Albie Casiño unfazed by Arjo Atayde's claim on OTWOL role: "It doesn't really matter."

Albie Casiño makes a non-issue out of Arjo Atayde's claim that Albie's character in On The Wings of Love was originally offered to him: "I could have been the first choice. I could have been 150th choice. I don't care. All that matters is I was going to play Jigs. No disrespect to Arjo Atayde. He's a great actor."


Nagbigay ng reaksyon si Albie Casiño tungkol sa naging pahayag ni Arjo Atayde na sa kanya unang inalok ang role bilang si Jigs sa teleseryeng On The Wings of Love (OTWOL) na ginampanan ni Albie.

“It doesn’t really matter,” kibit-balikat ni Albie noong makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng indie film na Magtanggol, Bagong Bayani.

“I could have been the first choice. I could have been 150th choice. I don’t care.

“All that matters is I was going to play Jigs.

“No disrespect to Arjo Atayde. He’s a great actor. I watch him in Ang Probinsyano, di ba?

“I guess, it’s a blessing in disguise rin, kasi mas bagay talaga sa kanya yung character ng Ang Probinsyano, e.

“And I think, I really nailed Jigs, not being....

“Anyway, pareho naman kaming La Sallista. Higher batch sa akin si Arjo,” nakangiting banggit dn ni Albie.

KEEPING IN TOUCH WITH OTWOL CAST. May komunikasyon pa rin ba sila ng mga bida ng On The Wings of Love na sina James Reid at Nadine Lustre?

“Yung ibang castmates, nagkikita pa rin kami.

“We watched Always Be My Maybe a few days ago. Support lang kay Direk Dan [Villegas],” lahad niya.

Right after ng On The Wings of Love, next project ba niya agad ang indie film na Magtanggol, Bagong Bayani ni Direk Sigfreid Barros-Sanchez?

Patuloy niya, “Opo, pero gumawa rin ako ng isang indie habang nagsu-shoot ng OTWOL and they’re coming out around the same time.

Triptiko is the name. It’s like three small movies, short films. Parang Shake, Rattle & Roll style.

“Well, yung sa akin, yung story ko po, it’s an action-thriller.

“So iba-iba po. Yun, completely different ang character ko doon.”

THANKFUL FOR OTWOL EXPOSURE. Masasabi ba niya na malaki ang naitulong ng OTWOL sa kanya as far as her career is concerned?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagpapasalamat niya, “Of course, naging visible rin ako kahit papano. A lot of people are watching OTWOL, e.

“So a lot of, maybe producers, directors they saw [me], di ba?

“Ang laki talaga ng pasasalamat ko talaga sa OTWOL saka sa unit na rin ni Sir Deo [Endrinal] na Dreamscape.”

ROLE. Ano ang role niya sa Magtanggol, Bagong Bayani?

“Ako ang pinakabatang kapatid ng Magtanggol family at ako rin ang.parang black sheep ang role ko rito,” saad niya.

Kapatid ni Albie sa Magtanggol, Bagong Bayani ang Kapuso star na si Tom Rodriguez at Kapamilya leading man na si Ejay Falcon.

Ano ang challenge ng role niya sa movie?

Dagdag ni Albie, “Well, ako yung conflict ng family. Parang, ayoko kasing masyadong magbigay ng details, e.

“Pero ako yung black sheep.”

Nahirapan ba siya sa role niya sa movie?

“Uhm, hindi naman. Hindi naman po ako nahirapan.”

BIGGEST INDIE FILM SO FAR. Pangatllong indie movie na ni Albie ang Magtanggol produced by Felix and Bert Film Productions, and so far, ito raw ang pinakamalaki sa mga nagawa na niya.

Pagkumpirma niya, “Opo, ito yung pinakamagandang cast, story-wise.

“It’s a very different type of movie that we are used to seeing. It’s very... tama siya sa panahon kung kailan siya ilalabas, kumbaga.”

Pero hindi naman biggest role niya sa movies?

“Ah, hindi naman po siguro. Kasi ako po talaga yung lead doon sa The Animals, e.

“Pero I don’t really look at it kung gaano kalaki yung role, di ba?

“Because you need everyone to make a good movie, di ba?

“You need all type of roles, everyone needs to do their part.

“So I just try to do my best talaga in every role that’s given to me.”

Kumusta naman ang pagtatrabaho niya under Direk Sigfreid Barros Sanchez?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “He’s very open to suggestions. Uhm, I’m afraid to go up to him and ask him, ‘Direk, is it okay if I do this instead of this?’ ‘I don’t wanna do this.’ ‘I wanna do this.’

“He lets me play my character which is I really like, because, di ba, when I do a character, I give him mannerisms, and I give him things na, kasi di ba, everyone has mannerisms.

“So, I just give my character things like that.”

What about working with Tom and Ejay sa Magtanggol?

Lahad din niya, “Si Tom, it was really a nice surprise working Tom. He’s really nice pala, very approachable. Tutulungan ka niya sa eksena.

“So Ejay naman, mala-James [Reid] si Ejay, e. Quiet, pero mabait din naman.

“Approachable rin, di ba? It’s just the three of us has different personalities.”

WORKING WITH MS. D. Ang dramatic actress na si Dina Bonnevie ang gumanap na ina ni Albie sa Magtanggol.

Sa palagay ba niya, nakasabay siya sa mga eksena nila ni Dina?

“Sana,” sabay tawa ni Albie.

“Kapag lumabas, makikita po natin.

“Salbaheng anak kasi ako rito, e. Hehe.”

Hindi ba siya kinabahan noong maka-eksena niya si Dina sa movie?

Paliwanag niya, “Kasi po kapag inunahan mo ng takot, wala talagang mangyayari sa ‘yo, e.

“I mean, it’s an honor to work with Ms. Dina Bonnevie, Joonee Gamboa—all of the wonderful actors here.

“But, di ba, at the same time, I have confidence in myself.”

UNFORGETTABLE SCENES. Ano ang mga unforgettable scenes niya with Dina, Tom and Ejay, respectively?

Kuwento ni Albie, “Ah, with Ms. D, meron kasing eksena na sasampalin niya ako.

“Ayaw niya akong sampalin. Parang inaano niya ako, ‘O, practice natin, ha?’

“So ako naman, I practiced with her. Pero pagkatapos, pinuntahan ko si Direk Sigfreid, ‘Direk, sabihin mo sa kanya, sampalin niya talaga ako.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi ayoko nung aabangan ko yung sampal, e, para maganun ko, sakto, di ba?

“Ayoko naman siyang abangan baka magmukhang peke.

“So go lang. Sampalin mo lang ako. Okay lang.”

Sobrang sakit?

“Ah, oo. Medyo. Hehe.

“With Tom, parang, there was this emotional scene tapos meydo matagal yung set-up ng art department.

“Tumutulo na yung luha ko, nawawala na ako, and he was just there. He held my hand. And that was the first, I think, my first scene with him.

“So wala pa kaming pinagsamahan and, di ba, so I was very thankful for that kay Tom.

“Si Ejay naman kasi, parang yung role ko, meron lang akong malasakit para kay Ejay.

“So parang, yun nga, you see two sides.

“You see my character when I’m with my parents, ayoko sila. Pero when you see me with Ejay, it’s completely different,” detalye pa niya.

TRANSCENDING HIS OTWOL CHARACTER. May makikita bang traces ni “Jigs” sa OTWOL sa karakter niya sa Magtanggol?

Pagklaro niya, “It’s different pa rin.

“It’s very different because, I mean, of course, may similarities siya.

“Pero lahat naman may similarities, lahat naman may difference, di ba?

“Si Jigs kasi kulang siya sa pagmamahal.

“Ito [Magtanggol], yung character ko rito, binibigay sa kanya lahat ng pagmamahal, ayaw niyang tanggapin.

“So totally different. Totally different from Jigs.”

MOVING ON FROM PAST ISSUES. Sa ganda ng takbo ng career niya ngayon, masasabi ba niya na totally ay nakaahon na siya mula sa mga “traumatic” issues na inabot niya noon with ex-girlfriend Andi Eigenmann?

Pagsang-ayon niya, “Oo, kasi ngayon kapag... for example, ngayon sa interview, di ba?

“Hindi na talaga tinatanong sa akin. Minsan na lang.

“But now I don’t really care if I do the interview..

“Kasi naman before, alam ko naman kasi, trabaho ninyo po na magtanong ng mga ganoong tanong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And di ba, ako naman, ayoko siyang sagutin, di ba? Hahaha!

“Mahirap din talaga. Pero now, hindi na po talaga ako natatakot sa interview.

“I can, I’m totally comfortable.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN