Max Collins rides dragon in Encantadia 2016 trailer; gives hint about her character




Ang GMA-7 star na si Max Collins ay isa sa mga bagong characters na mapapanood sa Encantadia 2016 na mapapanood na simulang July 18.

Guest role lang daw siya rito, pero natuwa naman daw siya sa ginampanang karakter.

Mapapanood na raw siya sa pilot, pero, kahit anong pilit namin, hindi niya sinabi kung ano ang role at ano ang kaugnayan niya sa mga Sang’gres.

“Secret, hindi ko talaga puwedeng sabihin,” natawang sabi ni Max nang makausap namin first pop-up sale ng Stella Bag sa Bonifacio Global City noong June 30.

Pero sa kapipilit, nagbigay rin siya ng hint na isa nga siya sa mga Sang’gre.

Sa katunayan, nakita na si Max sa full trailer ng Encantadia na pinalabas ngayong gabi, July 5, pagkatapos ng 24 Oras.

Pinakita ang kanyang character na nakasakay sa isang lumilipad na dragon.

Sabi pa niya, “Guest lang, but it’s a good role for me. Maganda rin yung character ko and kahit saglit lang yung guesting ko, I’m so happy na maging part ako ng Enca.

“Kasi, dream ko talaga yun, gusto ko talagang makasama.”

Aminado naman si Max na isa siya sa mga nag-audition na makasama sa Encantadia, pero hindi nga siya pinalad.

“Happy pa rin ako kasi natupad din naman yung pangarap ko na makasama sa Enca.”

Ginawa siyang guest pero, hindi talaga siya nakasama sa regular cast nang mag-audition siya.

Nagtanong ba siya kung bakit hindi siya nakapasa?

“Hindi ko po alam, hindi ko po alam kung bakit hindi ako nakuha. Pero okay lang dahil at least, naging part pa rin ako ng Enca. Pero sad pa rin ako na hindi ako nakasama sa original cast.”

Noong kinuha siyang guest, natuwa siya?

“Nagulat ako, pero mas nagulat ako nang malaman ko kung ano ang magiging character ko. Exciting siya,” masayang sabi niya.

Pero positibo naman daw kasi siyang mag-isip at naniniwala siyang may dahilan kung bakit hindi siya natanggap sa telefantasya ng GMA-7.









NEW TELESERYE. Masasabing mabilis ang sagot sa kanya dahil kagabi lang, nagkaroon na ng story conference para sa bagong primetime series ng GMA-7, ang Someone To Watch Over Me kunsaan makakasama niya sa unang pagkakataon sina Lovi Poe at Tom Rodriguez.

Ayon kay Max, maganda ang kuwento ng pagsasamahan nilang primetime series.

“Maganda yung kuwento, tungkol siya sa Alzheimer’s disease at marami ang hindi aware na may condition kasi na early Alzheimer's. Hereditary siya.”

Unang beses din daw niyang makakatrabaho sina Lovi at Tom.

Aniya, “It’s my first time to work with them and I think, magiging maganda ang dynamics naming tatlo because we’re very different to each other and I think, we’ll have a lot to bring to the table.”

Mahigit isang taon din palang nabakante si Max sa paggawa ng teleserye.

Ang huli niyang soap opera ay ang Kailan Ba Tama Ang Mali (na umere noong 2015).

Sabi naman niya, “Matagal pero okay naman, hindi naman ako nawalan ng guesting. Nag-Juan Tamad din ako at Bubble Gang and hindi naman ako nagtanong, kasi, alam ko naman na minsan, kailangang maghintay for a good show.

“And this is a good show and it’s primetime also.”

Masaya rin daw siya na parang reunion serye nilang muli ni Direk Maryo J. delos Reyes na siyang director.

Napangiti si Max nang kamustahin naman namin siya sa kanyang personal na buhay.

“Ganun pa rin,” nakangiti niyang sabi.

Kumusta sila ni Pancho Magno?

“Ganun pa rin, we’re happy naman.”

Sila pa rin ang constant na magka-date?

“Kapag may time,” ang natawang sabi na lang niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN