ASAP stars recall bloopers and mishaps on variety show



Sa loob ng 20 years, tuwing Linggo ay nagbabahagi ng kanilang talento ang ABS-CBN stars para sa Kapamilya Sunday variety show na ASAP.

Bilang bahagi ng innovation sa show, nagkaroon ng launch para sa pinakabagong segment nito na ang tawag ay “ASAPinoy.” Ito ay dedicated sa mga hindi malilimutang mga awitin ng mga kilalang mang-aawit at manunulat na naging kontribusyon nilasa OPM.

Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay nagiging smooth-sailing ang mga production numbers ng ASAP na umeere ng live sa Kapamilya Network.

Sa press conference ng longest–running weekend variety show, natanong ng PEP.ph sa ilang mainstay singers ang hindi nila malilimutang bloopers at mishaps onstage ng ASAP at paano nila ito hinarap.



Yeng Constantino: “I remember nung kakalabas lang po namin sa Pinoy Dream Academy, ang daming schedules, may pictorials tapos out of town shows, so may time na dalawa o tatlong oras lang ang tulog ko, kaya nung nag ASAP kami, parang Summer Special yata yun, kahit paulit-ulit kong pakinggan yung kanta, ‘di talaga nagsi-sink-in sa utak ko, kaya nung performance na gumawa na lang ako ng sarili kong tono at pinagpatuloy ang pagkanta para ‘di mahalata ng mga tao.”



Photo by Mark Atienza.



Erik Santos: “Yung sa akin naman po, nawala yung prompter ko habang kumakanta, ang ka-prod ko nun sila Ms. Lani Misalucha kaya nagulo kami, ang ginawa nalang namin, nag adlib kami, ang sabi ko sa isipan ko, patay kami nito, pero pagkatapos nang prod nagulat na lang kami, kasi may mga nag-congratulate sa amin, sabi nila, 'Ang ganda ng ginawa niyo sa kanta ngayon ah, bago yun.' Kaya nagtawanan nalang kami. So, sa mga ganun mga pagkakataon, kailangan mo lang talagang maging professional sa trabaho mo.”




Photo by Mark Atienza.



Angeline Quinto: “Yung hindi ko po talaga makakalimutan na ASAP na production number ko ay yung sa ‘Pinoy Champs’ na nadapa ako, pagkatapos ng prod nay un, ang daming nagtanong sa akin kung bakit daw ako nadapa? Ang problema ko talaga nun ay yung damit na hindi ko pa na pi-fit, binigay lang sa akin nung Sunday na, nang umaga, tapos ginamit ko kaagad, eh hindi ko talaga alam ang gagawin ko nung nadapa ako, buti hindi ako napamura sa mic nung nadapa ako. Halos lahat ng mga tao that time ay nagulat, tapos nagsigawan yung mga matatanda sa harap. Siguro nakatulong din sa akin yung pagsali ko sa mga amateur contest na kumakanta pa rin kahit namatay na yung minus one ko, so, wala ka talagang magagawa kundi tapusin ang kanta kahit walang music, at alam naman po natin, na naging motto na nang lahat ng performers ang “The show must go on,” kahit na ang mangyari.”




Photo by Mark Atienza.



Gary Valenciano: “There was one time na hinding-hindi ko malilimutan, we have a performance right after Holy Week. So, nag-beach kami during Holy Week, nag bike ako that time and I was accidentally crashed, and I had a very huge bump in my left thigh, at hindi talaga ako makalakad ng maayos, so, when I came to ASAP, paika-ika talaga ako, and that particular performance, lahat ng mga artists isa-isang mag-lalakad papunta sa harap, and the ASAP heartthrobs saw my situation, para hindi mahalata ng mga audience na iika-ika ako ay sinabayan ako ng Heartthrobs na lumabas na parang paika-ika rin sila and by that moment, it shows how kapamilya cares for each other and I thank them endlessly, by doing that for me.”




Photo by Mark Atienza.


Jed Madela: “Ang mahirap lang kasi sa live, pag andyan ka na, wala na talagang atrasan, kaya ang hindi ko makakalimutan sa isa sa mga unang appearance ko sa ASAP ay yung tribute namin sa isang artist at ang kanta ko noon ay 'Gaano Kadalas ang Minsan,' sobrang sikat ng kantang yun pero hindi ko talaga alam ang lyrics, so, nung nag rehearsal kami okay lang kasi may prompter, pero nung nag-live na, naiba ang blocking ko at dun ako pinadaan sa may parang tunnel, e, hindi ko makita yung prompter, kaya ang na perfect ko lang ay yung first line ng kanta, and the rest is humming lang at wala talagang lyrics, buti na lang ‘di pa uso ang youtube nun kaya ‘di niyo mahahanap yun kahit saan. Hahaha!”



Photo by Mark Atienza.



Juris: “Sa akin naman, yung time na nag suot ako ng high heels, parang pumasok ata sa butas ng sahig yung takong ko, kaya nung hinila ko, hindi na lang ako nagpahalata kasi natakot ako, baka kasi matumba ako sa stage.”



Photo by Mark Atienza.



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN