#AlDub Fever: Alden vs Yaya Dub in "Bulaga Pa More" wildcard edition

Sina Alden Richards at Yaya Dub ang maghaharap sa wildcard edition ng "Bulaga Pa More, Dabarkads Pa More" sa darating na Sabado, September 5, pagkatapos nilang makakuha ng pinakamaraming likes sa Facebook.


Sina Alden Richards at Maine Mendoza o Yaya Dub ang maghaharap para sa wildcard edition ng "Bulaga Pa More, Dabarkads Pa More" ng Eat Bulaga! na magaganap sa Sabado, September 5.

Ang "Bulaga Pa More, Dabarkads Pa More" ay ang paghaharap-harap ng Eat Bulaga! co-hosts kung saan gagawa sila ng production number na inspired ng dating segments ng 36-year-old noontime show.

Sina Alden at Maine ang nakakuha ng pinakamaraming likes sa Facebook sa hanay ng mga natalong co-hosts sa weekly round, kaya sila ang nakapasok sa wildcard edition.

Ang mananalo sa kanila sa Sabado ang makakapasok sa grand finals ng "Bulaga Pa More, Dabarkads Pa More" sa susunod na linggo.

Isa sa kanila ang makikipagharap kina Paolo Ballesteros, Ruby Rodriguez, Ryzza Mae Dizon, at Patricia Tumulak sa grand finals.

Pero bago siyang payagang makasali sa wildcard, bukod sa pagpa-practice nang husto, may ilang kundisyong ibinigay si Lola Nidora (Wally Bayola) kay Yaya Dub.

Una, kailangan samahan siya ng mga Rogelios (bodyguards ni Lola Nidora) at kasama rin dapat ang mga ito sa production number ni Yaya Dub.

Pangalawa, hindi sila dapat magkita ni Alden sa Broadway Centrum.

May pangatlo pa sanang kundisyon si Lola Nidora pero hindi pa niya ito nasasabi.

Sa palitan nila ng fan signs, sinabi ni Alden na magpapaubaya siya para manalo si Yaya Dub.

Alden: "Kahit matalo ako OK lang."

Yaya Dub: "Winner ka pa rin sa puso ko."

Alden: "Dahil ikaw ang panalo sa puso ko."

Yaya Dub: "Totoo ba? Edi wow!"

Alden: "Magre-rehearse ka na ba?"

Yaya Dub: "Hindi pa, ikaw?"

Alden: "Hindi ako magre-rehearse para sa 'yo."

Yaya Dub: "Sabay na lang tayo."

Alden: "Hintayin kita. Broadway."

Yaya Dub: "Promise pupunta ako diyan."

Alden: "Galingan mo sa Sabado."

Yaya Dub: "Galingan natin."

Alden: "Sana makita na kita."

Yaya Dub: "Sana."

Pero pinigil ni Lola Nidora ang pagpapalitan nila ng fan signs at iginiit na hindi sila puwedeng magkita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, may bagong pampakilig sina Alden at Yaya Dub sa episode ng KalySerye kanina.

Bukod sa pagpapalitan nila ng fan signs at paghahalikan sa screen, kanina ay kunwaring nagbulungan pa sila.

Kung paano gagawin nina Alden at Yaya Dub ang kanilang paghaharap nang hindi sila nagkikita sa "Bulaga Pa More, Dabarkads Pa More" ang aabangan ng mga manonood sa Sabado.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN