Encantadia director Mark Reyes comments on TV ratings; hints about plans to remake Mulawin

IMAGE Noel Orsal

Direk Mark Reyes sends a message to fans of the 2005 version of Encantadia: "They should be open-minded to watch it as the 2016 version. Huwag na nila i-base sa 2005. It's okay that they look back at 2005 but if they start basing stuff from 2016 to 2005 ay magkakagulo talaga 'yan."



Masaya ang TV director na si Mark Reyes dahil patuloy ang suporta ng viewers sa GMA-7 epic telefantasya na Encantadia na pinagbibidahan nina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, Sanya Lopez, at Glaiza de Castro.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Direk Mark kaninang hapon, August 16, sa pamamagitan ng telepono, sinabi nitong mataas ang TV ratings ng Encantadia sa Mega Manila at Luzon matapos ang halos isang buwan sa primetime block simula nang umere ito noong July 18.

Ngunit aminado rin si Direk Mark na hindi pa nila natataasan ang kalabang programa sa ABS-CBN, ang FPJ's Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Pahayag ni Direk Mark, "We have not beaten Ang Probinsyano in the national [ratings] which is including Visayas and Mindanao but in Mega Manila ratings and in Luzon, if I'm not mistaken, we're doing very well."

Isa ang TV ratings sa mga factors na kinu-kunsidera ng mga TV network kung may dapat bang baguhin sa kanilang programa at ganito rin ang patakaran sinusunod nina Direk Mark para Encantadia. Ngunit diin nito, hindi naman sila agad-agad gumagawa ng pagbabago sa program nang hindi pinag-aaralan nang maigi ito.

Paliwanag ni Direk Mark, "Since, you know, Encantadia has a set story, we follow the basic story that we planned out but definitely, it's just logical that if something's not working, we change it. Definitely, meron yun."

Dagdag nito, "But sometimes kasi, it's not like one day rating tapos magre-react na kami. Hindi ganun. Dapat we study it and we see what the audience likes to watch, or reactions nila sa certain part that we're doing. All shows naman react that way. If we don't react, we're not doing our jobs."

Hiningi na rin ng PEP ang reaction ng direktor tungkol sa mga negatibong komento ng ilang viewers sa programa lalo na sa mga pagbabagong napanood ng mga ito. Umapela si Direk Mark na huwag nang ikumpara ang 2005 version ng Encantadia sa kasalukyang ipinapalabas sa Kapuso Network dahil marami na ang pagkakaiba ng mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Direk Mark, "That's kind of tiring because they get confused. They create confusion if they start basing on everything in 2005 [version]. Right now, nag-uumpisa na yung pinaka-sequel side of things. Wala dating visit ni Pagaspas from Mulawin, ito na parating na si Miguel Tanfelix. Wala yung storyline ni Adhara which is Sunshine Dizon.

"We changed it already, so dapat they should be open-minded to watch it as the 2016 version. Huwag na nila i-base sa 2005. It's okay that they look back at 2005 but if they start basing stuff from 2016 to 2005 ay magkakagulo talaga 'yan. That's why there are a lot of confusion going on."

MULAWIN CROSSOVER. Simula bukas, August 19, mapapanood na rin sa Encantadia ang Kapuso teen star na si Miguel Tanfelix bilang si Pagaspas. Ang karakter na ito ay una niyang ginampanan sa 2004 Kapuso telefantasya na Mulawin na pinagbibidahan nina Angel Locsin at Richard Gutierrez.

Tinanong rin ng PEP si Direk Mark kung may balak din silang i-explore ang mundo ng mga Mulawin sa Encantadia ngunit ang sagot nito, "We don't know, wala pang plano."

Dagdag na paliwanag ni Direk Mark, "There are plans to have Mulawin as a future project, if and when it happens. So we can't really put them in Encantadia as much as we want.

"If there are plans that the network wishes to pursue that, that's a separate show. Ano lang yan, e, parang ano lang 'yan crossover ng Flash at saka ng Supergirl, and Arrow and Flash. Parang ganyan lang yan, hanggang diyan lang yang level na 'yan. It's not going to become more than that.

"Because even in the original one, they would pay a visit, you know. They're like the extra force, if Enca needs help, the Mulawins show up, ganun. But it will not be integral to the show of Encantadia because Mulawin can stand on its own.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ano nga, it's very exciting na if the network does produce it some time in the future, balik na. Enca and Mulawin is back!"

Abangan ang muling paglipad ni Pagaspas! #Encantadia2016 #PagaspasSaEncantadia @migueltanfelix_

A video posted by Encantadia 2016 (@gmaencantadia) on


VISH'KA.
Isang bagong karakter din ang ipapakila sa mga susunod na episode ng Encantadia at ito ay si Vish'ka mula sa tribo ng mga Ascano na gagampanan naman ng Game of Thrones actor na si Conan Stevens.

Ayon kay Direk Mark, "Maraming tribe sa Enca na we weren't able to pursue in 2005. Now, in 2016, ang dami na niyan. Yung mga Askano, and yung mga Bandidos kaming bago, and then andiyan yung Adjantao, etc."

Malaki raw ang role na gagampanan ni Conan sa telefantasya dahil sa sikretong hawak nito. Aniya, "Vish'ka is part of the Askano and he's the pinaka-panday doon na gumagawa ng strong armors and weapons. And he holds a secret that you should just watch. In the next few episodes, mare-reveal kung ano yung hawak niyang secret later on. His character is gonna come up soon. We're just promoting it well now because he's in the country and he's doing the promotions in GMA."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN