Ken Chan says he broke up with girlfriend while doing Destiny Rose

What kind of ending does Ken Chan want for the finale of Destiny Rose? "Wini-wish ko na ang ending, sana magka-ayos kami ng pamilya ko, matanggap ako ng Papa ko," says the GMA-7 actor.



Isa sa naging matagumpay na panghapong teleserye ng GMA-7 ang Destiny Rose na tumalakay sa buhay ng transgender na ginampanan ni Ken Chan.
 
Tumagal din ito ng dalawang season, pero ngayon ay kailangan na rin talagang wakasan.
 
“Honestly, malungkot siyempre,” lahad ni Ken sa nararamdaman nang makausap ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sa taping ng Destiny Rose kamakailan.
 
Ayon pa kay Ken, “Kasi, parang pamilya na ang turingan namin dito. Almost half a year, pero at the same time, umaangat na rin yung saya ko dahil sobrang thankful ko na umabot kami ng two season.
 
“Half a year talaga at sobrang masuwerte, I feel so blessed na ang Destiny Rose, umabot ng dalawang seasons.”
 
Tumatak nang husto ang karakter niya na si Destiny kaya ngayong magtatapos na ang panghapong serye nila, marami raw naiisip si Ken na gustong gawin para unti-unti, maibalik din niya ang tingin sa kanya bilang si Ken Chan talaga.
 
Ayon sa aktor, “Marami po, probably hindi ako magga-ganito ulit. Kung magga-ganito ko, siguro sobrang matagal pa. At saka, sinabi rin sa akin ng GMA at GMA Artist Center yun and then, they have plan naman na yung magiging role ko sa susunod ay sobrang layo kay Destiny.”
 
Pero yun nga, hindi ba siya natatakot na baka mahirapan siyang bumitaw bilang si Destiny?
 
“Hindi naman po kasi, after naman po na kapag sinabi ng director na pack-up na kami, talagang bumibitaw ako.
 
“Yung sa tingin ng tao, siguro yun ang kailangan kong i-work-out ngayon, kailangan kong pag-aralan after ng Destiny Rose, ano ba ang mga kailangan kong gawin para maihiwalay talaga sa akin si Destiny Rose.
 
“Para maprepare ako sa susunod kong role.  At kahit si Sir Michael de Mesa, kasi naggaganito siyang role. Ang payo niya sa akin, kahit siya, hindi rin daw siya agad nakakabitaw.
 
“Talagang it’s a normal thing at kinausap din daw siya ni Kuya Dennis Trillo before at sabi rin daw ni Kuya Dennis, meron din daw talaga na nadadala mo sa bahay mo, sa lifestyle mo.
 
“At ang payo nila sa akin, mag-reflect daw ako. Mag-bakasyon daw ako, sa ibang bansa kahit na ako lang mag-isa.”
 
Sabay biro ni Ken, “Eh ‘eto, magre-reflect ako sa Thailand.  O, e, 'di pagdating ko rito, gupit na!”
 
Ang Thailand ang kilalang bansa na marami talagang transgender.
 
Sa isang banda, hindi pa nga ba siya napapaisip dahil parang yung ibang tao ay napapaisip na sa kanya kung straight pa nga ba siya?
 
“Ay, alam niyo, talagang gusto ko yung napapaisip sila. Yung ay bading ba siya or what? Gusto ko yun kasi ibig sabihin, effective talaga. Mabisa yung ginawa kong preparation for Destiny Rose at yun ang gusto ko.”
 
Siya ba, hindi pa nga ba siya nagdududa?
 
“Po?  Sa tingin niyo po?” natawang biro niya.
 
“Opo, secure pa po,” sabi niya.
 
Magandang transgender si Ken.
 
Kapag nakikita niya ang transformation niya, ano ang nasasabi niya sa sarili sa salamin?
 
“Minsan nasa-shock ako na kaya ko palang maging ganito ang itsura ko,” nakangiti niyang sabi. 
 
Bago gawin ni Ken ang Destiny Rose ay may girlfriend siya, pero, habang ginagawa niya ang serye ay naghiwalay na rin daw sila.
 
“Siguro gusto ko rin naman po kasing mag-focus sa work ko,” saad niya.
 
Dugtong din niya, “Pero, siya rin naman po ang may gusto. Parang kanya-kanya na muna. Parang kalahati ng Destiny Rose, wala na po.”
 
Oras daw ang naging pangunahing problema nila ng dating girlfriend sa relasyon.
 
Sa huli, tinanong din namin si Ken kung siya ang tatanungin, ano ang gusto niyang maging ending ng Destiny Rose at sino ang dapat niyang makatuluyan.
 
Natawang sabi ni Ken, “Lahat sila mawawala, si Destiny lang ang matitira.
 
“Nasa ano ko ngayon e, pumipili ako. Kahit ako, nandun pa rin po ako.  Hindi ko pa nga alam kung ano ang ending. Kahit sa amin hindi pa sinasabi.
 
“Pero kung ako ang tatanungin, hindi ko alam.  Kahit sino kay Gabriel at Vince.  Pero ako, wini-wish ko na ang ending, sana magka-ayos kami ng pamilya ko, matanggap ako ng Papa ko.
 
“About sa love life, kung sino ang magmamahal sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN