Max Collins says boyfriend Pancho does not get jealous of sexy scenes: "Alam niya na trabaho lang 'to."

IMAGE Noel Orsal

Max Collins braves her steamiest role yet in a teleserye: "The story calls for it, kailangan yun. Or else, hindi na effective yung character ko, hindi na magiging real." The Kapuso actress admits doing sexy scenes is a tough call: "It's so hard, nakakailang."



Sa ngayon, hindi pa raw nakikita ng boyfriend ni Max Collins na si Pancho Magno ang trailer ng Someone To Watch Over Me, ang bagong primetime series sa GMA-7.

Ito na nga raw ang pinaka-daring sa lahat ng proyektong ginawa ni Max.

Ipinapakita nga sa trailer ang kissing scenes at love scenes nila ng bidang si Tom Rodriguez.

Seloso ba si Pancho?

Natatawang tugon ni Max, “You know, he’s very understanding naman, alam niya na trabaho lang ‘to… kailangan, artista ako.

“He has to be very understanding about it, artista rin naman siya.”

Dugtong pa niya tungkol sa love scenes nila ni Tom, “Kinausap muna kami kung ano ang dapat naming gawin.

“Motivation namin, at kailangang maging honest, kailangang makita yung love and passion.

“It’s so hard, nakakailang, pero ang sabi naman, okey lang na mailang… it always starts that way.”

Inaasahan na rin naman daw ni Max na basta si Maryo J. delos Reyes ang director, kailangang makatotohanan ang love scenes.

Aniya, “Basta si Direk Maryo, passionate talaga, expected ko na yun.

“At ayaw ni Direk Maryo na dayaan, ayaw niya yung halata na umaarte lang kayo.

“Very particular siya sa mga eksena, kailangan mukhang totoo talaga.”


HONEST TOM. Very honest daw na actor para kay Max si Tom, paano niya nasabi yun, lalo na sa kissing scenes nila?

Aniya, “Very giving actor siya, I can tell from the beginning, parang nailang siya sa akin.

“Nailang ako sa kanya pero he was worried kung ano ang magiging reaksiyon ko.

“Kung okey ba kong ka-trabaho or mahihirapan ba siya sa akin?

“Basta there are so many factors to consider before you do a love scene, but with him, he’s such a gentleman.”

Kaya pa ba ni Max to go further pagkatapos nito sa pagiging daring?

“I don’t know if I can go further,” natawa niyang sabi,

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think, hanggang dito lang ako, hanggang love scene lang ako.

“But if the story calls for it, that’s why I did it, the story calls for it, kailangan yun.

“Yun lang din ang eksenang maipapakita sa mga audience na may love kami for each other.

“Or else, hindi na effective yung character ko, hindi na magiging real.”


COMPETING BEAUTIES. Bida rin sa Someone To Watch Over Me si Lovi Poe.

Sa presscon pa lang ng teleserye na ginanap nung Lunes, August 22, parang pabonggahan at paseksihan na sila Max at Lovi sa mga red gowns pa lang nila.

Patalbugan at paseksihan din ba silang dalawa sa teleserye?

Ayon kay Max, “In a way, yes, pero I could say, it’s a healthy competition.

“She wants me to do better and me, to be better.

“Gusto ko na maging maganda ang eksena namin, ayokong sabihin ng mga tao na ano ba naman ‘yan?

“Hindi maganda o hindi ako magaling umarte or hindi ako sexy.

“Gusto kong mag-enjoy ang mga tao sa pinapanood nila.”

Pinuri pa ni Max si Lovi, “Ang galing niyang umarte so yun ang ginagawa ko ngayon, to step up.

“Kailangan ko rin mag-step-up for myself and as a team effort.

“Ayoko rin namang i-let-down si Direk Maryo and the entire team.”

Sa mga nakaraang serye ni Max, siya ang bida o naaapi.

Kung sakali, sa Someone To Watch Over Me, ngayon lang yata siya lalabas na kontrabida.

Pero ayon sa kanya, “Hindi ko masabing kontrabida but with the circumstances… yung sakit.

“If you’ll look at it in another perspective, ako yung magiging kabit, so ako ang kontrabida.

“Pero hindi ako maldita rito, hindi ko alam na may sakit siya, so wala akong alam about that.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN