MTRCB launches commemorative book in celebration of 30th anniversary

Ayon kay Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairman Toto Villareal, hindi na censors board ang ahensiya sa ngayon. Ito daw ay isang regulatory board na naglalayong mabigyan ng empowerment ang mga manonood na pamilyang Pilipino.



Inilunsad ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kagabi, October 5, ang kanilang commemorative book na Empowering The Filipino Family.

Ito ay may kaugnayan sa ika-30 taong anibersaryo ng ahensiya.

Sabi ni MTRCB Chairman Toto Villareal sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Una, ito ay gabi ng pasasalamat dahil 30 years na po ang MTRCB.

“Ito ay daan rin kumbaga upang maipaabot namin sa ating mga mamamayan ang kasaysayan ng MTRCB sa pamamagitan ng aming commemorative book.

“Dun ay kinu-chronicle ‘ika nga ang aming pag-umpisa bilang ahensiya. Noon ay sinasabi na regulatory agency, pinagkakamalang censors. Hindi na kami censors board ngayon.

“Ngayon, not only regulatory but now we are also developmental board. Kumbaga balewala ang ratings system kung hindi ma-empower yung audience lalo na ang pamilyang Pilipino.”

Sa loob ng tatalong dekada na ng ahensiya, anu-ano ang maituturing nilang major achievements?

Lahad ni Chairman Villareal, "Siguro yung una ay yung tungkol doon sa tinatawag na revised classification system na naganap a few years back under the leadership of now Senator Grace Poe.

“Siguro yung nagkaroon nang pagpapalakas nang maraming miyembro ng MTRCB na nasa sining noong panahon ni Chairperson Armida Siguion-Reyna.

“Lately, yung sa ating pamamahala, yung developmental aspect nung board.

"Kumbaga yung naging contribution natin ay magiging globally competitive ang ating mga industriya sa pelikula at telebisyon sa pamamagitan ng discerning viewership at respeto dun sa tinatawag nating vulnerable sectors.”

Dumalo sa pagtitipon ang ilang mga dating namumuno sa ahensiya kabilang na si Manoling Morato at Conzolisa Laguardia.



MTRCB IN KOREA. Dahil sa naging tagumpay ng kanilang kampanya sa “matalinong panonood,” masayang ibinalita ni Chairman Villareal na naimbitahan sila sa Korea.

Kuwento pa nito, “Ang MTRCB po ay naimbitahan ng Korea Media Rating Board sa kanilang convention, counterpart po natin ito, sa November at tayo ay magpi-presinta po doon ng isang lecture.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Magsi-share po tayo ng ating best practices sa protection of children in media.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN