Maja Salvador was given a different role from the one offered to Angeline Quinto in Ang Probinsyano

Dreamscape AdProm Head Biboy Arboleda explained: “Yung role po na na-announce initially for Angeline [Quinto] is different from what is now assigned to Maja Salvador [in photo]."



Sinagot ni Biboy Arboleda, ang AdProm manager ng Dreamscape at manager ni Coco Martin, ang tanong kung ang policewoman role ni Maja Salvador sa Ang Probinsyano is the same one na dapat sana ay kay Angeline Quinto.

“Yung role po na na-announce initially for Angeline is different from what is now assigned to Maja Salvador. But, to the followers also at sa mga nagmamahal kay Angge [Angeline], totoo naman talaga na ang schedule ni Angge will also not permit her to commit to the Ang Probinsyano slot right away," sabi ni Biboy sa presscon ng ABS-CBN teleserye na pagbibidahan ni Coco.

“But the good news is, in the future run of the series, naka-open ang Ang Probinsyano for that role of Angeline na kapag lumuwag-luwag ang kanyang schedule at ma-accommodate pa rin niya na gawin, papasok siya.

“Ayaw ko na lang po muna mag-elaborate kung ano yung role or gaano kahaba or whatever kasi kumbaga, wala pa tayo doon, di ba?

“Nandito tayo ngayon kay Maja. We are also proud of Angeline for a successful concert at the Araneta Coliseum noong weekend with Erik [Santos].€Â


TRAINING FOR ROLE. Ngayong nasa kanya na ang role, gusto ni Maja na mag-train bilang isang policewoman.

“Noong pictorial po namin ni Coco [her leading man in Ang Probinsyano], sinabi ko po yun sa kanya. Kasi sabi ko, bilang pulis nga po ako rito, sabi ko, sana may time rin ako para makapag-training,€Â sabi ni Maja.

“Tapos sabi niya, €˜Oo nga.€™ Kasi doon pa lang sa pictorial, doon sa VTR shoot namin, tinuruan niya na ako ng tamang suntok. So, doon namin napag-usapan na yun nga po, sana magkaroon ako ng training at yun.

“Sana po, makuhanan ng schedule bago ako mag-start mag-taping.€Â

Ano ang kakaibang pag-arte sa action scenes ang gagawin ni Maja bilang policewoman?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong pinitch po talaga sa akin, noong sinabi na policewoman ako, na-excite po talaga ako kasi never pa ako€™ng nakagawa na pulis po ako."


SCHEDULE PROBLEMS. Aminado si Maja na muntik nang maging hadlang ang kanyang schedule para hindi siya matuloy sa TV version ng Fernando Poe Jr. movie.

“Tapos yun nga, ang naging problema nga, yung schedule. Hehe. Parang medyo nag-hang nga po.

“Hanggang si Tita Cory [Vidanes, Channel Head for ABS-CBN] din, naglalambing sa akin, €˜Hindi, kailangan mo talagang gawin.€™ So, hindi naman po sa ayaw ko pero yung schedule nga rin po ang problema.

“So, hanggang sa, sobrang thankful din po talaga ako kay Sir Deo [Endrinal, Dreamscape head] dahil ang haba rin po ng pasensya niya sa paghihintay sa akin.

“Parang sobrang nahihiya rin po ako sa Dreamscape dahil parang pa-importante, pa-bebe. Parang ganoon yung pakiramdam ko na hinintay nila talaga ako kung ano ba? Magagawa ba itong Probinsyano? Yung ganoon.

“So, hanggang sa inayos po ng maigi yung schedule. Eto na nga, eto na po ako sa harapan ninyo, it€™s me.€Â


PASSION FOR CRAFT . Sa tingin ni Maja, bakit kinagat ng public ang team-up nila ni Coco?

“Kasi siguro nakikita nila na yung mga project na ginagawa namin, iba ang passion namin doon sa mga ibinibigay na roles sa amin.

“Talagang ako, tulad na lang sa Minsan Lang Kita Iibigin, yung sa Nagsimula sa Puso, nagpaka-Celina [Fernandez, her character] talaga ako noon. Tinanggal ko si Maja.

“Sa Minsan Lang Kita Iibigin, nagpaka-Krista [Del Tierro, her character] ako noon. Tinabi ko si Maja.

“Yung pinapakita namin sa kanila,hindi lang si Maja at si Coco ang pwede ninyong mahalin. Etong mga roles na ginagawa rin namin.

“At siguro nakikita rin nila na parang parehas nga kami ni Coco na grabe rin ang passion sa trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang ang pinakaminahal kami ng Cocojam [Coco Martin and Maja Salvador] doon sa Minsan Lang Kita Iibigin. Doon, parang first time lang din yata nila nakita si Coco na parang medyo nagiging makulit kasi medyo nahahawa sa akin, ganoon.

“Parang feeling ko, kapag kasama ako ni Coco, nawawala yung pagiging feeling action star niya. Kaya minsan ayaw niya akong kasama.€Â


DIFFERENT ROLES. Ano ang mga natutunan ni Maja kay Coco bilang leading man and as a person?

“Siguro, kaya hindi kami naging magkaibigan noong first teleserye namin, yung Nagsimula sa Puso, medyo magkaibigan naman kami pero hindi kami naging close kasi nga dahil sa roles, sa characters namin.

“Kasi parang lagi nga kaming magkaaway doon. Parang lagi siyang galit sa akin. E, ako lagi rin akong galit sa kanya doon.

“Tapos sa Minsan, iba naman. Naging magkaibigan kami doon kasi kailangan naman doon sobrang in-love kami sa isa€™t isa. Yung hindi mapaghiwalay, yung ganoon.

“Ang na-ano ko sa kanya na grabe rin talaga siya na mag-embrace ng role niya. Yung talagang ibang determinasyon ang nakikita ko sa kanya pagdating sa pag-arte.€Â

Yan ba ang mga natutunan niya sa pagtatrabaho nila sa mga teleseryeng ginawa nila ni Coco?

“Ano, opo. Kasi dati, meron akong mga ibang projects ako na kunyari,take na, €˜O, take na.€™ Parang minsan wala ako€™ng preparation.

“Siya, sa kanya ko nakikita yung, €˜A, wait lang po muna.€™ Parang ten seconds, parang, may ano kami doon, e, may joke time kami roon, e."


PROCESS OF ACTING. Paano ba ang proseso nila sa acting?

“Ah, proseso,€˜Proseso muna. Parang ipro-proseso muna lahat para dire-diretso, ganoon.

“So sa kanya ko natutunan yun, yung parang actor€™s cue. Hindi nga lang actor€™s cue, e.

“Yung kung saan yung pinanggalingan. Ganoon siya, e. ganoon siya ka-detalyado talaga. Yung sa pagkatao naman niya, ah, huwag ka lang maggi-give up, mapapangiti mo rin siya. Ha, ha, ha!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi nga ang dami niyang pinagdaanan sa buhay. Minsan ngingiti or, ewan ko. Nu€™ng ano naman nu€™ng Minsan Lang Kita Iibigin, hindi naman mawala yung pagka-bungisngis niya.€Â


EXCITED COCO. Si Coco naman ay tuwang tuwa at pagbabalik-tambalan nila ni Maja.

“Nu€™ng malaman ko na magkakasama ulit kami [ni Maja], siyempre na-excite ako sobra,€Â kuwento ni Coco sa interview na pinakita sa presscon ng Ang Probinsyano.

“Medyo matagal-tagal na rin kasi yung hindi kami nagkasama sa soap opera or kahit sa movie.

“Inaamin ko, iba rin kasi ang dynamics namin ni Maja kapag kami ang magka-eksena.

“Pangalawa, marami rin kasi ako'ng sa kanya natutunan nu€™ng magkatrabaho kami, kasi mahiyain ako, e.

“And then, noong time na medyo bagu-bago pa ako sa ABS-CBN, marami siyang naituro sa akin, lalung-lalo na kapag humaharap sa mga tao.

“Siyempre, honestly, yung chemistry namin nae-excite ako ulit. Dati medyo bagets-bagets pa kami [noon]. Ngayon, medyo matured na and then na-excite ako kung ano ulit dynamics na pwede naming ipakita sa mga tao at yung working habits, paano ulit yung pagtatrabaho naming dalawa.

“Actually, ang tagal na namin siyang [Maja] hinihintay sa set, lalung-lalo na sa Zambales. Lagi namin siyang pinag-uusapan ni Direk Malu [Sevilla] na nae-excite kami na sana sa susunod na taping kasama na namin siya.

“Excited kasi una, ang ganda niya, napaka-sexy niya, Hehe.

NO BOYFRIEND. “Wala siyang boyfriend.

“Actually, kapag napapanood ko siya ngayon sa mga show niya, wala nang doubt lalung-lalo na pagdating sa drama. Pero iba rin kasi si Maja kapag nagpapakilig. Ibig sabihin kapag may mga sweet na eksena, ganyan.

“Minsan nga, honestly, hindi mo kailangang umarte kapag si Maja ang ka-eskena mo dahil talagang madadala€™t madadala ka niya.

“Excited din kasi ako, honestly. Matagal ko ring pinangako [ito] sa kanila [fans] every time meron akong premiere night or [film] screening.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, nandiyan pa rin sila para sa amin, para sa amin ni Maja. Eto na yun, yung sinabi ko sa kanila na huwag silang mag-alala dahil pinapangako ko na magakaksama kami ulit ni Maja."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN