Antonio Aquitania proud of nephew Daniel Padilla's success

IMAGE Bochic Estrada

Antonio Aquitania on the challenges of playing a kontrabida role: "Mas effort ang soap. At least, 'eto mas challenging, tsaka mas pinag-aaralan mo yung reaksyon mo bilang masama."



Gumaganap bilang kontrabida si Antonio Aquitania sa Sa Piling Ni Nanay ng GMA-7.

Ano ba ang mas gusto niyang papel: mabait siya o salbahe?

“Salbahe! Parang kasi, sa totoong buhay mabait ako e,” at tumawa si Antonio.

Ito ang dahilan kaya raw mas natsa-challenge siya kapag salbahe ang role niya sa harap ng kamera.

“Mas maganda salbahe.

“Tsaka para maiba sa ginagawa ko sa Bubble Gang

Kasi mas ano, e ...

“Puro patawa dun, e.

“At least, 'eto mas challenging tsaka mas pinag-aaralan mo yung reaksyon mo bilang masama.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan si Antonio sa taping ng naturang drama series ng GMA.

MORE CHALLENGES AS KONTRABIDA. Malaki raw ang kaibahan ng pagiging kontrabida niya sa Sa Piling Ni Nanay at sa mga “kalokohan” niya sa Bubble Gang.

“Yung Bubble Gang kasi parang naglalaro lang, eto talagang trabaho pag taping, kasi effort talaga.

“Mas effort ang soap.”

Madalas ay may mga eksena sila sa Sa Piling Ni Nanay na sinasaktan niya ang female lead ng soap na si Yasmien Kurdi.

Nag-uusap raw sila ni Yasmien bago ang bawat take para hindi niya masaktan ng totohanan ang aktres.

“Pero pag gusto totohanan… meron time na napilipit ko yung kamay niya, na parang feeling ko mababali,” pag-alala niya.

Nag-sorry naman daw siya kay Yasmien pagkatapos ng eksena.

HAPPY FOR NEPHEW'S SUCCESS. Pamangkin ni Antonio si Daniel Padilla.

Magpinsang-buo sina Antonio at ang ina ni Daniel na si Karla Estrada.

Masaya raw si Antonio sa tinatamasang kasikatan ni Daniel ngayon.

“Oo! Dumadalaw naman ako paminsan-minsan.”

LOYAL KAPUSO. Walang kontrata si Antonio sa GMA Network pero loyal siyang Kapuso.

“Oo, e. Parang eto na lang ang alam kong channel na pagtatrabahuhan ko, e.

“Ang hirap nang makisama sa iba, sa twenty years ko sa Bubble Gang.”

Labis-labis raw ang pasasalamat niya sa GMA.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN