Coco Martin hopes to remake Cesar Montano-starrer Utol; will co-star again with Vice Ganda

IMAGE Noel Orsal

Coco Martin says there's a possibility that the Ang Probinsyano guesting of Vice Ganda will tackle gays in the police force.



Kinumpirma ni Coco Martin sa thanksgiving presscon ng Ang Probinsyano kagabi, July 13, sa 9501 restaurant na ang kaibigang si Vice Ganda ang susunod na special guest nila sa pinagbibidahang teleserye.

Biro nga ng aktor, magtatampo siya kay Vice pag di natuloy ang guesting nito sa Ang Probinsyano.

“Oo, sabi ko nga pag di siya nag-guest sa amin, magkakatampuhan kami. Kadalasan naman two-three weeks ang bawat guest namin. Ganun din naman, kung ano ang ginagawa.

“Ganun naman talaga ang magkakaibigan, nagtutulungan. Sabi nga namin, sa hirap at sa ginhawa, mayroon o wala, nandiyan kami para sa isa’t-isa.”

Bilang isa “gay,” asahan na mata-tackle daw sa nasabing guesting ni Vice ang homosexuality o kabaklaan sa pulisya. Ayon kay Coco ay pag-uusapan pa lang nila ang magiging karakter dito ni Vice pero sigurado siya na may mga suggestions na ibibigay ang kaibigan.

“Actually isa na yun sa naka-lineup sa amin. Wala namang masama dun, sabi ko nga, maganda na napag-uusapan din ang ganyang mga bagay.

“Actually mamaya pa after nito ang meeting namin. Ipe-present ko sa kanya yung magiging role niya, siguradong magsa-suggest at magsa-suggest yun.”

Sa ngayon ay si Cesar Montano ang special guest sa Ang Probinsyano kung saan isang hired killer ang role dito ng aktor. Panay papuri naman si Coco kay Cesar kung saan aminado ang aktor na mataas ang respeto na binibigay niya dito.

“Napakagaling, di lang sa action kungdi pati sa drama, sa lahat. Napaka-relax niyang artista, sabi ko nga, seasoned actor ‘yan, napakarami kong matututunan saka sobrang bait niya. Yung respeto talaga, nung nakita ko siya, di ko napigilan niyakap ko siya.”

“Siyempre si Kuya Buboy, Cesar Montano yan, di ko puwedeng biguin ang mga tagahanga niya. Kumabaga gagawin namin ang pinaka best, yung pinakamagandang fight scene o ano man. Siyempre ine-expect ng mga tao yun. Sabi ko nga ang galing niya talaga, di ko maipaliwanag. Pag tinintingnan ko nga siya, sana balang arew, sana kahit kalahati lang ng naabot niya, maabot ko.”



UTOL REMAKE? Hiningan din ng reaksyon si Coco kung gaano katotoo ang balita na may balak daw silang gawin ang remake ng 1996 movie na Utol na unang pinagbidahan nina Cesar Montano at Victor Neri.

“Kami ni Kuya Buboy, pag naga-advice siya sa akin, [Sinasabi ko sa kanya], 'Sana Kuya Buboy, sana balang araw di lang ito ang mapagsamahan natin, sana makagawa rin tayo ng pelikula. Gustong-gusto ko yung pelikula ninyo dati ni Victor Neri, yung Utol.'

“Sabi niya, 'E, di gawin natin, marami ang ganung kuwento na ano. I-remake natin.'”

Tinanong namin si Coco kung sino pa sa mga artista ngayon ang gusto niyang maging guest sa Ang Probinsyano.

“Si Robin [Padilla], si Phillip Salvador. Marami. Sabi ko nga sobrang blessed ko na makatrabaho ko na ang mga hinahangaan kong artista. Sa sobra-sobrang natutunan ko sa kanila, yung shine-share din nila sa project namin, sobrang blessing na yun para sa amin.”

Naging blockbuster ang pelikulang Beauty and The Bestie kung saan ito ang nagluklok kina Vice Ganda at Coco para tanghaling Phenomenal Box Office Stars sa 2016 Guillermo Mendoza Memorial Box Office Award’s Night. Ka-tie nila noon sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo para sa pelikulang A Second Chance.

Balita na isang pelikula daw na pagsasamahan muli nila Vice at Coco ang isa sa magiging entries ng Star Cinema sa 2016 Metro Manila Film Fest.

“Pinagmi-meetingan pa ng Star Cinema. Ang problema nung last time di ako nakaupo dun sa meeting. Mamaya after nito, uupuan ako ng creatives.

“After ng success ng Beauty and the Bestie, sabi ko nga sino pa ba magtutulungan kungdi kaming dalawa.”

Sa isang taong tinatakbo ng Ang Probinsyano ay consistent ang high ratings nito bilang nangungunang show ng Kapamilya network. Para kay Coco ang magandang aral na mapupulot sa Ang Probinsyano ang isa sa rason kung bakit patuloy itong tinatangkilik ng tao.

“Siguro sabi ko nga unang-una siguro nakaka-relate ang lahat ng mga manonood, Filipinong-Filipino ang kuwento natin saka yung maraming good moral values ang natututunan. Sabi ko nga siguro sa isang pamilyang Filipino, makikita at makikita mo ang sarili mo dito yung pamilya niyo.

“Mahirap kasing magsalita. Nagsimula kami nung September, siguro ang mapapangako namin, aabot kami ng isang taon.”



ON JULIA MONTES. Sa ganda ng tinatakbo ng career at sa lahat ng naipon na ni Coco ay masasabing stable na sa buhay ang aktor. Sa kabila ng pagkaka-link kay Julia Montes ay masasabing wala pa ring inaamin talaga ang aktor na espesyal na babae sa buhay niya.

“Sabi ko nga ang buhay ng tao ay di perpekto. Di naman lahat maa-accommodate mo at lahat mapapasaiyo. Sabi ko nga yung personal life ko siguro after nito, yun naman ang mapagbibigyan ko ng oras.”

Para kay Coco ang babaeng mamahalin niya at mamahalin siya ay isang babae na dapat ay marunong maghintay at umunawa.

“Dapat kasi ganun din naman ako kung saka-sakali. Kung talagang totoo yung pagmamahalan, nandiyan para mag-adjust sa isa’t-isa at magkaintindihan.”

“Basta ang taong ito, willing akong mahalin pati buong pamilya ko, kahit ano pa dun.”

Nang kumustahin naman namin kung ano ba ang estado ng relasyon nila sa ngayon ni Julia, secret ang naging sagot sa amin ni Coco nang tanungin namin dito kung nililigawan ba niya ang aktres.

“Mabait naman si Julia, magaling siya sa Doble Kara. Ngayon busy siya sa Doble Kara. Minsan nagte-text kami.

“Palagay ko kahit dumalaw ako wala rin siya sa bahay niya kasi everyday din siyang nagtatrabaho.”

“Ligaw? Sabi ko nga secret, e. Iba-iba naman ang katangian ng bawat babae, si Julia kasi siguro bata siya kaysa sa akin. Siguro nung nagkatrabaho kami hanggang ngayon, mapagbigay, nakikinig. Hindi naman dahil mas matanda ako sa kanya, dinidiktahan ko siya, kumbaga ito kasing taong ito alam ninyo siguro mataas ang respeto sa akin. Maayos lang na nagkakaintindihan kami.”




ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN