Gabby Concepcion-Carla Abellana starrer Because of You beats OTWOL nationwide, according to AGB Nielsen

Last December 8, GMA-7's Because of You was 0.4 points higher than ABS-CBN's OTWOL, according to AGB Nielsen Nationwide Urban Television Audience Measurement. This Kapuso teleserye stars Gabby Concepcion (left), Carla Abellana, and Rafael Rosell.




Kung pagbabasehan ang ratings na mula sa AGB Nielsen Nationwide Urban Television Audience Measurement (NUTAM), tila may bago ng “love triangle” sa primetime block ang bagong kinagigiliwan ngayon ng mga manonood.

Ito ay ang Because of You ng GMA-7 at pinagbibidahan nina Carla Abellana, Rafael Rosell, at Gabby Concepcion.

Umarangkada sa TV ratings nationwide ang Kapuso teleserye.

Ayon sa datos ng AGB Nielsen TV Audience Measurement noong December 8, nakakuha ang Because of You ng 19.2% household rating sa NUTAM kumpara sa katapat nitong programa na On The Wings of Love na nakapagtala ng 18.8%.

Mapapanood ang Because of You Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Little Nanay sa GMA Telebabad.

Bukod sa pamamayagpag sa TV ratings, bumuhos din ang papuri at positibong komento ng Kapuso viewers sa social networking sites para sa teleserye.

Kaya naman lubos ang pasasalamat ng tatlong bida sa suporta at pagtangkilik ng manonood sa kanilang programa.

Ayon kay Carla na nagiging at home na sa pagpapatawa, “Maraming salamat sa lahat ng nanonood ng Because of You! Masaya po kaming napapasaya namin kayo, kaya asahan niyong patuloy kaming magbibigay ng good vibes sa inyo bawat gabi."

Ikinatuwa rin ni Rafael ang pagiging No. 1 ng Because of You sa timeslot nito. “Maraming, maraming salamat sa lahat ng suporta at pagmamahal na ibinuhos ninyo sa aming show. We are all happy that you all enjoyed the episodes. Kaya naman mas pagbubutihin pa namin ang aming trabaho para sa lahat ng masugid na tagasubaybay ng Because of You.

Malaki rin ang pasasalamat ni Gabby sa pagtitiwala ng mga manonood sa kanyang kauna-unahang programa sa GMA-7, “I have everyone to thank for and salamat sa support and blessings. Para sa inyo naman ang lahat ng ginagawa namin. Kaya naman, abangan ninyo ang mga susunod na episodes ng Because of You.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN