Why did Kim Chiu and Xian Lim's teleserye The Story Of Us change directors?

Isang linggo na daw na si Direk Cathy Garcia-Molina na ang namamahala bilang director ng The Story Of Us. Management decision lang daw ang alam ni Xian Lim kung bakit nawala sa show ang dati nitong director na si Richard Somes.



May ilang usap-usapan na ika-cut short na daw ang primetime series na The Story Of Us nina Xian Lim at Kim Chiu sa ABS-CBN.

Pero, tinatawanan lang ito ni Xian nang matanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Sabi niya, “San lumabas ‘yan? Grabe. Hindi naman po. Hindi naman po.

“I think yung transition lang po sa Book 2, yun nga po si Direk Cathy [Garcia-Molina] na ang in-charge diyan so baka may mga makikitang changes yung mga viewers.

"And I’m really hoping na ma-embrace nila yung mga changes na mangyayari.

“Sa totoong buhay naman talaga nagbabago po tayo pero nagbabago pero yung core po natin andun pa rin.”

Bakit kaya nag-take over si Direk Cathy mula kay Direk Richard Somes na unang naging director nito?

Tugon niya, “A, management decision na rin po yun. 'Di ko po masagot.”

Pero, bahagi pa ba si Direk Richard sa show?

Aniya, “Nag-take cover na si Direk Cathy for Book 2 [so, siya na lang]. Yes. We, have Direk Cathy.”

Nakausap ng PEP sat ilang media si Xian sa presscon ng kanyang ini-endorsong TechnoMarine watches kaninang hapon ng Martes, May 24.


FIRST TIME WITH DIREK CATHY. Isang linggo na daw na si Direk Cathy ang namamahala ng Kapamilya show.

Ito rin daw ang kauna-unahang pagkakataon na nai-direk ni Direk Cathy ang kanilang tambalan ni Kim.

Ano kaya ang naramdaman niya? Saad niya, “Noong una, medyo kinakabahan ako. Usually ganun po ako sa mga unang directors na nakatrabaho ko.”

Ano yung mga kakaibang istilo ni Direk Cathy na nakita niya noong nagkatrabaho na sila?

Sabi niya, “Hinihimay… nakita ko talaga kay Direk Cathy iba talaga yung approach niya.

"Hihimayin niya yung pagkatao mo, not in a personal way, hindi ka niya titirahin on a personal way, but more of a, ‘I will get this out of you. I don’t care kung anong mangyari now, but I need this for my scene’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, seeing and going through with different directors na ganun, it’s a priceless kasi hindi ‘yan matuturo ng libro.

“Hindi ‘yan makukuha sa mga workshops. Just being with those directors na talagang nag-direk na for so many years [nakakatuwa].”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN