Max Collins saddened by non-inclusion in Encantadia remake final cast: "Parang may napili na yata sila."

Max Collins feels disappointed that she won't be part of GMA-7's Encantadia remake: "Ang pagkakaalam ko po, parang may napili na yata sila. Hindi po yata ako nakasama sa final casting as of now."

 


Inamin ng Kapuso star na si Max Collins na isa siya sa mga artistang nag-audition para sa fantaseryeng Encantadia.

Pero sa pagkakaalam niya, hindi raw yata siya nakasama sa final casting.

Pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ang pagkakaalam ko po, parang may napili na yata sila.

“Hindi po yata ako nakasama sa final casting as of now.”

Kung sakali, sino sana sa mga Sangre ang gusto niyang gampanan?

“Kahit sino basta kasama, and I think every artista's dream is to play Diwata, lalo na sa Encantadia. It’s such a big deal. 

“Kahit sino sa kanila, I mean, kahit nga hindi main cast, I really wanna be part of it,” asam niya.

LOOKING FOR THE SILVER LINING. Kung tutuusin, ilang teleserye na rin naman ang ginawa ni Max sa GMA Network kunsaan siya talaga ang bida. Ano ang pakiramdam kapag hindi siya natatanggap sa kabila ng pag-o-audtion niya?

Pag-amin ng aktres, “Nakakalungkot, nakaka-disappoint, but at the same time, you’ll always think that something’s better for me.

“Nalungkot din ako na nakuha dun, but I’m just hoping that there’s something better that will come along.”

Baka kasi pang-solo siya at nakaplanong maging bida muli sa teleseryeng para sa kanya?

“Okey rin ako, masaya rin ako. Actually ako naman, kahit ano basta may trabaho,” nakangiti niyang sabi.

Sina Dennis Trillo at Rafael Rosell ang ilan sa Kapuso actors na gusto raw niyang makatrabaho rin sa teleserye.

ONGOING TV PROJECTS. Sa isang banda, nasa ikatlong season na ang sitcom ng GMA-7 na Juan Tamad kung saan si Max ang leading lady ni Sef Cadayona.

Hindi nga raw nila akalaing aabutin sila ng ikatlong season kaya malaki ang pasasalamat ni Max na nakasama siya rito.

“Ang bilis na third season na.

“Sobrang thankful ako na may show ako. Tapos very light lang siya, lahat sa set magaan katrabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Direk Soxy [Topacio], mabait din.”

Puro comedy ang ginagawa niya ngayon sa Kapuso network. Bukod sa Juan Tamad, regular din siya sa Bubble Gang.

“Akalain mo, magiging komedyante ako!” natawa niyang sabi.

Wala naman daw problema kay Max kung comedy shows ang mga nagagawa niya ngayon kahit na ang pagiging dramatic actress ang alam naming gusto niya.

“Okey lang talaga kasi ako naman, as long as may work ako and it’s interesting din to try different things.

“Pero siyempre, namimiss ko pa rin mag-drama.

“Nami-miss ko pa rin mag-shoot ng teleserye but I still want to do a movie this year.”

Ang huling teleserye raw na ginawa niya noong isang tao ay ang Kailan Ba Tama Ang Mali?

MOVIE WITH ALDEN. Sa isang banda, natuloy na rin ang indie movie niya na Footprints on the Moon kunsaan ang dapat na kasama niya sana rito ay si Alden Richards.

Pero hindi na nga natuloy si Alden at pinalitan na rin daw ang karakter na dapat ay gagawin nito.

Nanghinayang din daw si Max na hindi na sila nagkasama rito ni Alden.

Ayon kay Max, “Nanghinayang ako, kasi matagal namin yun pinag-usapan.

“Mga one year, I think, pinag-usapan namin ni Alden and pareho kaming, 'Sana matuloy,' kasi makakapunta kami sa Qatar at exciting din yung movie.

“At that time, medyo busy siya, kasi meron siyang Bet ng Bayan at Ilustrado.

“So, akala namin, after the shows, we will be able to shoot the movie, but that’s when nag-start siya sa Eat Bulaga at nagtuluy-tuloy ang career niya.

“Sayang lang kasi maganda sana ang project.

“And nagbago rin ang story after na hindi siya makasama.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN