Tom Rodriguez on Lovi Poe: "It's always a pleasure to be doing a scene with her."

Tom Rodriguez on reuniting with Lovi Poe for GMA-7's new teleserye, Someone To Watch Over Me: "She's such a giving person, such a giving actress, and it's always a pleasure to be doing a scene with her. And I believe, even at this early stage, having the chance to work with her, I already learned so much. Ang dali niyang katrabaho because she's so good na madadala ka."



Unang nakasama ng GMA-7 leading man na si Tom Rodriguez si Lovi Poe sa remake ng 1980 film na Temptation Island noong 2011.

Tampok din sa naturang remake sina Marian Rivera, Heart Evangelista, Solenn Heussaff, Rufa Mae Quinto, Aljur Abrenica, Mikael Daez, at John Lapus.

Ngayon ay muling makakasama ni Tom si Lovi sa bagong teleserye ng GMA-7 na may titulong Someone To Watch Over Me.

Ito ang papalit sa malapit nang magwakas na Juan Happy Love Story.

Kamakailan lang ay nagkaroon ng photo shoot sina Tom at Lovi sa Vigan, Ilocos Norte para sa naturang teleserye na ididirek ni Maryo J. delos Reyes.

Biglang nag-reminisce sina Tom at Lovi sa naging shooting nila noon ng Temptation Island na kinunan naman sa bayan ng Paoay, Ilocos Norte.

IMPRESSED WITH LOVI. Dahil sa first time nilang magkasama sa isang teleserye, puring-puri ni Tom kung paano magtrabaho at makisama si Lovi sa set ng kanilang teleserye.

Hindi pa rin daw ito nagbabago dahil mabait at napaka-professional pa rin daw nito.

“It’s such a pleasure to work with Lovi Poe.

“She’s such a giving person, such a giving actress, and it’s always a pleasure to be doing a scene with her.

“And I believe, even at this early stage, having the chance to work with her, I already learned so much.

“Ang dali niyang katrabaho because she’s so good na madadala ka.

“She’s awesome,” pahayag pa ni Tom sa isang TV interview with GMANetwork.com.

Gaganap ang aktor bilang isang lalaki na may Alzheimer’s disease.

EDUCATING VIEWERS ABOUT ALZHEIMER'S. Thankful si Tom na pinagkatiwala sa kanya ang napaka-sensitive na role na ito.

“I'm very happy and glad that GMA is tackling such a sensitive and brave material such as this.

“That not only does it serve to entertain, na mapasaya natin ang mga manonood, at ang tigin namin yung mga puso nila, na hopefully ay isa ring drama na maka-relate sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero bukod doon, gugustuhin ko rin na maging aware sila at malaman nila na may ganitong sakit na nangyayari.

“Dahil hindi lang pala sakit pangmatanda ang Alzheimer's.

“Kaya dapat, mas lalo pa ang mga kabataan ngayon, na maging involved sila at aware dahil hindi lang ito nangyayari sa mga lolo at lola nila.

“Malamang pati sa kanila na rin mismo mangyari.

“It's definitely a timely thing, napapanahon na mapag-usapan yung ganitong material,” pagtatapos pa ni Tom.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN