Alden Richards buys fruits for Yaya Dub; did Yaya Dub call Alden's name?

Namakyaw ng mga prutas si Alden para kay Yaya Dub, na kasalukuyang naka-confine sa ospital pagkatapos mawalan ng malay kahapon.


Hindi naikubli ni Alden Richards ang kanyang kasiyahan nang matupad ang kahilingin niyang pangalan naman niya ang banggitin ni Yaya Dub (Maine Mendoza) kapag nagsalita ulit ito.

Sa episode ng Kalyeserye ng Eat Bulaga! ngayong araw, September 22, ay nalamang naka-confine pa rin sa ospital si Yaya Dub matapos mahimatay kahapon.

Kaya naman kahit paapaano ay naibsan ang pag-aalala nina Alden, Lola Tidora (Paolo Ballesteros), at Lola Tinidora (Jose Manalo) nang malaman nila mula kay Lola Nidora (Wally Bayola) na nasa mabuting kalagayan na si Yaya Dub.

At dahil wala si Yaya Dub, ang naka-Dubsmash ni Alden ay walang iba kundi si Lola Nidora.

Pero tumawag si Yaya Dub kay Lola Nidora, sa pamamagitan pa rin ng Dubsmash, at nag-request kung puwede siyang dalhan ng mga prutas.

Agad-agad namang bumili si Alden ng mga prutas, na sinamahan pa niya ng cake, bulaklak, at turon.

Nag-request din si Alden kung puwedeng personal niyang dalhin ang mga binili niya kay Yaya Dub.

Pero ayon kay Lola Nidora, ipinagbabawal pa ng mga doktor ni Yaya Dub ang mga bisita kaya ipakukuha na lamang daw niya ang mga regalo ni Alden sa kanyang mga Rogelio.

Naiintindihan naman daw ito ni Alden.

Tiniyak din ni Lola Nidora na walang tama sa utak si Yaya Dub.

Pero may tama daw ito sa puso, para kay Alden.

Nang tanungin naman ni Lola Nidora si Alden kung may tama rin ang puso niya, sagot ng binata: "Malakas po!'

Kaya biro ni Lola Nidora kay Alden: "Tatamaan ka sa akin!"

Sa huling bahagi ng pag-uusap nina Lola Nidora at Yaya Dub ay muling narinig ang mga salitang "Lola, Lola."

Ngunit ang ikinagulat ng lahat at ikinangiti naman ni Alden ay nang marinig nila ang pangalang "Alden, Alden" na posibleng nanggaling kay Yaya Dub.

Tila dininig ni Yaya Dub ang hiling ni Alden dahil sa pagtawag niya ng pangalan ng binata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, sa unang bahagi ng Eat Bulaga! kanina ay tinanong ni Sam YG si Alden kung saan gusto niyang dalhin si Yaya Dub kung sakaling magkaroon sila ng pangalawang date.

Sagot ni Alden, sa mansion na lang niya pupuntahan si Yaya Dub para hindi na ito at mahirapan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN