Gabbi Garcia, Ruru Madrid reveal story behind rumored Encantadia 2016 cast viral photo

Gabbi Garcia (wearing green) and Ruru Madrid (rightmost) clarifies that the viral photo with (L-R) Rocco Nacino, Kylie Padilla, Glaiza de Castro, and Sanya Lopez was taken during an audition call back for Encantadia 2016.



Inamin ng Kapuso teen stars na sina Gabbi Garcia at Ruru Madrid na nag-audition sila para sa Encantadia 2016 sa isang blog con na ginanap nitong Lunes, February 22.

Sa video ng blog DSweetbox, sinabi ng dalawa na inaantay pa rin nila ang resulta ng nasabing audition. Nilinaw din ng dalawa na litrato mula audition ang viral photo kung saan kasama nila sina Rocco Nacino, Kylie Padilla, Glaiza de Castro, at Sanya Lopez.

Sabi ni Gabbi, “We auditioned for Encantadia, up to now we’re still hoping and praying for the results.”

Dagdag naman ni Ruru, “Parang, nung ano lang po yun e, call back kasi lahat naman po ng nag-o-audition dun, pinapasuot talaga ng ganun.”

(Read: Marian Rivera confirmed to be part of Encantadia; who will be her co-stars?)


Nang tanungin naman kung anong role ang kanilang napili nang sila'y mag-audition, sinabi ni Gabbi na si Alena ang gusto nitong gampanan sa Encantadia 2016. Si Karylle ang origihinal na gumanap sa role ni Alena, Sang'gre na tagapagbantay ng brilyante ng tubig.

Saad ng teen star, “Ako, I personally audition for the role of Ms. Karylle, Alena. Kasi, sana lanag i-consider nila yung teens for the sang’gres.

“But then, I like her character kasi she’s very romantic and vulnerable. She sings too, and I sing, too. Pero siyempe si Ms. Karylle, parang hands down ako sa kanya… Pero we’re still hoping.”

Biro naman ni Ruru, “Ako, okay na ako sa Pirena.”

Si Ybarro/Ybrrahim naman ang karakter na gustong gampanan ni Ruru. Ngunit, inamin nito na wala talaga siyang balak na mag-audition dahil sa kinakabahan siya dito.

Sabi ni Ruru, “Nung una po, ayoko talaga mag-audition kasi alam ko na lahat ng mag-o-audition, magaganda katawan.

“Sabi ko, 'Ano namang laban ko diyan?’ So sabi sa akin, ‘Try mo lang, try mo lang na mag-audition.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E ako, sobrang kabado ako sa ganyan. As in ayokong mag-audition dahil sobra akong kinakabahan.

“Pero pinilit ko yung sarili ko dahil siyempre, kailangan.

“Parang ano rin siya e, alam naman nating malaking role yung Ybarro.

“Dingdong Dantes yung gumanap dun so gusto ko sana na siyempre, ako yung gumanap dun sa role nay un.

“Kaya kahit na sobrang kabado ako, nag-audition pa rin ako.”

NO OFFICIAL CAST YET. Sa panayam naman ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras, sinabi ng director ng fantaserye na si Mark Reyes na wala pang napipili bilang final cast members ng Encantadia 2016.

Sabi ni Direk Mark, “Officially, please ano, take it from me na wala pa pong final cast ang Encantadia.

“Until now, they are deciding, the management is deciding who is the best choice to perform the four roles of the Sang'gres.

“Ang isa lang ni-reveal recently ay ang magpeperform ng Inang Reyna ay ofcourse our Primetime Queen, si Marian Rivera-Dantes.

“Unless makakita kayo ng naka-bagong costume ng 'Encantadia' na artista ng GMA, yun ang official.

“Kapag hindi pa nila nakikitang naka-costume ang artista, hindi pa po official yun.”

Ang sigurado pa lang na magiging bahagi ng GMA fantaserye ay si Marian Rivera na gananap bilang Inang Reyna Minea, ang Reyna ng Lireo at ina ng apat ng Sang'gre.

Magiging bahagi din ng telefantasya ang Starstruck 6 winners na sina Klea Pineda at Migo Adecer ngunit hindi pa nababanggit kung ano ang role nila dito.

Sa ngayon, nasa pre-production stage na Encantadia 2016.

Sa Instagram account niya ay muling nag-share si Direk Mark ng paghahandang ginagawa nila para dito. Ang buong caption ng litrato: “All hands on deck. GMA POST and ENGINEERING synergizing cameras for the principal photography of #encantadia2016 #cameratest #gmanetwork.”


Hindi lang daw basta remake ang balak ng Kapuso Network para sa Encantadia 2016 dahil maraming kaabang-abang na pagbabago ang mapapanood dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ni Direk Mark, “It is called a ‘requel’—it is a sequel and a retelling so hindi lang yung kinuha namin yung old script at yun ang gagawin namin.

“Binago namin yan, it has the same story pero ang dami naming dagdag.

“Yung mga hindi namin nakuwento noon, gagawin namin ngayon.

“So, the old and new audience will really appreciate this one.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN