Power Duo wins Pilipinas Got Talent Season 5

Power Duo composed of Anjanette and Gervin will take home 2 million pesos after winning Pilipinas Got Talent Season 5.


Itinanghal na grand winner ng ABS-CBN talent competition na Pilipinas Got Talent Season 5 ang dance sport tandem na Power Duo na binubuo ng magkasintahang sina Anjanette at Gervin.

Ang Power Duo ang itinanghal na grand winners matapos itong makakuha ng 100% mula sa pinagsamang judges's score at public votes. Para sa edition na ito, 2 million pesos ang maiuuwi ng dalawa ngayong sila na ang tatanghaling grand winner ng kompetisyon.

Pumangalawa naman ang fire dancer mula sa Antipolo City na si Mariana Puala Madrigal o mas kilala bilang si Amazing Pyra na nakakuha naman ng 66.57%.

Pumangatlo naman ang close-up magician na si Ody Sto. Domingo na nakakuha naman ng 50.61%.

Pinangunahan ng PGT5 judges na sina Vice Ganda, Angel Locsin, Freddi Garcia, at Robin Padilla ang announcement of winners.

Naganap ang results night ng grand finals ng nasabing kompetisyon nitong Linggo, May 22, habang ang performance night naman ay naganap nitong Sabado ng gabi, May 21, sa SM Mall of Asia Arena.

Sina Anjanette and Gervin, ang acrobatic dancesport performers na kilala bilang Power Duo, ay mula sa Angono, Rizal.

Pinabilib nila ang judges at publiko sa kanilang  dance/acrobatic interpretation ng kantang "Ikaw Lamang."

Ayon kay Vice Ganda, "Sa mundong punong-puno ng hinanakit, pinaniwala niyo ako sa pag-ibig. That was not just dance. That’s love. Tonight, love wins."

Si Freddie Garcia naman ay nag-describe sa Power Duo bilang “completely amazing" samantalang si Angel Locsin ay tinuring itong “fantastic.”

Nagbigay pa ng standing ovation si Vice Ganda para sa Power Duo.

Ang iba pang grand finalists sa PGT5 ay ang Next Option, Crossover Family, Mastermind, Sto. Tomas Bulilit Generation, UA Mindanao, The Chosen Ones, Dino Splendid Acrobats, Power Impact Dancers at si Kurt Philip Espiritu.

Power Duo #PGT5GrandWinner

A photo posted by Pilipinas Got Talent (@officialpgt5) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN