres na si Maja Salvador sa pagpili sa kanya bilang kapareha ulit ni Coco Martin sa bago nilang ABS-CBN teleserye, Ang Probinsyano.

Nagkaroon ng press conference ang Dreamscape Entertainment sa 9501 Restaurant sa ELJ Building, ABS-CBN last Monday, August 17, para i-announce na magiging bahagi ng Ang Probinsyano si Maja.

Hinintay lang daw ng Dreamscape na matapos ang last drama series ni Maja na Bridges of Love bago ialok sa aktres ang bagong proyekto.

“Siyempre, akala ko rin hindi ko magagawa itong Probinsyano kasi nga may pelikula [ako].

“After Bridges, may pelikula rin po kasi ako na gagawin. Tapos may malalaking projects din na mangyayari this year.

“So, hanggang sa, sobrang love ko po ang Dreamscape at yun, nagawan po ng paraan para magkaayos ng schedule at magtagpo ang schedule namin ni Coco. So, finally,” kinikilig na panimula ni Maja.


THAT OLD MAGIC. What’s Maja’s reaction sa pagbabalik-tambalan nila ni Coco?

“Sana po makita ninyo yung pictorial namin, yung photo shoot namin. Hindi maitago ni Coco, kilig na kilig siya. Hahaha!

“Sobrang happy ni Coco. Hehe.

“Saka siyempre, yung happiness na naramdaman ko, hindi lang kasi dahil balik-tambalan kami ni Coco. Dahil din excited ako for the fans, sa Cocojam [Coco Martin and Maja Salvador] na naghintay ng four years.

“Apat na taon, magli-limang taon sila na naghihintay. At yung limang taon na yun, sobrang proud naman ako sa mga fans namin ni Coco kasi sila yung mga fans na talagang kahit magkahiwalay yung projects namin ni Coco, e, todo-suporta pa rin sila.

“Talagang hindi sila bumitiw. Kumapit lang talaga sila at alam nila na isang araw, magbabalik-tambalan kami. At heto na yun. Heto na yung pinaka-regalo namin ni Coco, yung magbalik-tambalan.

“At eto, ang sumali ako sa Ang Probinsyano. Kinuha ako ni Ang Probinsyano."


SUPER CLOSE. Inamin ni Maja na minsan na silang naging super close ni Coco

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, yung Nagsimula sa Puso [their teleserye in 2009], aaminin ko po hindi kami close. As in, hindi naman magkaaway pero may sariling mundo kami. Kanya-kanya kaming van. Magkikita lang kami sa set na.

“Kasi kung napanood ninyo po yung Nagsimula sa Puso, grabe din yung away, yung mga eksena namin doon. Parang laging magkaaway.

“Siguro yun. Parehas lang kami para maka-prepare rin kami sa mga eksena namin.

“Pareho kasi kaming intense that time sa roles namin.

“Tapos, sa Minsan Lang Kita Iibigin naman, yung character ko kasi doon parang Robin Padilla na babae, e. So, parang, no choice siya kahit kulitin ko siya, kahit hindi kami nagti-take.

“So, hanggang sa yun, parang doon na-break yung ice.

“Doon medyo naging ano, medyo kapag kinukulit ko si Coco nagiging makulit na rin. Yung tatantyahin mo rin. Tapos ayun, hanggang sa doon nagsimula yung closeness namin.”


HEART MATTERS. Pwede bang may ma-develop na mas malalim na relasyon sa kanila ni Coco, since pareho na silang walang commitment sa iba?

Tumawa muna si Maja bago sumagot.

“Tingnan po natin. Naka-lock po kasi ang puso ko ngayon, e. Saka wala pa po’ng taping, o, nag-pictorial pa lang.

“Trabaho po muna kami ni Coco. Kasi lalo na ngayon, parang mahirap isingit sa taping ang landian, ang lovelife kasi mga pulis kami. Hehe.

"Parang mahirap po’ng mag-landian habang naga-aksyon-aksyon kami di ba?

“So, ayun, naka-lock pa ang puso ko. Kalma muna tayo.”

What does she mean naka-lock ang puso niya? Hindi pa ready magmahal, ayaw nang magmahal o na-trauma na sa pag-ibig?

“Wala po’ng trauma. Naka-ano lang, lock lang para trabaho-trabaho lang po muna.”

Pipigilan muna niya ang sarili na ma-in-love muli?

“Hindi mo naman mapipigil ang pag-ibig, e. Matatanggal na lang ‘yan kapag ano, nandiyan na siya talaga.”


COCO AS HUSBAND MATERIAL. Boyfriend material ba para sa kanya si Coco?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi pa naman niya ako niligawan. Hindi ko pa na-experience,” ngiti ni Maja.

Sa tingin ni Maja, mas husband material si Coco.

“’Ako, ang pagkakilala ko sa kanya sobrang mahal niya ang pamilya niya lalung-lalo na ang lola niya. Sobrang madasalin, di ba? At grabe rin ang pag-aalaga niya sa trabaho, ayun.”

Nakarating na ba si Maja sa mala-mansion na bahay ni Coco?

“Hindi pa nga po. Yun nga po ang iniaabangan ko, yung imbitasyon. Hehe.”


COCO’S DANCE MOVES? Makikita rin ba ng publiko si Coco na nagsasayaw ng sikat na dance moves ni Maja sa kanyang "Twerk It Like Miley" during the promo ng Ang Probinsyano?

“Kanina meron, e, kung hindi, nu’ng pictorial namin, ayun. Kasi, ilang views na po ba yung 'Twerk It Like Miley' [ko, with Enrique Gil]?

“Eleven [million views]?

“Yung 10 million, siya raw yung nag-view noon, sabi niya [Coco] noong [pictorial] shoot. Haha!

"Actually, si Coco, noong nagkita kami noong shoot, nu’ng pictorial namin, parang, alam mo yung parang sobrang naiilang pa siya.

“Yung parang first time namin nagsama ulit. Yung parang nagwa-warm-up pa talaga siya. So, ako, alam ko naman kasi ang kiliti noon ni Coco, e.

“Ako, nu’ng sinasabi nila, ‘O, ‘Co, bakit hindi ka makapagsalita? Ayan na yung pinapanood mo sa YouTube.

“Tapos sabi nga nila, parang ten million [views] pa ata nu’ng nag-pictorial kami. Yung nine million [views] daw noon, puro si Coco ang nanonood.

“Tapos, nu’ng sumasayaw ako, sobrang namumula si Coco na parang...Haha!

“Ayun, nakakatuwa lang na, kung paano yung pagsasama namin ni Coco dati, nu’ng nag-pictorial kami. Yung umpisa lang medyo, hindi naman ilang.

“Medyo hindi pa alam kasi parang four-and-a-half years nga kami parang hindi nagsama. Tapos biglang eto na, magsasama na kami ulit. Kaya ayun, nakakatuwa. Parang wala pa ring nagbago.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN