Liza Soberano describes Enrique Gil as "man of my dreams"

IMAGE Allan Sancon



Sa nakaraang six months, binigyang buhay nina Liza Soberano at Enrique Gil ang nakakakilig na kuwento nina Serena at Tenten sa ABS-CBN primetime series na Dolce Amore.

Ngayong magtatapos na ang Dolce Amore, natanong ang dalawa tungkol sa pagtatrabaho nila kasama ang ibang artista.

Enrique, pag may dumadating bang love interest si Liza sa show, nagseselos ka ba o may limitation ka bang ibinigay sa guy?

Enrique: “Wala naman, understandable naman siguro yun at wala naman siyang sinasabi na may nagkakagusto sa kanya sa work. Kahit ako, may ka eksena akong babae, wala lang talaga, it’s just work at wala pa namang nagko-cross the line, so mabuti naman.”

Sa Dolce Amore, muntik nang ikasal ang characters na sina Serena at Tenten.

In real life, ano ba talaga ang dream wedding nina Liza at Enrique?

Liza: “Gusto ko sa beach at simple lang, as in family lang ang nandun at close friends. Ayaw ko ng sobrang bongga, kasi parang nawawala na yung sincerity ng ceremony at naku-conscious ka kung anong nangyayari sa paligid dahil sa dami ng tao. Gusto ko naman sa place, yung out of the country like, Maldives, Fiji, Hawaii.”

Enrique: “Ganun din sa akin, gusto ko din sa beach.”

Biglang singit si Liza: “Sus, gusto mo lang ikasal sa akin. Hahaha!”

Si Enrique ba ang matuturing na dreamboy mo?

Liza: “Dream boy? [He's the] man of my dreams.”

Pagkatapos ng Dolce Amore, magkakasama muli ang LizQuen para sa upcoming movie.

Enrique: "Ang alam ko lang, may out-of-the-country."

Liza: "May teleserye rin. Pero pilot lang kami dun."

Enrique: "Kakaibang characters namin dun."

Liza: "Pang-matanda na po kami."




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN