Enchong Dee hopes to inspire students to pursue agribusiness via new show AgriCOOLture

Enchong Dee says it's possible for him to pursue agribusiness in the future since their family already has a background in poultry business: "Ganun yung naging childhood ko and hindi malayo na bumalik kami sa ganung negosyo in the future kasi may background na kami kung paano magpatakbo ng poultry, may babuyan din kami."



Sunud-sunod na ang pasok ng proyekto sa ABS-CBN actor na si Enchong Dee.

Matapos ang pelikula nitong I Love You To Death kasama si Kiray Celis at ang album nitong EDM (Enchong Dee Moves), isang educational TV show naman ang iho-host nito sa Knowledge Channel.

Ito ay ang "Agri-preneurship"-themed TV show na AgriCOOLture na ipapalabas sa darating na July 19.

Isa ito sa dalawang bagong programang hatid ng Knowledge Channel para sa kanilang ika-17th taon. Base ang palabas na ito sa curriculum ng Department of Education (DepEd) para sa subject na Technology and Livelihood Education ng mga Grade 9 students.

Sa press conference ng programang ito na ginanap noong June 8 sa ABS-CBN headquarters, ibinahagi ni Enchong ang mga bagay na maaring matutunan ng mga manonood ng kanilang programa.

Saad ng Kapamilya actor, "Ito naman pong AgriCOOLture is ini-encourage namin yung mga bata na hindi lang call centers yung mga pupuntahan, hindi lang sa mga offices, sa mga big buildings, hindi lang sa mga companya na nakikita lang sa malalaking buildings ang puwedeng maging dahilan kung paano kayo magkakaroon ng magandang buhay.

"Actually, yung agriculture, what we learn from poultry, from aquaculture, and farming, lahat yun maganda ang puwedeng maidulot na oportunidad sa inyo."

Mag-iiba rin daw ang tingin ng kabataan sa poultry, farming, at aquaculture lalo na't pag natutunan ng kanilang manonood kung gaano kadali ang magtayo ng kanilang sariling "Agri-businesses."

Panayam kay Enchong, "And sabi ko nga one time, nagulat ako sa taping ko one time. Castales Farm, to be in particular, he earns P5 million a month.

"Ini-encourage namin yung mga bata na maraming oportunidad na puwedeng maidulot sa inyo yung agriculture and besides the income, you can have fun while doing the process. Yung sa pagtatanim, hindi siya mahirap, e.

Dagdag pa nito, "Pinakita din namin sa show na yun na kahit nasa urban places ka, puwedeng puwede kang magtanim. You can have your farm in your own balcony, in your veranda, and ma-e-enjoy niyo yung proseso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The next thing you know, you fave food in your plates. It's organic, it's fresh, alam mo na sa inyo nanggaling, kayo mismo nag-alaga. At the same time, kumikita ka na, nagiging healthy ka pa."

Kung mabibigyan ng pagkakataon, nais rin pasukin ni Enchong ang ganitong uri ng business lalo na't ito rin ang kinagisnan niyang negosyo ng kanilang pamilya.

Pahayag ng 27-year-old Kapamilya star, "Lumaki po ako sa Naga na ang negosyo ng nanay ko is mag-poultry po talaga.

"So lumaki ako na yung mga manok, kinakatay sa bahay namin… Ganun yung naging childhood ko and hindi malayo na bumalik kami sa ganung negosyo in the future kasi may background na kami kung paano magpatakbo ng poultry, may babuyan din kami."

Dahil na rin dito, naging madali para kay Enchong ang mag-host para sa AgriCOOLture.

Saad ng Kapamilya actor, "And siguro, that's also the reason why kung bakit naging madali sa akin yung pagiging parte ng AgriCOOLture kasi katulad ng sabi ni Ms. Rina [Lopez-Bautista] na it's very authentic for us. Masuwerte na lang ako siguro na ito yung show na napunta sa akin.

"And again, ako mismo, mahilig ako sa negosyo and mas naging interesting sa akin while I was doing the show because ayun na, may kasama nang pera. Pera na yung pinag-uusapan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN