Hiro Peralta on doing steamy scene with Kris Bernal: “Hindi naman po ako manhid—maganda si Kris.”

Hiro Peralta on getting lead role in GMA-7's Little Nanay: “When Pope Francis visited the country, pumunta kami ng mga friends ko kunsaan siya nagmisa. Nag-pray at nag-wish po ako… lahat ng mga pinagdasal ko noong araw na iyon ay nagkatotoo.”



Matagal nang hinahangaan ng Kapuso young actor na si Hiro Peralta ang kanyang leading lady na si Kris Bernal.

Kaya hindi makapaniwala si Hiro na siya ang napiling partner ni Kris sa bagong GMA-7 primetime teleserye na Little Nanay.

“Noong time pa po ng Tween Hearts, isa na si Kris sa crush ko talaga.

“Gandang-ganda ako sa mukha niya, e.

“‘Tsaka from what I heard sa mga nakatrabaho niya, napakabait at very supportive po niya sa mga co-stars niya.

“Kaya hindi ako makapaniwala na biglang ako po ang napili to be her leading man sa teleserye na ito.

“I went through an audition at nagkaroon kami ng screen test.

“Hindi ko po alam na si Kris pala ang magiging partner ko sa teleserye.

“Parang dream come true para sa akin,” ngiti pa ni Hiro.


STEAMY. Sa kuwento ng Little Nanay, si Hiro ang makakabuntis kay Kris, na gumaganap bilang taong may sakit sa pag-iisip.

Pinaghadaan daw ni Hiro ang marami nilang kissing scenes ni Kris.

“Nag-workshop pa po kami ni Kris para nawala ang hiya namin sa isa’t isa.

“Kasi hindi lang kiss iyon, e, may yakapan pa.

“Very physical and intimate yung eksena kaya mas kinabahan ako.

“Si Kris pa po ang nagsasabing kaya namin gawin ang eksena.

“Kaya ako naman, lumakas ang loob ko kasi game na game si Kris.

“At saka ayoko pong mapahiya kay Direk Ricky [Davao],” diin pa ni Hiro.

Inamin ni Hiro na may konti siyang naramdaman sa eksena na iyon with Kris.

“Gustuhin ko man na walang maramdaman, pero meron po, e!” sabay tawa niya.

“I mean, hindi naman po ako manhid—maganda si Kris, e.

“’Tsaka iba ang physical contact talaga. May puwedeng mangyari na hindi mo inaasahan.

“But I was professional about it. Hindi ko na lang pinahalata kasi nakakahiya kay Kris.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FRIENDS. One year na raw na walang boyfriend si Kris at wala namang girfriend si Hiro. Balak bang ligawan ni Hiro si Kris?

“Mahirap pong haluan ng feelings itong trabaho namin.

“Sino ba naman ang aayaw kay Kris? She’s very pretty at napakabait.

“I want to know her more at gusto ko rin na makilala niya ako.

“Through this teleserye, mangyayari po iyon.

“Ayokong pasukin ang isang bagay na baka ma-reject lang ako.

“Yung mabasted tayo. Masakit iyon, e.

“Kaya for now, pipigilan ko muna ang sarili ko sa thoughts na gusto ko siyang ligawan.

“Trabaho muna tayo. Ayokong haluan ng emotions itong pagsasama namin sa Little Nanay.

“Sabi nga nila, nasa tamang panahon ang lahat.

“For now, gusto ko pong maging magkaibigan kami ni Kris,” sagot ni Hiro.


WISH COME TRUE. Noong January lang daw ng taong ito pinagdasal ni Hiro na mapasama siya sa isang malaking teleserye.

Kasama na raw doon ang wish ni Hiro na maging leading lady si Kris.

Kuwento ni Hiro, “When Pope Francis visited the country, pumunta kami ng mga friends ko kunsaan siya nagmisa.

“Nag-pray at nag-wish po ako na sana bigyan ako ulit ni Lord ng bagong project.

“Patapos na kasi ang Pare ‘Koy that time kaya I was wishing for another good role in another teleserye.

"Tapos I was also checking my Instagram. Nataon na bumungad sa akin ang IG account ni Kris Bernal.

“Nasabi ko tuloy na one day magiging leading lady ko ito.

“Kaya up to now po, hindi ako makapaniwala na lahat ng mga pinagdasal ko noong araw na iyon ay nagkatotoo.

“Siguro nga ay meant to be na makasama ako sa Little Nanay at makasama ko rin si Kris,” dagdag ni Hiro.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN