SIS host Gelli de Belen recalls controversial interview with Regine Velasquez

Gelli de Belen (left) and Carmina Villarroel were some of the stars who attended a reunion for the hosts and staff of SIS.


Limang taon mula nang mawala ito sa GMA-7, ang SIS ay nagkaroon ng reunion para sa hosts and staff ng now-defunct morning talk show.

Dinaluhan ito ng original hosts na sina Janice de Belen, Carmina Villarroel, at Gelli de Belen. Sinuportahan naman ito ng kaibigan nilang si Jolina Magdangal.

Naganap ang fun-filled reunion sa The Lounge, sa Tomas Morato, Quezon City noong August 25.

Naroon ang halos lahat na bumuo ng isa sa longest-running talk show na ito, katulad ng show director na si Louie Ignacio, ang head writer na si Jeff Fernando, the Sex Bomb Dancers, Raging Divas na isa-isang nag-perform on stage, at marami pang iba.

Ang SIS ay umere mula August 27, 2001 hanggang January 1, 2010. Sa halos siyam na taon nito sa ere, nakatanggap ito ng iba't ibang awards at recognition mula sa PMPC Star Awards, Catholic Mass Media Awards, at MTRCB Awards bilang Best Celebrity Talk Show.

Nagkaroon ng iba't ibang palaro sa gitna ng kanilang pagbabalik-tanaw sa highlights ng kanilang show.

Ang pa-raffe ni Direk Louie ng limang paintings na mismong obra niya ay isa sa pinakaabangang parte ng okasyon.

Sa panayam kina Carmina at Gelli ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang TV media, nagbalik-alaala ang dalawa sa masasayang araw nila sa nasabing show.

Ani Gelli, "Ang saya talaga.

"Dapat siguro, lagi tayong merong ganito para nakikita niyo yung paghihirap namin, yung mga pinagdaanan namin.

"Kung magbabalik [pa ang show]? Hindi namin alam, sa puso lang namin.

"Ang sarap lang alalahanin yung almost ten years naming pinaghirapan."

Sabi naman ni Carmina, "Ang feeling namin dati, parang hindi kami nagtatrabaho.

"Parang fun lang—parang hindi kami gumigising nang maaga, kahit magtaping kami ng three episodes.

"Hindi parang trabaho sa amin, kasi para kaming pamilya."

Ano ba ang best memories nila sa nasabing show?

Sagot ni Carmina, "Ang dami, halos lahat, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro, yung every episode siguro namin ng lahat ng celebrations, birthdays, anniversaries.

"Mga birthdays ng mga aso ni Jolina, yung Saver, The Wonderdog....

"Yung show kasi namin, venue yun ng lahat, hindi lamang para mag-promote.

"At saka, yung enjoy lang talaga, walang pressure, na, 'Oy, kailangang galingan niyo.'

"Yung masaya ka lang, relax ka lang."

Ang interview naman kay Regine Velasquez ang hindi makakalimutan ni Gelli.

Ito ay nangyari kasi sa panahon na may intriga sa kanila dahil kay Ariel Rivera.

Kung matatandaan, nagkaroon ng isyu sa dalawa matapos maghiwalay nila noon ni Ariel.

Pagkatapos, si Regine ang naging girlfriend ni Ariel na naghiwalay din at binalikan si Gelli na asawa na niya ngayon.

Tili ni Gelli, "I had reservations noon na lumabas siya sa TV, di ba?

"First time naming mag-usap noon talaga.

"Hindi pa kasi magkikita noon, e."

Singit ni Carmina habang sumasagot si Gelli, "What made you say yes? Yun nga pala ang gusto kong itanong sa iyo.'"

Tugon ng Happy Truck ng Bayan host," Tinawagan nila ako [ng staff ng SIS], kung okay lang daw ba?

"Siguro that day, good mood ako, sabi ko, 'Bakit naman hindi?'

"All's well, that ends well."

Sabad ng Doble Kara cast member, "So, all eyes are on you?

"Akala ko kasi, nagkita lang kayo, 'tapos yun na."

Sa tanong kung babalik daw sa ere ang nasabing show, walang maisagot ang dalawang original hosts. Pero kung may offer daw, go sila dahil matagal na rin silang hindi nagkakasama-sama sa isang show.

Natapos ang reunion ng past one'o clock na ng madaling araw dahil sobrang nag-enjoy silang lahat, kung saan umulan ng maraming pagkain at alak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN