JC Tiuseco admits his past similarity with cheating character in Sinungaling Mong Puso: "Parang nag-overlap."

JC Tiuseco is happy with career turnout under new management. He says about his manager of two years, Popoy Caritativo: "More than two years na rin ako actually kay Popoy, so kung sa adjustment, naka-adjust na rin siyempre. Kasi mabait naman si Popoy. Madaling kausap. Pag may kailangan, madaling lapitan."

 



Umamin si JC Tiuseco na minsan ay naging sinungaling ang puso niya.

May panahon daw dati na dalawang babae ang sabay niyang minahal.

Pag-amin niya, “Of course, siyempre meron din yun. Siyempre napagdanan ko na yun.

“Nangyari na rin.”

Paano niya ito nalusutan?

“Ang ginawa ko naman siyempre nakipaghiwalay muna ako dun sa isa,” tugon niya.

Wala pa raw siya sa showbiz noon.

Ikina-guilty raw ni JC ang ginawa niyang yun.

Hindi naman raw niya pinagsabay ang dalawang babae.

“Pero parang nag-overlap lang,” paliwanag niya.

Pareho daw hindi taga-showbiz ang dalawang girls.

Dagdag niya, “Siyempre ano, pagka napagdaanan mo na yun, maiisip mo na rin na mali.

“Kumbaga, alam mo na may nasaktan din, so parang pag nakita mo kasi na nasaktan yung babae, parang kahit hindi mo na siya ganun kamahal, alam mong may mali ka, e.

“Kaya parang siyempre, pag natutulog ka sa gabi naiisip mo na masama yung nagawa mo, ganun.”

Hindi na raw niya inulit yung minsanang pagkakamali niyang iyon.


HAPPY WITH LOVE LIFE. Kung babaligtarin, naranasan na ba ni JC na dalawa silang lalaki sa buhay ng isang babae?

“Wala pa naman po akong alam,” at tumawa si JC.

“Hindi pa naman nangyari sa akin. Huwag naman sana!”

Sa ngayon ay masaya ang lovelife ni JC sa piling ng female attorney na noon pa niya karelasyon.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si JC sa presscon ng Sinungaling Mong Puso noong July 8 sa Le Reve Events Venues sa Quezon City.

Bida sa Sinungaling Mong Puso sina Rhian Ramos (bilang Clara), Rafael Rosell (bilang Roman), Jazz Ocampo (bilang Hannah) at si Kiko Estrada bilang si Jason.

Nasa cast rin Michael de Mesa as Mayor Moises Aguirre, Glydel Mercado as Raquel, Sherilyn Reyes as Liza, Stephanie Sol as Camilla, Gee Canlas as Jillian, Gab de Leon as Vin, at Cheska Diaz as Helen,

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipapalabas sa July 18 sa GMA Afternoon Prime, ang Sinungaling Mong Puso ay sa direksyon ni Ricky Davao.

NEW CHARACTER. Bilang si Jolo sa show ay kontrabida si JC.

Mas gusto raw ni JC kapag salbahe ang papel niya sa harap ng kamera.

“Mas naaarte ko actually, pero yung pagkasalbahe ko kasi dito mas iba siya dun sa pagkasalbahe ko nung Destiny Rose.

“Kasi dun sa Destiny Rose sobra, e. Sobra.

“Dito parang medyo bagong recruit lang ako ni Rafael, apprentice nila ako.”

Bagong karakter si Jolo. Wala siya sa movie version nito noong 1992 na pinagbidahan nina Vilma Santos (Rhian), Gabby Concepcion (Rafael), Aiko Melendez (Jazz) at Aga Muhlach (Kiko).

“Dinagdag na lang,” aniya.

MANAGER. Well-adjusted na si JC sa manager niya na si Popoy Caritativo.

Dati ay si Jonas Gaffud ng Mercator Artist & Model Management ang nangangalaga sa career ni JC.

Sabi niya, “More than two years na rin ako actually kay Popoy, so kung sa adjustment, naka-adjust na rin siyempre.

“Kasi mabait naman si Popoy. Madaling kausap. Pag may kailangan, madaling lapitan.

“Tsaka maalaga rin naman po.”

Kahit wala na siya kay Jonas ay nananatili silang magkaibigan.

Isa nga si JC sa ipinagmamalaki ni Jonas na dating alaga niya na maayos nagpaalam sa kanya dati at hindi na lang basta-basta umalis para lumipat sa ibang manager.

“Opo. Nagpaalam naman po ako.

“Nag-usap naman po kami nang maayos, tsaka hanggang ngayon naman po, nakakausap ko pa rin siya.

“Okay naman po kami,” pahabol niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN