GMA artists have tearful tribute for Kuya Germs on Sunday Pinasaya

Gloria Romero, John Nite, and Nova Villa give heartfelt messages for the late Kuya Germs.



Naging emosyonal at napaluha ang ilan sa mga GMA-7 artists na nagtipun-tipon para sa special tribute episode na inialay kay Master Showman na si German "Kuya Germs" Moreno sa January 10 episode ng noontime variety show na Sunday PinaSaya.

Si Kuya Germs, na isa sa mga creative consultant at tagasuybaybay ng naturang programa, ay pumanaw noong January 8 dahil sa cardiac arrest.

Puti ang suot ng mga GMA artists at isa-isa silang pumunta sa stage ng Sunday PinaSaya.


Ang veteran stars at mabuting kaibigan ni Kuya Germs na sina Gloria Romero at Nova Villa ang ilan sa nagbigay ng touching message.

Emosyunal na sabi ni Gloria Romero, "Maraming-maraming salamat, Kuya Germs. Parati kang mananatili dito sa aming puso.

"We love you, we love you dearly, Kuya Germs. Rest in Peace."

Sabi naman ni Nova Villa habang lumuluha, "Kuya Germs, andito lahat ng mga anak mo, ang mga tinulungan mo, ang mga minahal mo, ang mga fans na tumangkilik na sumubaybay at tumangkilik sa 'yo.

"Nandito kaming lahat.

"Lord, thank You po. Kitang kita kay Kuya Germs ang vision, mission na ibinigay mo sa kanya na nanatili hanggang sa huli.

"Tinulungan ang mga kabataan at ang mga ambisiyon na marating nila ang kanilang ambisyon at mission din sa buhay.

"Hanggang sa kahuli-huliang sandali, Tito Germs, hindi mo iniwan ang mission na ito.

"Talagang napakasipag mo, napaka-loyal mo sa mission na ibinigay sa 'yo ng Panginoon.

"Halos hindi ka na natutulog kaya nga mayroong Walang Tulugan, sapagka't gusto mong tapusin ang mission na ito na ibinigay sa 'yo ng ating Panginoon.

"At higit sa lahat wala kang ipinakitang masama sa lahat ng tao, lahat minahal ka.

"Maraming salamat, Tito Germs."

Nagbigay din ng mensahe ang pamangkin ni Kuya Germs at Walang Tulugan With the Master Showman co-host na si John Nite.

"In behalf po ng aming pamilya, sa pamilyang Walang Tulugan, pinasasalamatan po naming ang lahat-lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lahat po ng tumulong na maramdaman namin na hindi ganun kahirap yung pinagdadaanan namin.

"We can't imagine, personally ng pamilya namin how to live without Kuya Germs, also lahat tayo hindi ko alam if what's in store for us, but I know that his memories at saka legacy niya will continue on.

"Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat."

May inilagay din na espesyal na upuan sa harapan ng stage kung saan ang puwesto ni Kuya Germs tuwing nanonood siya dati ng Sunday PinaSaya.


Nagkaroon din ng opening number ang mga Sunday PinaSaya hosts na sina Ai-Ai de las Alas, Jose Manalo, Wally Bayola, Alden Richards, Barbie Forteza, Julie Anne San Jose, Valeen Montenegro, at Jerald Napoles.

Isinadula nila ang buhay ni Kuya Germs mula sa pagiging janitor hanggang sa main highlights ng buhay niya, ang pag-produce at host ng That's Entertainment at GMA Supershow.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN