Meet GMA-7’s To The Top boy band search winners: Adrian Pascual, Mico Cruz, Miko Manguba, Louie Pedroso, and Joshua Jacobe

Adrian Pascual, Mico Cruz, Miko Manguba, Louie Pedroso, and Joshua Jacobe won GMA-7's talent search To The Top on Sunday night, September 27.



Out of 18 finalists, lima ang tinanghal na winners ng reality-talent competition ng GMA-7 na To The Top.

Ang limang napili ay sina Adrian Pascual, Mico Cruz, Miko Manguba, Louie Pedroso, at Joshua Jacobe.

Sila ang bubuo sa bagong boy band ng GMA Artist Center na tatawaging T.O.P.

Kabilang sa kanilang napalanunan ay 1 million pesos at a 3-year contract with GMA Artist Center.

Hindi man pinalad manalo ngunit nakapag-uwi naman ng house and lot si Bryan Olano bilang Viewer’s Choice.

Samantala, kasama naman sa Top 10 sina Lance Busa, Edric Ulang, Martin De Vera, at Cholo De La Cruz.

Ginanap ang announcement of winners at ang final showdown nitong nakaraang Linggo, September 27.

Kabilang sa mga hurado na pumili sa limang nanalo ay ang award winning musian, composer, and conductor na si Mr. Ryan Cayabyab, ang OPM icon at former APO Hiking Society member na si Jim Paredes, ang Asia’s Got Talent runner-up na si Gerphil Flores, at ilang representatives mula sa GMA Artist Center.

Sa finale showdown, tatlong performances ang pinaghandaan ng dalawang grupo.

Ang Team A ay kinabilangan nina Lance Busa, Edric Ulang, Mico Cruz, Bryan Olano, at Adrian Pascual.

Sa Team B naman napabilang sina Miko Manguba, Louie Pedroso, Joshua Jacobe, Martin De Vera, at Cholo De La Cruz.

Sa unang challenge, pinerform ng dalawang grupo ang kani-kanilang version ng “Don’t’ Stop Believin’” na pinasikat ng Journey.

Sa ikalawang challenge, original song naman ng bawat teams ang kanilang pinerform. “Tuloy Lang” ang kinanta ng Team A habang “Kaya Ko, Kaya Mo” naman ang kinanta ng Team B.

Para sa huling showdown, original song muli ang kinanta ng bawat grupo. “Darating” ang titulo ng kantang pinerform ng Team A at “Alaala” naman ang kinanta ng Team B.

Sa panayam ng GMA News sa mga nanalo matapos ang kompetisyon, hindi pa rin makapaniwala ang mga nanalo na sila ay napili bilang grand winners ng Kapuso talent search.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Miko M., “Sobrang unexpected na makakapasok ako, kasi lahat kami deserving.

"Very happy ako na pinagkatiwalaan ako na maging parte ng isang boy band.”

Ganito rin ang naramdaman ni Mico C. Aniya, “Grabe, it’s crazy! Sobrang gandang combination nito kasi barkada kami.”

Hindi rin inasahan ni Joshua na isa siya sa matatawag at mapipiling maging parte ng bagong boy band ng GMA.

Sabi pa niya, “Sobrang honored ako na nakarating ako hanggang sa finals.

"Kasi, ang laki talaga ng sacrifices ko kaya sobrang thankful ako.”

Inamin naman ni Adrian na marami siyang mami-miss ngayong tapos na ang kompetisyon.

Sabi pa niya, “Mami-miss ko sa To the Top yung mga kapatid ko, siyempre. Lahat ng mga pinagsamahan namin, yung memories.

"Kasi everytime na magkakasama kami memorable lahat yun.”

Ano naman ang dapat abangan sa kanilang grupo?

Sagot ni Louie, “Abangan n’yo [kami], kasi we’re gonna make good music for you, guys!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN