Piolo Pascual on ASAP being beaten by Sunday Pinasaya and Wowowin: "It can be a wake-up call."

Piolo Pascual on decreasing TV ratings of ASAP: "It can be a wake-up call…Kasi, for a time, talo rin naman ang Eat Bulaga, bilog ang mundo.”



Patuloy na iniintriga ang pagtatapat ng ABS-CBN Sunday variety show nina Piolo Pascual na ASAP at ang Sunday Pinasaya ng GMA Network.

Tatlong oras tumatagal sa ere ang ASAP 20, at ang Sunday Pinasaya at Wowowin ang katapat nito sa timeselot na ito.

Ayon sa AGB Nielsen, ang Kapuso shows na Sunday Pinasaya (22.3%) at Wowowin (20.3%) ang Top 2 daytime programs noong September 27.

Wala sa listahan ng Top 10 shows sa Mega Manila ang ASAP.

(Read: AGB Nielsen Mega Manila Ratings (Sept 23-28, 2015): FPJ’s Ang Probinsyano beats Marimar; posts second highest-rating pilot episode for 2015)

Maging sa Kantar Media, natalo na rin ang ASAP noong September 27.

Nakakuha ito ng national TV rating na 13.3% samantalang ang Sunday Pinasaya ay nakatamo ng 17.2% at ang Wowowin ay 17.1%.

(Read: Kantar Media-TNS Nationwide Ratings (September 27-30, 2015): Eat Bulaga has four-point lead over It’s Showtime; FPJ’s Ang Probinsyano pilot week defeats Marimar)


Ano reaksiyon ni Piolo na tinalo ang show nila sa ratings ng Sunday Pinasaya?

Sagot niya, “ASAP has been on the air for twenty years. I mean, pana-panahon lang naman ‘yan, e.

“Mas mahirap naman kasi na nandoon ka lang sa itaas at walang tumatalo sa ‘yo.

“Competition is always healthy because it makes you want to be better at what you do.

“So kami, we’re just actors, we’re just performers. Kung ano ang ipagawa sa amin, gagawin namin for the show.

“So labas na ako doon sa pressure.

"Just the same, gagawin ko lang yung pinapagawa sa akin."

Ano naman ang tingin niya sa mga ilang pagbabago na ginawa sa ASAP, gaya ng paglalagay ng skit?

Sagot ni Piolo, “It’s hard. Ayoko magsalita kasi show ko yun, e.

“For seventeen years I’ve been with them through thick and thin, I stand by the show.”



TEAM PLAYER. Can he say na parang wake-up call na rin for ASAP ang kakaibang format na itinapat sa kanila ng Kapuso network?

“Every week naman kasi ganoon, every week naman kailangan mo talagang galingan.

“Kailangan mong magbigay ng bago, it’s your job.

"It’s something na kailangan mong gawin sa audience mo for them to stay.

“Yeah, it can be a wake-up call… Eat Bulaga has been reigning for thirty years, so makalapit man lang kami doon, okay na.

“Kasi, for a time, talo rin naman ang Eat Bulaga, bilog ang mundo.”

Palagay ba niya aabot din ng 30 years ang ASAP?

“Siguro wala na ako dun!” sabi ni Piolo sabay bulalas ng tawa. “Busy ako, e.”

Ano naman ang masasabi niya sa comments na ginagaya ng ASAP ang Sunday Pinasaya?

“A, napakaliit naman ng mundo para mag-dwell tayo sa mga bagay na kailangang pag-awayan ninyong dalawa.

“I mean, I’m friends with Ai-Ai [delas Alas], I’m friends with everyone on the show.

“So, hayaan mo na sila na pag-awayin yung show, basta kami gagawin lang namin yung trabaho namin.”

Nagulat ba siya noong nagkaroon na rin ng comedy skit na portion sa ASAP na ginagawa sa Sunday Pinasaya?

“We know, kasi naka-monitor kami sa lahat ng network, so we know what they are doing.

“Ganoon talaga, e. You just have to be a team player,” sagot ni Piolo.

May plano ba siya na iwan ang ASAP?

“Hindi naman. I’m happy with ASAP, I’m happy how things are turning out.

“I’m happy that the other show is giving us competition.

"That only means we have to step up, we have to be better than what we do now.”


SUGGESTIONS. Puwede ba silang magbigay ng suggestions na segment sa show?

Tugon ng Kapamilya actor, “I believe whatever we decide on, whatever we think is right, mas alam nila [management] because they go through meetings, e.

“Umaabot naman sa higher-ups yun, e, nagbri-brainstorming sila,
ina-approve ng management.

“Hindi naman ako management, so gagawin ko lang yung sa tingin ko ang kailangan kong gawin.”

Hinihingan ba sila ng suggestions ng management bilang frontliners ng ASAP?

Sagot ni Piolo, “Meron po pero puwede ka namang humindi, yeah, puwede kang huwag pumayag.

“Sa amin naman, they still ask us, they don’t force us to do things because we have to.

“Parang ako, with all the games that I’ve been doing, I enjoyed it.

“Pero just the same, wala naman sa amin yung decision to reformat the show.

"As far as I’m concerned, we are not trying to reformat, it’s just to add more spice para maging maganda ang competition.

“Natatalo kayo, hindi kayo puwede mag-rest sa laurels niyo, so you have to have to think of other things.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN