Director Dominic Zapata on Regine Velasquez: "I am aware of her limitations."

Director Dominic Zapata feels elated about working again with Regine Velasquez for GMA-7's new serye Poor Señorita: "Despite the fact na five years na pala siyang hindi nakaarte sa TV, parang hindi naman halata. She's still the same bubbly and talented actress na nakilala ko when I first worked with her."



Ikinatuwa ng GMA-7 director na si Dominic Zapata na muli niyang nakakatrabaho ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid sa bagong GMA primetime teleserye na Poor Señorita.

Huling nagkatrabaho sina Direk Dom at Regine sa teleseryeng Diva noong 2010.

Una silang nagkatrabaho sa Philippine version ng hit Koreanovela na Ako Si Kim Samsoon noong 2008.

“It’s always a pleasure working with Regine kasi natural comedian siya.

“Ang maganda pa sa pagsasama namin ay we work together very well para mabuo ang character niya rito sa Poor Señorita.

“Magaling si Regine na mag-create ng character niya.

“Sasabihin lang namin yung pinaka-background at siya na ang gagawa ng mga sarili niyang mga kilos.

“Ang peg namin sa role niya as Rita Villon is parang si Meryl Streep sa The Devil Wears Prada pero medyo animated siya—yung may hirit na matatawa ka kahit na poker face siya.

“Hindi ito yung parang comic character na ginawa ni Regine before as Kim Samsoon or sa Diva.

“Mas may class siya rito pero unti-unting jumojologs dahil sa mga nangyari sa buhay niya,” kuwento pa ni Direk Dom sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng Poor Señorita sa GMA Network Center.


BACK TO DIRECTING ROMCOMS. Balik sa paggawa ng romantic-comedy series si Direk Dom pagkatapos niyang gumawa ng mga serious dramas tulad ng My Husband’s Lover, The Rich Man’s Daughter at Hiram Na Alaala.

Lahad niya, “Everyone knows naman na nagsimula ako sa mga bagets shows na may kilig like Love To Love.

“Tapos, ginawa ko ang mga telefantasyas like Captain Barbell, Sugo, Super Twins, Zaido: Pulis Pangkalawakan and Darna.

“For the past three years, puro mga serious dramas naman ang ginawa ko.

“It dealt with the social problems of the LGBT community [My Husband’s Lover, The Rich Man’s Daughter] and mental disorder [Hiram Na Alaala].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But my last show was MariMar which was a romantic drama.

“Ngayon, it’s good to be back doing a light-comedy-drama. Medyo relax naman tayo ngayon at wala munang mabibigat na tema.”


ONE-OF-A-KIND ACTRESS.” At kahit may mga limitations na si Regine ngayon, hindi pa rin daw nawawala ang pagiging game nito sa mga eksena sa Poor Señorita.

“It’s great that it’s Regine that I'm working with again.

“Regine makes our work very easy, kasi madali niyang makuha yung eksena na gusto naming ipakita.

“I am aware of her limitations. Careful kami diyan.

“Pero game pa rin siya, e. Yun ang nakakatuwa sa pakikipagtrabaho with Regine.

“Despite the fact na five years na pala siyang hindi nakaarte sa TV, parang hindi naman halata.

“She’s still the same bubbly and talented actress na nakilala ko when I first worked with her.

“You cannot doubt a true artist kasi.

“One-of-a-kind si Regine and I am so lucky to be working with her again considering na comeback niya ito sa TV acting,” pagmamalaki niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN