Carla Abellana open to doing kissing scene again with Gabby Concepcion

Carla Abellana and Gabby Concepcion previously did a kissing scene in the 2011 film Yesterday, Today, Tomorrow. The actress does not mind doing it again for their upcoming GMA-7 teleserye Because Of You.



Muling makakatrabaho ni Carla Abellana si Gabby Concepcion sa upcoming GMA-7 teleserye na Because Of You, isang light family drama, kung saan makaka-love triangle nila si Rafael Rosell.

Una nang nagtambal sina Carla at Gabby sa 2011 film Yesterday, Today, Tomorrow.

Si Carla ay 29 anyos, samantalang 51 anyos na si Gabby.

Nang tanungin si Carla sa muli nilang pagtatrabaho ni Gabby, sagot ng aktres, “Good. He’s still the same. Kung paano ko siya na-meet before at nakatrabaho before, gano’n pa rin po.

“Siya po yung type na palabiro, laging nakangiti tapos kahit madaling araw, nagdyo-joke pa din siya. Parang pinapagaan niya yung buong set. May pagkamakulit pa rin sa jokes.”

Nakausap si Carla, kasama sina Gabby at Rafael sa pocket presscon ng nasabing teleserye na ginanap sa All Day Breakfast in Bed Restaurant sa Sct. Tobias, Quezon City nitong Biyernes, November 6.

Dahil magkatambal, inusisa ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Carla kung magkakaroon sila ng kissing scene ni Gabby.

“So far, wala pa sa script. Dalawang weeks pa lang ang natatanggap namin. Pero for sure, meron naman po ‘yan, imposibleng hindi.”

Hindi na rin daw naiilang si Carla kung magkaroon man sila ng kissing scene ni Gabby dahil nagawa na nila ito sa pelikula.

“I am [comfortable]. Nagawa na po namin yon sa movie, so at least medyo may breaking of the ice.

“Kapag may kailangan akong makatrabaho for the first time, kung required naman po talaga or if it’s in the script o kung ni-request ng director, okay lang. Wala namang problema.”

Tinanong naman ng PEP, kamusta ang first kissing scene nila ni Gabby noon sa pelikulang Yesterday, Today, Tomorrow?

“Actually, hindi ko na nga masyado maalala kasi parang once lang 'ata.

“But at least he’s a gentleman at lagi hong makulit, so you never feel uncomfortable.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Makakasama rin ni Carla sa teleserye ang kanyang tatay na si Rey “PJ” Abellana.

Ang ibang cast members ay sina Kuh Ledesma, Iya Villania, Valerie Concepcion, Bettina Carlos, Vaness del Moral, Joyce Ching, Enzo Pineda, Mosang, Michael Flores, at Miss Celia Rodriguez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN