Arjo Atayde clueless about rumors that Bela Padilla got booted from Ang Probinsyano because of Maja Salvador

Arjo Atayde admits that he doesn't know anything about rumors insinuating that Maja Salvador had a hand in having Bela Padilla booted from the cast of Ang Probinsyano: "Ay, wala po akong alam sa isyung 'yan. Hindi po ganun si Maja and in the first place, wala naman po silang issue, so why would she do such a thing?"



Mag-iisang taon nang nagte-taping ang ABS-CBN actor na si Arjo Atayde sa primetime series nila na Ang Probinsyano at hindi maitatangging isa sa pinaka-espesyal na seryeng ginawa ito ni Arjo sa Kapamilya network.

“Super saya. Solid!” ang nakangiting pahayag ni Arjo nang kamustahin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press sa ginanap na AXE Black event sa Shooting Gallery sa Makati noong April 14 ng gabi.

Ayon pa kay Arjo, “It’s fun working with the cast at ang dami kong natutunan as well.”

Literal na halos araw-araw daw talaga silang nagte-taping at mag-iisang taon na rin silang nagte-taping kaya sabi nga namin sa kanya, parang buhay na niyang talaga ang Ang Probinsyano.

Aniya, “Buhay na and we’re running one year on July 29, yung taping days.”

Hanggang kailan pa raw ang itatagal ng primetime serye nila?

“Last time I heard, September. So, we’ll take it from there.

“Hindi pa naman sure until when, di ba? Wala pang confirmation and they didn’t gave us final details kung kailan kami matatapos.

“For now, September ang last kong narinig.”


BELA'S CHARACTER. Sinagot naman ni Arjo ang tanong sa kanya ng entertainment press tungkol sa pagkawala ni Bela Padilla sa serye kunsaan pinatay na nga ang karakter nito.

May isyu palang idinidikit na kesyo ang isa pang female cast na si Maja Salvador raw ang pinapalabas ng iba na nagpagtanggal kay Bela.

Sabi naman ni Arjo, “Ay, wala po akong alam sa isyung 'yan.

“Hindi po ganun si Maja and in the first place, wala naman po silang issue, so why would she do such a thing?”

Kumusta naman si Bela nang patayin na nga ang karakter niya?

“Hindi ko po siya nakakasama, kasi every day nga ang taping namin.

“So practically, hindi rin po kami nagkakausap. Pero before siya mawala sa show, she has eye problem din po, so hindi ko masyadong nakausap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But she’s fun to work with naman.”

Pero ganun na ba talaga nakadisenyo ang karakter ni Bela, na mamamatay talaga?

“She was supposed to die naman from the start, ever since. Hindi siya yung biglaan.

“And as far as I’m concerned, I’m working with each and every actor and very happy and very dedicated naman lahat and you can see their passion.

“It’s fun working with these people.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN