Rafael Rosell on rumored couple Tom Rodriguez and Carla Abellana: "Sobrang mahal ko silang pareho."

How does Rafael Rosell (right) deal with the pressure of competing with Gabby Concepcion (left) in Because of You? "I also feel honored na makakatrabaho ko si Gabby at si Carla [Abellana]," says Rafael about his Kapuso co-stars.



Hindi naman daw gaanong kinabahan si Rafael Rosell na isang Gabby Concepcion ang nakakasama siya sa mga aksena sa Because of You.

“I think it was more of a challenge to silence my excitement kasi Gabby Concepcion yun, e,” at tumawa si Rafael.

Paano niya kakaririn na si Gabby ang karibal niya sa love triangle nila with Carla Abellana sa GMA-7 teleserye?

“Di ba? Yun din ang sabi ko sa mga writers, e,” pero kaya naman daw niya, “Oo naman.”

Pahayag pa niya, “I feel super honored for giving me this opportunity.

"I feel honored na GMA Network entrusted me with this role, I also feel honored na makakatrabaho ko si Gabby at si Carla.

“Pero pagdating sa intimidation factor, patas lang naman tingin ko sa lahat ng tao, e.

“I’m just really excited that it’s these two beautiful individuals na nakasama ko sa soap na ito, sobrang gaan makatrabaho.

“Very, very professional at very trustworthy so I think it’s gonna be a good season.”

Sa Because of You ay gumaganap si Rafael bilang si Oliver Dictado, si Carla bilang si Andrea Marquez, at si Gabby bilang si Jaime Salcedo.


FRIENDS. Iisa ang manager nina Rafael at Tom Rodriguez, si Popoy Caritativo ng Luminary Management.

Magkaibigan rin sina Rafael at Tom, hindi ba siya nailang na maging isa sa mga leading men ni Carla na girlfriend ng kaibigan niyang si Tom?

“Actually, I think it makes it easier, e, dahil kilalang-kilala ko si Mang Tomas [Tom], parang kapatid ko naman yun, e.

“So ngayong makakakatrabaho ko si Carla, since pareho silang nasa showbiz, maiintindihan nila yung sistema.

“Maiintindihan nila yung working procedures, so I don’t think na magkakaroon ng problema dun.

"Mas mahirap siguro kung halimbawa si Tom wala sa showbiz, hindi niya maiintindihan yung trabaho ni Carla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pareho silang nasa showbiz, pareho silang sobrang professional, sobrang mahal ko silang pareho.

"I don’t think na magkakaroon ng conflict talaga; we’ll do our best to make it believable sa mga tao.

"Yung kilig, yung story, lahat... I think it’s gonna be good naman dahil nag-trending yung Dangwa namin.”

Sina Rafael at Carla ang guests ni Janine Gutierrez sa Dangwa buong linggo last week.

“I think it proved as a testing ground sa chemistry din, e.

"So, very nice, smooth transition from our testing ground sa Dangwa, transitioning into Because Of You... it’s gonna be fun!

Kahit raw ang mga fans nina Tom at Carla ay suportado ang tambalan nina Rafael at Carla.

“Yung mga TomCar fans, they’re sobrang supportive, sobrang talino nila at wala sa kanila.

"Hindi mo makikita yung parang crab mentality sa kanila na happy lang sila sa mga artistang iniidolo nila.

“Para sa akin, I think they have one of the smartest fanbase sa buong industriya.

"At I think that’s a great mileage para sa kanila at para sa amin din.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN