Tom Rodriguez has no qualms taking off his clothes in Marimar: “I have to say that I am expecting that. It would be that way."

Tom Rodriguez on Marimar co-star Megan Young: "Wala siyang ipinagbago when I first met her in 2011. With all the achievements na natamo niya, all the success… everything, she has remained very humble and very grounded."



Sinasabing isa sa bentahe ng karakter ni Tom Rodriguez bilang Sergio Santibanez sa 2015 version ng Marimar ay ang pagpapakita niya ng magandang pangangatawan.

Kaya kakailanganin ang maraming mga eksenang wala siyang pang-itaas at lantad ang matipuno niyang dibdib at abs.

Saad ni Tom, “I’m preparing for it. I’m already expecting it.

“So, I’m really doing my best.

"Kung iyon man ang kailangan, I have to deliver. I have to do it.”

He has no qualms about taking off his clothes?

Aniya, “I grew up in Arizona. Na ano lang… it’s a small farm.

“I have to say that I am expecting that. It would be that way.

“Para at least, kung wala man, same thing siya.

"Sinabi ko nga na I have to prepare myself na there will be really intimate scenes na we [he and Megan Young] have to kiss each other.

“I’ll prepare myself for that, para if it’s asked of me, I will do it.

"Kesa naman it’s the opposite na ini-expect mo, 'A, hindi 'yon ipagagawa sa amin.'”


INTIMATE SCENES. So far, ano ba yung nakunan na pinaka-intimate scenes nila ni Megan na aabangan ng mga tao ngayong nagsimula nang umere ang Marimar?

Sagot ni Tom, “Very early pa lang kami when it comes to shooting the materials, e.

"Pero yung mga nagawa na namin, like yung materials sa plug, it had to be really intimate.

“Kaya we’re expecting it to really progress even more.

Kung ikukumpara sa original na Marimar, na pinagbidahan ng Mexican singer-actress na si Thalia, at sa unang Pinoy remake nito na pinagtambalan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, updated o makabago na ang 2015 version na mapapanood sa GMA gabi-gabi.

Ano ang pagkakaiba ng atake ni Tom sa kanyang role.

“Siguro iyon ang kailangan nating abangan. Pero 'yon ang challenge, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m doing my best to create the character even more human. And it’s still an ongoing process.

“Ang akala ko, preparing for it before when we started taping, iyon na, e.

“Pero there are still changes along the way.

"Parang kahit ako, kinikilala ko pa rin si Sergio na there’s still more to him that I’m finding out.

“And I like that. Parang I’m getting to know him very well.”



ADVENTUROUS TOM AND SERGIO. How is Tom like Sergio in real life?

“Siguro, when it comes to being adventurous in a way.

"Pero Sergio’s sense of adventure is on a different level.

“Even I, as Tom, haven’t experienced it yet.

“I think he has the quality na he longs for connection, a real connection with someone na… parang sinu-suppress siya.

“It’s there. And I try to connect with it and try to live it out in my life, too.”

May pressure ba na ikatlong aktor na si Tom—pagkatapos nina Eduardo Capetillo at Dingdong Dantes—na gaganap na Sergio?

Sagot ni Tom, “Yeah. Pero just like in life, we all have pressures, and it’s up to us to do the best we can with it.

“And to take on the challenge and learn from it. Grow from it.

“Iyon ang pinaka-main goal ko. To do my best, learn from great material, and grow.”

Malaking bagay kay Tom na ang production people at crew ng Marimar ay siya ring nakatrabaho niya sa My Husband’s Lover (2013).

“Parang isang malaking homecoming siya.

"Kasi, I know I’m in great hands, so wala yung nangangapa ka.

“If there’s something I’m lacking in, I know that they will tell me and they will guide me.”



WORKING WITH THE BEST. Ang premyadong aktres na si Jaclyn Jose ang gumaganap bilang Angelica Santibanez, ang stepmother ni Tom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Angelica ang pangalawang asawa ng ama ni Sergio na ginagampanan ni Ricardo Cepeda.

Kaya madalas maging magkaeksena ang aktres at si Tom.

“Ako, I’m very game.

"I’ve always said na in everything I’ve done the past five years, I’ve been blessed that I’ve worked with the best people.

“And I’ve always learned along the way.

"I admit na sa puntong ito, sobrang baguhan pa ako. Ang dami ko pang kailangang matutunan.

"And alam ko, I’m in the right path.

“Because with the people I work with, yung mga caliber nila, I’m learning from the best, kaya I’m very happy.”



WORKING WITH MEGAN. Ilang leading ladies na ang nakatambal ni Tom. Now that he is paired with Megan, ano ang masasabing niyang the best sa pakikipagtrabaho sa actress-beauty queen?

Ayon kay Tom, “The great thing about Megan is wala siyang ipinagbago when I first met her in 2011.

"With all the achievements na natamo niya, all the success… everything.

“All the praises, all the prestige she has brought to our country [as Miss World 2013], she has remained very humble and very grounded.

“And I’m being very honest and very frank. Talagang wala siyang kaere-ere.

“Siguro, kung wala lang camera or her job wasn’t in this industry na exposed sa mga cameras at sa mga tao, she would just be that girl na siguro naka-hoodie or kumakain na nagkakamay.

“Talagang she’s very approachable. At saka sobrang napaka-kalog.

“Si Megan is very, very attractive.

"And I think, a person who would say otherwise is, sabihin na nating baka may katarata o baka siguro kailangan nang magpa-set ng appointment sa kanilang optalmologist!” biro ng aktor.

“She’s a world-class beauty. And I’d like to think that in this early stage, we’re open to each other.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi there needs to have a lot of trust, lalo na noong nag-start kami ng familiarity workshop.

“Yung guide sa amin ng aming naging facilitator was… in the show, it’s gonna be us. Kami yung magka-team.

“So, kailangan, at the very least, we have an understanding.”

Malaking bagay rin para kay Tom na nagkaroon sila ng sensuality workshop ni Megan.

“Yeah, hat helped greatly. I have to say that helped.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN