Glaiza de Castro, Kylie Padilla, Gabbi Garcia, and Sanya Lopez are Sang'gres in Encantadia 2016

(L-R) Glaiza de Castro, Kylie Padilla, Gabbi Garcia, and Sanya Lopez will play the lead roles on Encantadia 2016 requel.



Pinangalanan na ng GMA-7 ang apat na aktres na magbibida sa "requel" ng hit fantaserye na Encantadia na inaasahang ipalabas ngayong taon. Ipinakilala ang apat na aktres na magbibida sa fantaserye sa 24 Oras nitong Lunes ng gabi, April 4.

Si Glaiza de Castro ang muling magbibigay buhay sa karakter ni Sang'gre Pirena, ang tagapangalaga ng brilyante ng apoy na unang ginampanan ni Sunshine Dizon.

Si Kylie Padilla ang gaganap bilang si Sang'gre Amihan, ang humahawak sa brilyante ng hangin at ginampanan noon ni Iza Calzado.

Si Gabbi Garcia naman ang gaganap bilang si Sang'gre Alena, ang tapag-ingat ng brilyante ng tubig na unang ginampanan ni Karylle.

Samantala, ang newbie na si Sanya Lopez ang gaganap sa papel ni Sang'gre Danaya, ang katiwala ng brilyante ng lupa na ginampanan noon ni Diana Zubiri.

Makakasama din sa cast si Ruru Madrid na gaganap bilang si Ybarro/Ybrahim. Unang ginampanan ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang karakter na ito.

Si Rocco Nacino naman ang gaganap bilang si Aquil, ang pinuno ng sandatahan ng Lireo na ginampanan ni Alfred Vargas.

Una nang napabalita na pasok na sina Glaiza, Kylie, Gabbi, Sanya, Rocco, at Ruru nang maging viral sa social media ang kanilang litrato mula sa callback auditions ng Encantadia.

Bukod dito, ibinahagi na rin ang ibang cast members sa nasabing telefantasya. Kabilang sa cast ng Encantadia ang Heneral Luna actor na si John Arcilla na gaganap bilang si Hagorn, ang hari ng Hathoria at isa sa mga kontrabida sa Encantadia.

Si Rochelle Pangilinan naman ang gaganap bilang si Agane, ang kanang kamay ni Hagorn na unang ginampanan ni Leila Kuzma. Si Vaness del Moral naman ang papalit kay Girlie Sevilla sa pagganap sa karakter ni Gurna, ang dama ni Sang'gre Pirena.

Si Pancho Magno naman ang gaganap sa karakter ni Hitano, ang sundalo mula sa Lireo na ginampanan ni Polo Ravales. Napunta naman kay Christian Bautista ang karakter ni Apitong, ang nagpalaki kay Ybarro.

Kabilang din sa cast si Carlo Gonzales, ang pinsan ni Dingdong Dantes na gaganap din sa karakter nito na si Muros. Si Muros as ikalawa sa puwesto sa mga sundalo ng Lireo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang baguhang artista na si Kate Valdez naman ang gaganap bilang si Mira, ang anak ni Sang'gre Pirena na ginampanan noon ni Yasmien Kurdi. Ang newbie actress rin na si Mikee Quintos naman ang gaganap sa papel ni Lira, ang anak ni Sang'gre Amihan.

Bahagi rin ng proyekto ang StarStruck V winners na sina Klea Pineda at Migo Adecer sa Encantadia remake bilang bahagi ng kanilang premyo sa artista search ng Kapuso network. Si Klea ay ang magbibigay buhay sa karakter ni Muyak na ginampanan noon ni Nancy Castiglione. Si Migo naman ang gaganap bilang si Anthony, ang tao na iibig kay Lira.

Ang karakter ni Cassiopeia na ginampanan ni Cindy Kurleto sa original version ay napunta naman kay Solenn Heussaff.

Nitong February 16, unang ibinalita na ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang gaganap bilang si Ynang Reyna Mine-A, ang ina ng mga San'gre. Si Dawn Zulueta ang unang gumanap sa karakter na ito sa telefantasya na unang pinalabas noong 2005.

Samantala, muli ring magbabalik si Dingdong Dantes ayon sa aming source at na gaganap bilang si Raquim, isang prinsipe mula sa Sapiro at ang ama ni Sang'gre Amihan. Si Richard Gomez ang unang gumanap bilang si Raquim.


(To learn new details about this Kapuso telefantasya, click: 11 Revelations About Encantadia 2016 from NexCon 3)
 






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN