Bobby Andrews treasures enduring friendship with Angelu de Leon: "It's a different kind of relationship."

Bobby Andrews on his special friendship with Angelu de Leon: "It's a different kind of relationship. Our friendship, you know, through the years, both professionally and personally. So even if we have our respective husband and wife, there's still that part of us with each other, na how we… Our relationship towards each other, it's a different kind of relationship."


Sa pagtatapos ng GMA afternoon soap na Buena Familia, inamin ni Bobby Andrews na mami-miss niya nang husto ang co-star niyang si Angelu de Leon.

Saad ng aktor, “Tagal na naming hindi nagkatrabaho, and this is the first time ulit after a long time.

“And ewan ko, parang sobrang, comfort zone ko si Angelu pag katrabaho ko, e.

“That’s why I’m really comfortable working with her.”

Dati ay isa sa pinakasikat na loveteams ang tambalang Bobby at Angelu.

Mabuti at hindi nagseselos ang misis ni Bobby na si Bienne Co?

Diin niya, “Hindi, hindi, hindi.”

Kahit konti?

“Wala, wala. Hindi, wala. Tagal na.

“Nakilala ko naman si Angelu bago kay Bienne, e.”

Bakit niya nasabing comfort zone niya si Angelu?

“I started with her.

“I learned everything I know from her so it’s like coming back home.

“It’s hard to describe the feeling, e... na pag kasama ko siya sobrang kumportable ako.

“And kumportable kami sa isa’t isa,” dagdag pa niya.

MATURE RELATIONSHIPS. Bukod sa misis ni Bobby, kahit daw ang mister ni Angelu na si Wowie Rivera ay hindi nagseselos kay Bobby.

“Tanggap na nila yun, alam na nila yun.

“Kami ni Angelu, our relationship is ano... how do you say this?

“It’s a different kind of relationship. Our friendship, you know, through the years, both professionally and personally.

“So even if we have our respective husband and wife, there’s still that part of us with each other, na how we…

“Our relationship towards each other, it’s a different kind of relationship,” pagmamalaki niya.

Magkakilala raw sina Bien at Angelu.

“And I’ve met Wowie already,” sinabi pa ni Bobby.

VALUABLE LESSON. Ano ang pinakanatutunan ni Bobby sa Buena Familia, kung saan gumaganap siya bilang si Arthur Buena?

Sabi niya, “Napakalaki ng consequences talaga ng maliit na mga pagkakasala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung the more you lie, no matter how small... the ripples, you know, the effect, it’s so much, much multiplied.

“Na at the end, parang dahil lang sa maliit na pagsisinungaling na yun, napakalaki ng gulo na naidulot. Iyon.”

Bukod sa ibinabase niya sa itinatakbo ng kuwento ng Buena Familia, tila may pinaghuhugutan si Bobby ng kanyang mga sinabi.

Base rin ba ito sa mga tunay niyang karanasan sa buhay?

Natatawa niyang pagtanggi, “Hindi, hindi naman!

“Well, in real life, like for me there were times na in the past, I’ve lied and eventually I had to live up to the truth, you know.

“Eventually, inamin ko rin, pero the thing is, you know, there’s so much pain involved when it comes to lying.

“E, usually naman nagsisinungaling lang tayo pag may kasalanan, di ba?

“So, pinakamagandang aral diyan, umiwas ka na talaga sa kasalanan.”

Naiiwasan ba yun?

Aniya, “Oo naman, oo naman. Do not allow yourself to be in that situation wherein you can be tempted. Iyon yun, e.”

Sa Buena Familia kasi ay nagkaroon ng mistress si Arthur, si Josephine Carter played by Sheryl Cruz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN