Dawn Chang enters Pinoy Big Brother 737 Big Four

Dawn Chang is the first member of Pinoy Big Brother 737's “Big Four.”



Pasok na si Dawn Chang sa “Big Four” ng Pinoy Big Brother 737.

Natalo ng Bombshell Baker ng Paranaque ang iba pang housemates sa “Big Jump to The Big Four” challenges. Naganap ang announcement nitong Sabado ng gabi, October 24.

Sa utos ni Big Brother, pinagbotohan ng mga Teen Big Four at ng natitirang regular housemates kung sinu-sino ang karapat-dapat mag-compete sa “Big Jump to The Big Four.”

Bukod kay Dawn, nakakuha rin ng mataas na votes sina Miho Nishida, Roger Lucero, at Zeus Collins upang makasali sa challenges. Hindi naman nakasama si Tommy Esguerra dahil siya ang nakakuha ng lowest number of votes sa grupo.

Bago ang challenges, nagkaroon ng diskusyon sa pagitan nina Tommy at Dawn.

Hinamon din ni Tommy si Dawn sa isang debate upang patunayan kung sino nga ba sa kanilang dalawa ang mas karapat-dapat na mapasali sa “Big Jump to The Big Four” challenges.

Bukod dito, kinompronta ni Tommy si Dawn dahil napansin nito na malapit sila masyado sa isa’t isa gayong may boyfriend si Dawn sa labas ng bahay ni Kuya.

Si Zeus ang natanggap sa unang pagsubok na tinawag na “Sinking Boat” challenge. Sumunod naming natanggal si Roger sa “Unblock Me” challenge.

Nagkaharap naman sa “Bantay ng Big Four” challenge sina Dawn at Miho kung saan kailangan nilang tumayo at hawakan ang kanilang flags. Dalawang minuto pa lang ang nakakalipas, biglang bumitaw si Miho sa kanyang hawak na flagpole dahil hindi nito naintindihan ang mga instructions ni Kuya. Ngunit binigyan siya ni Dawn ng isa pang pagkakataon para sa huling challenge. Matapos ang anim na oras, nawala sa balance si Miho kaya naman nanalo si Dawn sa challenge.




Ngayong linggo, malalaman na rin kung sino ang tatlo pang housemates na makakasama ni Dawn sa Big Four na pagbobotohan ng mga manonood.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN