Javi Benitez talks about hosting Game Changer

IMAGE Rose Garcia



Muling pinasok ng panganay na anak ni Congressman Albee Benitez ng 3rd District ng Negros Occidental, ang kilalang go-kart racer na si Javi Benitez ang TV hosting.

Sa ika-apat na season ngayon ng Game Changer na mapapanood sa ANC (ABS-CBN News Channel) na may mga bagong line-up ng mga innovative ideas, enterprising inventions at kuwento, magkakasama na ang mag-ama sa paghu-host ng Game Changer.

Naranasan na rin mag-host ni Javi noong bata sa Studio 23 sa programang Sports Kid. Bata pa lang, talagang mahilig na siya sa sports at ngayon, running at biking naman daw ang nakakahiligan niya.

Kuwento ni Javi sa dati niyang show, “Four kaming hosts ng show. Champion ng respective fields. I’m into racing, yung iba basketball, skating at tennis. We interviewed people. I was about ten or eleven.

“It’s been a while, but I think, it’s easier now because I’ve done that before and I’m more confident na.

Twenty-one na si Javi ngayon.

Isang taon na lang at graduate na si Javi ng dalawang kurso sa Santa Clara University, California. Minor course niya ang Computer Science at major naman niya ang Political Science.

Kung pagbabasehan ang kurso niya, hindi malayong sundan niya ang yapak ng ama at pasukin din ang pulitika.

“We’ll see about it, puwede namang NGOs or mag-work sa government,” saad niya.

May interes ba siya sa pulitika?

“I think, being exposed in a very...

“We’ll see about it, puwede namang NGOs or mag-work sa government,” saad niya.

“I think, being exposed in a very young age, it’s a natural progression to for someone to get into it. But to get a position, I think, there’s a lot of things. The people should want me. Second, I should be ready and third, my family should approve of it, especially my Dad.

“I’m bringing not only my name but my Dad’s name and family.”

Pero parang unti-unti nagu-groom na rin siya sa pulitika?

“Hindi naman, I think, I still have to know the language, the dialect, I mean, Ilonggo,” at saka nga ito nagsalita ng ilang Ilonggong salita.

Dahil kasama na siya ng ama na host ng Game Changer, posible rin kayang pasukin na rin niya ang pag-aartista?

“Puwedeng pag-isipan, wala pa namang offer,” saad niya.

Gusto ba niya?

“I wouldn’t mind it, puwede.”

Nagkaroon na rin daw siya ng background sa school. Bida raw siya sa Ang Aking Pangarap na Taglish ang naging salita at mga kasama raw niya ay Filipino-American.

Very open naman si Javi sa kanyang showbiz crush.

Ito ay walang-iba kundi ang Kapamilya star na si Liza Soberano. Alam din ni Javi na sa Santa Clara, kunsaan siya nag-aaral daw ipinanganak si Liza.

Kuwento niya, “Liza was born in Santa Clara where I study. I don’t know her before, I’m just drawn to her beauty. Nasa Instagram yun, nakikita ko.”

Pina-follow ba nila ang isa’t-isa?

“She doesn’t follow me,” natawang sagot ni Javi.

“I just follow her,” dugtong pa niya.

“I see her a lot in social media. Instagram, Twitter and her commercials.”

Hindi pa naman daw sila magkakilala ng personal. Pero kung mabibigyan ng pagkakataon, gusto raw niyang makilala ito at kung sakali, ligawan?

“Of course, why not, I think, I want to get to know someone first. But ligawan, may level ng relationship na. Friendship, of course.”

Pero ang totoo, ang nali-link sa kanya ngayon ay ang Kapuso star na si Jazz Ocampo. Kaya ang tanong, sa paghanga na meron siya kay Liza, hindi kaya magselos si Jazz?

“Si Jazz, hindi pa kami official, getting-to-know pa. So, we’ll see. I think, everything’s fair in matters of the heart.”

Nagulat naman si Javi nang hingan ito ng reaksiyon at kung handa ba na mabash ng mga fans ng loveteam nina Liza at Enrique Gil dahil sa pagiging tapat niya na nagagandahan at gusto niyang makilala ang dalaga.

“Bakit maba-bash?” balik-tanong niya.

“Well I think, getting-to-know as friend, I don’t think that’s something you should be bash about. If it happens, then, I think, I can’t do anything about that.”

Wala pa raw silang isang buwan na magkakilala ni Jazz kaya hindi pa raw siya nanliligaw.

May larawan na sila sa social media.

“Yes, nag-post ako sa social media ko, biglang ang dami na agad. May article na agad. Natutuwa naman kami kasi, parang may mga nagsu-support naman, kinikilig.”

Inamin naman ni Javi na nagdi-date sila ng Kapuso star. Masasabing papunta na sila sa pagkakaroon ng relasyon?

“Well I think, you can be dating someone and not in a relationship. I think, nowadays, iba na ang pag-court sa isang tao. Get to know someone muna.”

Sa huli, tinanong namin si Javi kung ano ang magiging kontribusyon niya sa pang-apat na season na ng Game Changer na mapapanood tuwing Sabado, 9:30 p.m. at may replay ng 9:30 a.m. ng Linggo sa ANC.

Ayon kay Javi, “I think, my Dad, of course, he’s doing good. Pero old school na siya. Kailangan natin ng mga millenials, ‘di ba?

“People of my age, for me also, I look up into interesting stories, so, na-inspire ako. I hope also that my age, millennials could watch. They’re the future of the country.

“Usually, sa mga shows ngayon, some are negative. We want to bring the positivity. Maraming magagaling talaga, especially sa mga stories na nakikita ko, ang daming magagaling talaga.”



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN