It's official: Sharon Cuneta to replace Sarah Geronimo in The Voice Kids

by Arniel C. Serato
May 2, 2016
Pormal nang inanunsiyo ng Megastar na si Sharon Cuneta na siya na ang papalit bilang coach sa The Voice Kids kay Sarah Geronimo. Excited daw siya na makasama pa ang dalawang original coaches na sina Miss Lea Salonga at Bamboo.

Kumpirmadong ang Megastar na si Sharon Cuneta ang papalit sa Popstar Princess na si Sarah Geronimo sa bagong season ng The Voice Kids.

Sa kanyang Instagram kagabi, May 2, nag-post si Sharon ng larawan ng studio at set ng The Voice.

Wala siyang caption dito kundi apat na emoticons na naghahayag ng saya, pag-apruba, at nota ng musika.

Continue reading below ↓

HIBERNATING FOR A PURPOSE. Sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News Online sa ginanap na renewal of vows nila ng asawang si former senator Francis ‘Kiko’ Pangilinan, inanunsiyo ni Sharon ang magandang balita para sa kanyang mga tagahanga.

Lumabas ang panayam kagabi din, May 2.

Ayon sa singer-actress, excited siyang makasama ang original The Voice Kids coaches na sina Lea Salonga at Bamboo.

Saad ng Megastar, “Sobrang excited ako. I will be part of The Voice Kids with, of course, Bamboo and Lea Salonga.”

Inamin naman ng 50-year-old Kapamilya star na sinadya niyang hindi talaga maging aktibo sa Facebook para sa mga proyektong kanyang pinaghahandaan.

“To all my supporters and fans, my Sharonians whom I love very much, alam kong ang tagal kong nawala sa Facebook, di ba?

“Sadya po yun. I have been hibernating.

“I've been in hiding because I have been working on myself para i-surprise kayo.

“Hindi pa ako tapos but I have lost quite a lot of weight, preparing for something really big."

Continue reading below ↓

Matatandaang ilang mga negatibong komento kay Sharon ay tungkol sa kanyang katabaan.

Pero patuloy raw ang kanyang pagpapapayat para naman masorpresa niya ang mga tagahanga niya.

Dagdag pa niya, “Hindi lang big actually a few things and sobrang excited ako, ayokong mag-FB kasi baka hindi ko matiis na hindi sabihin.

“Anyway, while the first surprise I have for you will be I will be part of The Voice Kids, with of course Bamboo and Miss Lea Salonga.

“And I can’t wait to be with them and to be with the kids and to be with you every week habang umaandar po yung show, habang it’s going on.

The Voice is such a special show to me for reasons I will explain later on siguro sa presscon.”

Tungkol naman sa iba pa niyang nabanggit na sorpresa sa mga fans, sabi ni Sharon, “It is a huge, huge surprise na hindi pa talagang puwedeng i-announce.

Continue reading below ↓

"Pero ang masasabi ko lang po, kumapit po kayo nang mahigpit na mahigpit.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pormal nang inanunsiyo ng Megastar na si Sharon Cuneta na siya na ang papalit bilang coach sa The Voice Kids kay Sarah Geronimo. Excited daw siya na makasama pa ang dalawang original coaches na sina Miss Lea Salonga at Bamboo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results