Elha Nympha of Team Bamboo wins The Voice Kids Season 2

Elha Nympha received 42.16% of votes, allowing her to win The Voice Kids Philippines Season 2. The awarding took place this Sunday night, August 30, at Resorts World Manila in Pasay City.




Ang Biriterang Banana-cue Vendor ng Quezon City na si Elha Nympha ang itinanghal na grand winner ng The Voice Kids Season 2.

Ang representative ng Team Bamboo ay nakakuha ng 42.16% of votes sa final results night ng nasabing talent competition ng ABS-CBN ngayon gabi, August 30, sa Resorts World Manila sa Pasay City.

Ang ikalawang puwesto ay napunta kay Reynan Dal-Anay ng Team Lea Salonga na nakakuha ng 31.64% of votes.

Pumangatlo naman si Esang de Torres mula rin sa Team Lea na nakakuha ng 18.16% ng mga boto. Nasa ika-apat na puwesto naman si Sassa Dagdag na may 8.04% of the votes.

Kasama sa napanalunan ni Elha ay ang recording contract sa MCA Music Philippines, musical instrument package, P100,000 worth of shopping spree mula sa Mossimo Kids, brand new Isuzu Crosswin, P2,000,000 worth of house and lot mula sa Camella Homes, P1,000,000 cash, at P1,000,000 trust fund mula naman sa PLDT Telpad.


PERFORMANCES. Para sa kanyang final performance, Ang Martin Nievera classic na "Ikaw Ang Lahat Sa Akin" naman ang napiling kantahin ni Elha.

Bumilib sa kanya ang tatlong coaches at nagbigay sila ng standing ovation para kay Elha matapos ang kanyang performance.

Unang nagbigay ng komento si Coach Sarah Geronimo at sinabing,“Sa totoo lang, wala akong masabi.

“Elha, pinatunayan mo sa aming lahat na hindi ka lang marunong bumirit.

“Isa ka ring mang-aawit na punung-puno ng puso kapag umaawit.

“You’re a good storyteller!”

Manghang-mangha rin si Coach Bamboo sa performance ng kanyang protege.

Sabi pa ni Coach Bamboo, “She is a very special singer! Undeniable, undeniable!"

Dagdag pa niya, “I see a voice in front of me who deserves this.
“She is ‘The Voice’ in my book!”

Ang kanta ni Virna Lisa na "Magkaisa" ang napiling kantahin ni Reynan sa para sa finale.

Ang "Someday" ni Barbara Streisand naman ang binigyang buhay ng young singer na si Esang.

Para kay Sassa, ang "Next In Line" ng bandang After Image ang kanyang power ballad para sa final round.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para naman sa group performances, kinanta nina Elha, Reynan, Sassa, at Esang ang “Spice Up Your Life” ng Spice Girls, “Larger Than Life” ng Backstreet Boys, at “Cup of Life” ni Ricky Martin.

Kinanta naman ng The Voice Philippines coaches na sina Lea Salonga, Sarah Geronimo, at Bamboo ang kantang “Sariling Awit Natin” na sinulat ni Yeng Constantino at Jonathan Manalo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN